Viral 4

1K 62 5
                                    

Chapter Four

Jema's

"Sigurado ka ba dyan sa pinapasok mo?" Malumanay akong tumango.

"Huwag kang mag-alala, Ara. Walang mangyayaring masama kay Jema. Ngayong gabi rin balak ng mga police iraid ang underground, cyber sex na mamatyagan ni Jema, ngayon."

Paliwanang ni Gerald. Napahinga nalang ng malalim si Ara. Nginitian ko naman sya, upang ipahiwatig na ayos lang.

"Huwag na huwag mong tatanggalin ang headset mo. Maging alisto ka. Nandito lang ako, dadating ako agad kapag mapapahamak ka na. Kaya huwag kang matakot ah?" Tumango ako.

"Alam kong hindi mo ko pababayaan. Lagi kang nandyan para iligtas ako."

Katulad, kung paano nya ako niligtas. Niligtas nya ako, nung muntik na naman akong mapagsamantalahan ng mga taong pinagkatiwalaan ko.

Hindi lang isa, kundi dalawang beses. Kaya sobrang thankful ako, na laging nandito si Ara. Nandito sya kapag kailangan ko ng tulong.

Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Hindi ko na alam kung paano ko pa mababayaran.

Tapos heto ako. Pumapasok na naman sa gulo. Nilalagay ko na naman ang sarili ko sa kapahamakan.

Napapikit ako. Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko. Tila may karera ng kabayo sa loob ng puso ko, sa tindi ng kabang nadarama ko.

Napatingin ako kay Ara. Nung hawakan nito ang nanginginig kong kamay.

"Alam ko kahit natatakot ka, hindi ka na papipigil. Kaya ang isipin mo nalang, nasa tabi mo ko." Pinagdaup nya ang mga palad namin "Hinding hindi kita iiwan." Ilang beses akong napatango

Kahit papano nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Basta maging alerto ka lang ah? Huwag na huwag kang iinom ng kahit anong ipainom nila sayo."

"Oo, babe. Tatandaan ko 'yan."

"Huwag kang mag-alala, Jema. Nakabantay naman kami sayo. Isa pa, yung police na source ko sa loob. Pinagbilin na kita. Kaya tapangan mo lang ang loob mo" sabi ni Gerald

"Basta! Huwag mong tatanggalin ang headset mo sa akin ka lang makikinig!" Bilin ulit ni Ara.

Ngumiti ako. Kasabay nun ang pagtango.

"Oh, sya narito si Allan." Ang baklaw bugaw na magpapasok sa akin sa illegal na bentahan ng laman.

Hindi ako sigurado kung anong ginagawa ng mga batang lalaki o babae sa harap ng camera.

Katulad rin ba 'yon ng mga babaeng nagbebenta ng laman sa mga beerhouse na pinagtatrabahuan nila?

Ang mga lalaking pumapatol sa mga bakla mula sa pinag-sasayawan nilang gaybar?

Muling bumalalot sa katawan ko ang takot, hindi lang para sa sarili ko. Maging sa mga kabataang nakakulong na sa masamang gawain na 'yon.

"Naku, Gerald. Siguraduhin mo lang labas ako rito ah? Ayokong makulong bruha ka! Madami akong pinapakaing  mga kapatid"

"Huwag kang mag-alala, Allan. Sinisigurado ko sayong labas ka rito." Assurance ni Gerald sa kanya.

"Mabuti na yung malinaw. Oh sya, ito na ba yung asset mo?" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa "In fairness maganda ah? Tyak, booking agad ito ngayong gabi"

Napalunok ako. Sa itsura kong ito mukha talaga akong nagtatrabaho sa beerhouse at casa.

Sobrang ikli ng dress na suot ko. Black fitted dress. Hapit na hapit sa katawan ko. Kaya makikita ang kurbada ng aking katawan.

Viral PostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon