CHAPTER 1
I'm Aubrey, 23 years old. HRM graduate ako. I worked for 2 years sa isang restaurant near Makati pero ngayon, wala pa ulit akong trabaho. Mahilig akong mag-coffee. I never thought na makikilala ko pala ang taong mamahalin ko nang dahil sa kape.
One day, kasama ko sa isang coffee shop ang bestfriend kong si Marj. Pagkatapos naming umorder at papunta na kami para umupo, biglang may tumakbo papunta sa uupuan sana namin, isang mayabang na guy. Parang walang manners at inagawan pa talaga sa table ang mga babae.
"Hey! Sa amin yang table na yan. Nauna kami sayo so, excuse us." -ani ko.
"There's no name in it and there's no 'RESERVE' sign on the table. How can it be possibly yours my dear?" -ani ng lalaki.
"Besy, ang cute naman nya. Hayaan nalang natin. Dun nalang tayo sa kalapit na table para ma-sight natin siya." -bulong sa akin ni Marj.
"No! Lagot sakin to." -sagot ko.
"Ang yabang mo naman kuya! Bakit? Sayo ba tong shop na to? Sino ka ba?" -taas kilay kong sabi sa lalaki.
"Oh, sorry. Where are my manners? Ako nga pala si Vincent, but you can call me 'babe.' Can I call you mine?" -sarcastic nyang sabi sa akin.
Lalong tumaas ang kilay ko at bahagya akong napa-nganga. Gusto kong ipakita na galit ako pero sa totoo, kinilig ako. Tall, kayumanggi, and handsome chinito siya. How can I resist? Pero syempre, pakipot tayo ng konti. Haha!
"No, because MINE is not my name. I'm Aubrey and I don't care about you." -my fierce answer.
"Okay Miss Aubrey, my apologies. And don't go, please. You can take this seat. I'll just find my place somewhere else. Enjoy your coffee!" -nakangiti nyang sinabi habang tumatayo at tsaka lumakad palayo.
Nahiya naman din ako sa inasal ko kaya niyaya ko nalang si Marj na umalis na. Nag-ikot nalang kami sa mall kung nasaan kami.
More than a year na rin akong single. Malapit nang mawalan ng pag-asa sa forevermore dahil sa paulit-ulit na masasamang experiences sa mga lalaking nagiging boyfriend ko. They're all the same! Naging mas mapili na tuloy ako sa mga lalaki. Mas pinapairal ko na kasi ang utak ko kesa sa puso. Natatakot na kasi akong masaktan ulit. Madaming gustong manligaw pero ako na ang umaayaw.
"Besy, ang cute nya noh? Sana pinatulan mo nalang yung 'mine' nya. Kung wala lang akong bf, nako!" -pang-asar na sabi ni Marj sabay tumawa ng malakas.
"Oo cute nga sya. Type ko, pero ang hangin kasi. Hahaha! Hayaan mo na. May mas gentleman pa sakanya diyan." -sagot ko naman.
"Sabi ko na nga ba type mo eh! Haha! Nagtext nga pala si Alfred. May lakad kami bukas. Baka hindi kita masamahan mag-apply, okay lang ba?" -Marj.
"Ah, oo naman. Sige mag-date muna kayo bukas. Kaya ko naman mag-isa." -sagot ko.
Kinabukasan...
Pumunta ako sa main office ng coffee shop na pinuntahan namin kahapon para mag-apply. Nakapasa naman ako sa initial interview. Pinapunta ako sa branch dun sa mall for my final interview. Pagpasok ko sa room ng mag-iinterview sakin, napa-nganga nanaman ako. There he is, Vincent. Siya ang boss ko na mag-iinterview sakin?! I was like ---Nganga! Nganga Aubrey! Nganga!
"Well, goodmorning! Please sit down." -Vincent
What to do? Sobrang nahihiya ako dahil sa nangyari kahapon. Parang gusto kong takpan ng sako ang mukha ko sa sobrang hiya. But he's trying to be professional kaya magpapaka-professional nalang din ako.
"Goodmorning sir!" -nakangiti kong sinabi at tsaka umupo.
"Aubrey, right?" -Vincent
"Yes, sir. Aubrey Salcedo, 23 years old from Pasay City......" -introducing myself
BINABASA MO ANG
He's mine! No, mine!
Storie d'amorePaano nagagawa ng isang tao na magmahal ng dalawa? No one deserves to be a reserve! Si Aubrey ay isang babaeng sawa nang magmahal dahil takot nang masaktan at maiwan ngunit tinanggap niya muli ang risk na masaktan nang mahulog ang damdamin niya kay...