Chapter 2 - Vincent's POV

50 1 0
                                    

Ako si Vincent Suarez, 25 years old. Graduate ako ng management at ako ang may-ari ng isang branch ng Dream Café sa isang mall sa Makati.


Mayaman ang pamilya namin kaya sa mura kong edad ay namamahala na ako ng sarili kong negosyo.


Isang araw nang bumisita ako sa café, na-excite ako nang makita ko ang couch kung saan ako sinagot ng girlfriend ko, si Angeline. Ilang linggo na rin kasi akong hindi nakakapasyal sa café kaya agad akong lumapit at naupo sa couch. Hindi ko namalayang may mga babae palang uupo sana dito. Hindi ko naman intensyong bastusin sila pero isa sa kanila ang bigla akong tinarayan.


"Hey! Sa amin yang table na yan. Nauna kami sayo so, excuse us." -biglang sabi sa akin ng babae.


Maganda siya. Hindi gaanong matangkad pero maganda rin ang katawan niya. Mukha talaga siyang mataray kaya biniro ko ito.


"There's no name in it and there's no 'RESERVE' sign on the table. How can it be possibly yours my dear?" -mahinahon kong sabi sa kanya.


"Ang yabang mo naman kuya! Bakit? Sayo ba tong shop na to? Sino ka ba?" -sagot niya sa akin nang nakataas ang kilay.


'Oo, sa akin tong shop' -gusto kong isagot sa kanya ngunit lalo siyang naging cute nang makita kong naiinis na siya kaya lalo ko siyang inasar.


"Oh, sorry. Where are my manners? Ako nga pala si Vincent, but you can call me 'babe'. Can I call you mine?" -pang-aasar kong sinabi sa kanya.


Sa loob ko ay natatawa na ako sa naging reaksyon ng mukha niya. Namula siya at napa-nganga. Lalong tumaas ang kilay niya. Nasobrahan ata ang sinabi ko.


"No, because MINE is not my name. I'm Aubrey and I don't care about you!" -mataray na sagot niya.


Bigla ko namang naalala ang pakay ko sa café at naalala ko si Angeline kaya itinigil ko na ang pang-iinis sa babae.


"Okay Miss Aubrey, my apologies. And don't go, please. You can take this seat. I'll just find my place somewhere else. Enjoy your coffee!" -nakangiti kong sinabi sa kanila.


Lumayo na ako at dumeretso sa kwarto ng mga empleyado.


"Goodmorning sir!" -kaliwa't kanang bati sa akin ng mga empleyado.


"Sir, tamang-tama po ang pagpunta ninyo. May isang barista po tayong nagkasakit at humingi ng leave kaya kailangan po nating mag-hire ng bago." -ani ni Gail, ang head ng aming HR department.


"Okay, no problem. Submit a letter to the main office. Tell them that we are hiring." -sabi ko sa kanya.


"Okay sir. I'll forward the letter ASAP." -Gail


The next day, nagpunta ako ng maaga sa café para sa interview ng ipapadalang applicant ng main office. To my surprise, yung cute girl yesterday ang pumasok sa room ko for an interview. Gusto ko sana siyang asarin ulit pero kailangan kong maging professional kaya wala akong binanggit tungkol sa nangyari kahapon. Isa pa, may problema kami ni Anj (Angeline) kaya medyo hindi rin maganda ang mood ko.


Habang iniinterview ko si Aubrey, napansin kong masiyahin pala siya. Wala rin akong masyadong kaibigang babae dahil sa pagkaselosa ni Anj, kaya iniiwasan ko na ang mga babae kong kaibigan. Kahit na wala akong ginagawang masama, pinaghihinalaan parin niya ako.


Nagkaroon ako ng interes kay Aubrey. Gusto ko siyang maging kaibigan kaya pagkatapos ng interview ay kinuha ko ang number na nasa resumé nya at tinawagan ko siya. Ginawa ko nalang dahilan ang trabaho para makausap ko siya. Pumayag naman siya kaya sa wakas, makakapag-usap na kami ng maayos.


------------

POV - Point of view


------------

Like. Vote. Comment. Subscribe. Share.

He's mine! No, mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon