Chapter Eight
Deanna's
Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit mas pinili ko pang mag-quit sa PNPA at nagshift bigla sa Criminology.
Mas pinili ko pa raw maghirap ng 4 years tapos kailangan ko pang mag-board exam, para lang maging ganap na police. Samantalang sa PNPA, training lang, after mong gumadruate bilang cadet, police kana, mas mataas pa ranggo mo.
Maraming tumawa at nagdiskrimina sakin, baka daw kasi nahirapan lang ako kaya nag-quit ako. Sobrang disappointed naman si Papa.
Parehas kasi sila ni Kuya Ian na PNPA graduate. Kaya nung sinabi kong gusto ko rin magpolice at sumunod sa yapak nila, sobrang galak ang sinukli nila. Umasa sila na makakagraduate din ako sa PNPA, bilang Cadet at magiging lieutenant pagkagraduate ko.
Lahat ng galak at pagkaproud nila sakin ay napalitan ng pagkadismaya dahil nga nag-quit ako para lang magshift sa Criminology.
Sa isang taon ko kasing pagtetraining, napansin kong mas nakatuon ang PNPA sa pagpapalakas ng katawan kesa pagpapalakas ng isip. Napa-isip ako sa punto na 'yon kung yun ba talaga ang gusto kong gawin.
Magiging police nga ako, pero parang hindi ko naman talaga natutunan ang kahalagahan ng law. Dahil nakafucos lang kami sa pagpapalakas ng katawan. Gusto kong maging Imbestigator, 'yung gumagana ang utak ko sa pagsolved ng puzzle.
At sa Criminology ko lang 'yun mapupunan. Hindi lang naman kasi tungkol sa law ang pinag-aaralan sa kurso na 'yun. Tinuturuan ka rin kung paano maghandle ng iba't ibang sitwasyon. Lalo na kapag ang suspect ay may sakit sa pag-iisip.
Madalas kasi ang mga police, dinadaan nalang sa dahas, lalo na 'yung hindi talaga graduate ng Crim. At hindi nakapasa sa board exam. 'yung mga police na grumaduate lang sa PNPA, hindi ko naman minamaliit ang kakayahan nila. Pero 'yung paghandle talaga nila sa sitwasyon, lalo na sa mental health, kulang na kulang.
Napabuntong hininga ako. Kailangan ko ng makapasa sa board exam at maging tunay na police, para naman bumalik na sakin ang simpatya nila Papa at Kuya.
Speaking of kuya Ian, Dean Adrian Wong. Ang full name nya. Matanda sya sa akin ng 10 years, anak kasi sya ni Papa sa unang asawa nito.
Kahit na malaki ang agwat ng edad nya sakin, masasabi kong magkasundo kaming dalawa. Lalo na't parehas kaming pasaway.
Katulad ko, nasangkot rin 'yan sa isang rape case. Binasura ang kaso at naabswelto sya, wala daw kasing matibay na ebedensya. Hindi lang ako sigurado kung may kinalaman si Papa, kung bakit nabasura.
"Kuya!" Galak na tawag ko sakanya. Paakyat na ito, sa hagdan patungo sa silid nya.
"Hey, D. Buti napadalaw ka?" Masayang sabi nya habang pinaghihiwalay ang kanyang braso upang salubungin ako ng yakap. Agad akong tumayo sa kinauupuan kong sofa. At mahigpit itong niyakap.
"Pinapunta ako ni Papa. Gusto nya lang daw akong batiin sa success na ginawang raid ng team namin." Proud na saad ko. Ginulo naman ni Kuya Ian ang buhok ko.
"Hmmm, so may celebration pala ngayon?"
"Parang ganun na nga!" Sabay taas ng mga balikat ko at kindat sakanya.
"I'm so proud of you bunsoy." Muli nyang ginulo ang buhok ko. "Teka nga, sobrang ikli naman nitong buhok mo?"
"Eh, kasi kuya. Ginawa nila akong binatilyo kaya ayan, sinatsat nila ang gupit ko."
"Hahaha, bagay naman. Mukha ka ng tomboy na ngayon palang sumisibol."
Ngumuso ako sabay irap sakanya. Parehas talaga sila ni Carly na alaskador.
BINABASA MO ANG
Viral Post
Fanfic"Justice will be served?" Paki-basa po muna sa Realismo thanks 😄 SPG Content!!!