After the usual interview, he said tatawagan nalang daw ako ng HR nila tonight to follow up my application. Then, I walked outside na with super hiya on my face. On your face Aubrey! On your face, nasagot ang tanong mo kahapon kung sino ba sya. But what can I do? Nangyari na eh! Nagulat lang ako na wala siyang nabanggit tungkol sa nangyari kahapon. He seems to be in a bad mood. Haaay. Bad shot agad ako sa boss ko. Tsk tsk.
Hindi pa ako nakakalayo nang masalubong ko sina Alfred at Marj. Magla-lunch sila kaya niyaya nila ako. Ayoko sanang makaistorbo sa date nila pero gustong-gusto kong i-share yung nangyari kaya sumama na ako sakanila para mag-lunch.
"Destiny na yan besy! Hahaha!" -pang-aasar na sabi ni Marj.
"Eeehh!!! Sa lahat naman kasi ng makakasagutan ko, bakit boss ko pa? Haaay. Mukhang negative ako neto." -me
"Sus, hindi yan! Malay mo type ka nun. Ipapasa ka nyan! Haha!" -hirit naman ni Alfred.
Nag-make face lang ako. (haba-nguso) Bigla namang tumunog ang phone ko. Unknown number ang tumatawag. Sinagot ko naman.
"Hello, who's this?"
"Hi Aubrey! This is Vincent."
"Yes, sir? Napatawag po kayo?"
"Just checking if your number is active in case may update about sa application mo."
"Ahh, opo active po itong number ko sir."
"Okay. So, are you free tonight? Pag-usapan nalang natin ng personal yung tungkol sa application mo."
"Opo pwede po ako mamaya sir, see you po. Salamat."
"Okay, see you!" -huling sinabi nya tsaka ibinaba ang telepono.
"Sabi sayo type ka nyan eh! Tignan mo, niyaya ka agad mag-date?! Ninja moves yan friend! Haha!" -pang-iinis ni Alfred.
"Tigilan nyo nga ako. Makikipagkita lang ako sa kanya para sa work noh! Sige, mauna na ako ha. Uuwi muna ko. Enjoy your date! Ingat kayo." -sinabi ko sa dalawa bago ako umalis.
-------------
Subscribe. Comment. Like. Vote. Share.
BINABASA MO ANG
He's mine! No, mine!
RomancePaano nagagawa ng isang tao na magmahal ng dalawa? No one deserves to be a reserve! Si Aubrey ay isang babaeng sawa nang magmahal dahil takot nang masaktan at maiwan ngunit tinanggap niya muli ang risk na masaktan nang mahulog ang damdamin niya kay...