"Ba-ba-ba-baba-na-na" -ang super cute ringtone na kanta ng minions ang gumising sa akin.
Alas-siete pa ang pasok ko pero gumising na ako ng 4 a.m. kahit malapit lang ang byahe ko. Ayaw ko kasing ma-late sa unang araw ng bagong trabaho ko.
Hindi naman nasayang ang maagang paggising ko dahil hindi ko naabutan ang oras ng traffic. Pagdating ko sa café ay hinanap ko agad si Mam Gail. Si Kean ang inatasan niyang mag-train sa akin para sa dalawang linggo. Natuwa ako nang makita ko siya. Gwapo! Matangkad, maganda ang katawan, maganda ang hugis ng mga mata, mapula ang labi, maputi, at makinis ang kutis. Yan ang ilan sa characteristics ng dream man ko. Kinilig na naman ako at nagkaroon ng pag-asa.
"Kean, this is Aubrey. Siya ang papalit kay Red bilang barista dito sa café. Ikaw na ang bahalang mag-train sa kanya." -ika ni Mam Gail kay Kean.
"Hi! I'm Aubrey. Goodmorning!" -nakangiti kong bati sa kanya.
"Goodmorning din. I'm Kean. Mahigpit ako pagdating sa training. Pag trabaho, trabaho. For me, training is training and we should take it seriously. Are we clear?" -istriktong sabi niya.
"Opo sir, clear po." -sagot ko naman.
"Don't call me sir. Hindi mo ako boss. Just call me Kean." -ani niya.
Ngayon na ako kinabahan. Nabawasan ang excitement ko dahil sa kasungitan niya.
"Okay Kean. Let's start?" -sagot ko sa kanya.
"Excited ka girl? Wait lang. Magre-retouch lang ako." -Kean
Wala na! Gumuho na ang pag-asa ko. Ang nakikita kong magandang lalaki ay lalaki rin pala ang hanap. He is gay! Nakakaloka! Minsan ka nalang makakilala ng gwapong lalaki, kung hindi may jowa, bakla naman! Nauubos na talaga sila. Haaaay. No choice. Move-on nalang ulit!
Tinutukan ni Kean ang bawat kilos ko. Sinigurado ko namang pinagbubutihan ko ito. Puro tungkol lang sa ginagawa namin sa trabaho ang pinag-uusapan namin. Tama siya, seryoso nga masyado ang training. Hindi na rin ako nagtangkang magtanong ng mga personal na bagay dahil baka tarayan niya ako.
Time check: 3 p.m. Pagkatapos ng isang napakahabang araw, uwian na! Bago kami lumabas ay pinatawag muna kami ni Mam Gail. Nag-usap kaming tatlo tungkol sa naging performance ko sa unang araw.
"She's good. Madali siyang i-train. Madali siyang matuto. I think kaya niyang matutunan lahat in less than 2 weeks." -seryosong sinabi ni Kean kay Mam Gail kaya napangiti ito.
"Good job girl! Keep it up ha!" -nakangiting sabi sa akin ni Kean habang tinatapik ang balikat ko.
Hindi ko inakalang marunong pala siyang makipag-usap ng nakangiti. He's cute talaga pero kailangan ko nang tanggapin na girl din ang puso niya. Countdown: 5-4-3-2-1. Okay, accepted!
"Sige mam, fly na ko ha? Bye girls!" -dugtong niya tsaka umalis na.
Pag-alis ni Kean, kinausap na ulit ako ni Mam Gail.
"Tinarayan ka ba niya?" -Mam Gail
"Ahh, hindi naman po mam. Sakto lang po." -natatawang sagot ko.
"Tsaka keri lang po yun mam basta po matuto ako." -dugtong ko.
"Mabuti naman. Pagpasensyahan mo na rin si Kean kung maldita minsan. Ganyan kasi talaga siya, mahigpit sa training. He's been our employee since nag-open ang café. Isa siya sa nakakaalam ng halos lahat tungkol sa café kaya siya rin ang ina-assign kong mag-train kapag may bago kaming empleyado. Marami na rin siyang na-handle sa training pero ngayon ko lang narinig sa kanya yung sinabihan niya ang trainee na you're good at kaya mong matuto in less than 2 weeks so, congrats! Makakarating kay boss ang commend na iyan." -natutuwang sabi sa akin ni Mam Gail.
"That's really nice to hear Mam! Thank you po!" -nakangiti kong sabi.
"Oh, siya sige. You can go now. Keep up the good work ha! See you tomorrow." -pagpapaalam niya.
"Opo mam. Salamat po ulit. See you po." -ani ko at lumabas na ako ng café.
------
Add. Vote. Comment. Share.
BINABASA MO ANG
He's mine! No, mine!
RomancePaano nagagawa ng isang tao na magmahal ng dalawa? No one deserves to be a reserve! Si Aubrey ay isang babaeng sawa nang magmahal dahil takot nang masaktan at maiwan ngunit tinanggap niya muli ang risk na masaktan nang mahulog ang damdamin niya kay...