Ring! Ring!
Hindi pinansin ni Vincent ang ring ng kanyang cellphone na sumabay sa pagdating ko.
"Good evening sir!" -bungad ko sa kanya.
"Good evening. Sit down." -sabi niya.
"Hi Aubrey! Let me introduce myself to you in a right way now. I am Vincent Suarez, owner of this branch. Regarding your application, I would like to congratulate you for making it. You're hired! You can start on your training tomorrow." -masaya niyang sabi.
"Thank you sir! Thank you!" -nakangiting sabi ko.
"Gusto ko rin palang humingi ng paumanhin sa mga sinabi ko sa iyo kahapon. Nasa mood lang akong mang-asar ng oras na iyon kaya pasensya na kung ikaw ang nabiktima ko." -natatawa niyang sabi.
"Ayy. Ayos lang po yun sir. Ako nga po ang dapat mag-sorry dahil hindi ako nagsalita ng mahinahon. Pasensya na po." -nahihiyang sagot ko.
"It's nothing. Kalimutan nalang natin." -Vincent
Sandaling nanahimik kaming dalawa nang bigla siyang nagsalita muli.
"Madalas ako dito sa café pero hindi ako araw-araw nandito. Oo nga pala, gusto ko sanang maging kaibigan ka. Maaari ba? Wag mo na din akong tatawaging sir o boss kung wala naman tayo sa café, Vincent nalang. Ayos lang ba?" -tanong nito.
"Ahh. Ehh. Sige po sir este, oo Vincent, sige." -utal-utal na sagot ko.
Inilahad niya ang kamay niya para makipag-shake hands sa akin. Inabot ko naman ito. Napatitig ako sa mga mata niya habang nakikipagkamay siya. Malambot ang mga kamay niya. Pang-mayaman! Agad ko namang hinila ang kamay ko nang mapansing nagkatitigan kaming dalawa at nakatulala ako. Natawa kaming dalawa.
"Mayroon akong girlfriend. Her name is Angeline. Business partner ko siya but she is now in Australia. She chose to stay there kesa dito kasama ako. Oh, sorry. I hope you don't mind kung nagkukwento ako." -dagdag niya.
"Hindi, ayos lang. Sabi mo naman friends na tayo. So, pwede kang mag-open. I'll listen. Go on." -sinabi ko nang nakangiti.
"Thanks! So as I was saying, she left 2 months ago. Anim na buwan lang ang usapan namin na mawawala siya. Pagkaalis niya, never pa siyang nagparamdam ulit sa akin. I was desperate. Kaya pasensya na kung nabiro kita yesterday. Gusto ko lang kasing pasayahin ang sarili ko." -Vincent
"Wala yun. Now, I understand." -sinabi ko at ngumiti ako.
"Ikaw, wala ka bang gustong i-share?" -Vincent
"Ahm, wala kasi akong lovelife. Halos lahat ng mga nagiging bf at ka-MU ko, niloloko lang ako. Pare-parehas lang ang mga lalaki para sakin. Sorry." -nahihiyang sagot ko.
Tumawa siya ng malakas. Yung nakaka-insultong tawa. Nang-aasar na naman tong lalaking to. Wag kang tatawa at baka ma-inlove ako dahil sa killer smile mo!
"Sorry. Sorry." Tsaka tumawa ulit siya.
"Hindi ko alam na may galit ka pala sa aming mga lalaki. Hindi kita masisisi kung yan ang conclusion mo. I won't ask na." -dagdag niya.
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na rin ako para makapagpahinga at makapaghanda sa pagpasok ko kinabukasan. Pag-uwi ko ay tinawagan ko si Marj.
"Besy! May gf na pala siya. I can't believe na nag-open siya sakin kanina at sinabi niyang friends na daw kami." -me
"Woah! Ang bilis ha! So, hired ka na ba?" -Marj
"Ah, oo. Start na ako agad bukas. Urgent hiring pala kasi sila. Alam mo, natatakot ako." -me
"Natatakot ka sa boss mo? Haha! Bakit?" -Marj
BINABASA MO ANG
He's mine! No, mine!
Roman d'amourPaano nagagawa ng isang tao na magmahal ng dalawa? No one deserves to be a reserve! Si Aubrey ay isang babaeng sawa nang magmahal dahil takot nang masaktan at maiwan ngunit tinanggap niya muli ang risk na masaktan nang mahulog ang damdamin niya kay...