Chapter Ten
Deanna's
"Mahal?" Mabagal kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na tumawag sakin. Humahangos si Carly habang patungo sya sa kinaroroonan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" 'yun agad ang bungad na tanong ko sakanya.
"Sinama ako nung senior researcher ng news team na pag-oojt'han ko."
"First day mo ngayon 'di ba? Sa field ka agad?" Kunot noong tanong ko.
Ngumiti naman si Carly sabay abot ng kamay ko at hinaplos ang likod ng palad ko.
"Ito nga yung gusto ko eh. Yung mahasa agad ako sa field reporting."
"Carly, hindi mo alam yang sinasabi mo. Masyadong delikado, bakit ba kasi, yan pa ang pinili mong career eh."
"Eh nandyan ka naman para iligtas ako 'di ba?"
"Mahal, hindi tayo naglalaro." Kumunot ulit ang noo ko.
"Deans, wag ka na kasing mag-alala gusto ko 'tong ginagawa ko. Promise mag-iingat ako, ah? Smile ka na. Pumapangit ka eh."
Ngumiti ulit sya tapos ginalaw-galaw nya yung kamay naming magkahawak sabay nagpuppy eyes pa sakin. Letse, alam na alam nya talaga ang kahinaan ko.
Napangiti rin ako at kinurot ang kanang pisngi nya. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang dahilan ng pagpasok ni Carly sa larangan ng pagbabalita.
Sa tatlong beses nyang nagshift ng course, never ko syang tinanong kung anong dahilan. Parati ko lang syang sinusuportahan, katulad kung paano nya rin akong suportahan sa lahat ng gusto ko.
"Wow, ang pogi naman ng girlfriend/boyfriend ko. Bagay na bagay sayo ang police uniform ah?" Sabi nya habang sinisipat sipat pa ko. Tapos hinawakan pa nya yung dulo ng cup ko.
Napangiti ako at tinignan rin ang uniform na suot ko. First time kong magsuot ng full police uniform, sa presinto kasi nakapolo shirt lang ako, dahil nga secretary lang naman ako dun.
Kaya nga nagulat ako nung sinabi ni sir. Tolentino na magsuot ako ng police uniform, kahit pa hindi pa ko ganap na police.
Hindi ko narin sya natanong kung anong dahilan, dahil nagmamadali na syang puntahan ang rape victim na naconfine sa hospital na 'to. Sa palagay ko, may kinalaman si papa.
Tatanungin ko nalang siguro sya, pag-uwi ko sa bahay.
"Ikaw naman ang sexy mo dyan sa suot mo. Tingin ko mas bagay kang maging anchor or host kesa maging field reporter."
"Ano ka ba, mahal. Lahat naman nag-uumpisa sa mababa, malay mo pagkagraduate ko, kapag nakitaan nila ako ng potential ilagay nila ako sa news team sa studio 'di ba?"
"Eh kung mag-artista ka nalang kaya? Mas safe ka pa."
"Pwede naman," tapos ngumisi sya. "Basta wag kang magseselos sa mga lalaking magiging love team ko ah?"
Napanguso naman ako na nagpatawa sakanya.
"Hahaha, wala pa nga ganyan na agad itsura mo. Lalo na kapag may kissing scene pa tapos sa labi pa...."
Naningkit ang singkit kong mata, "mahal." Banta ko sakanya.
"Hahaha, ang cute cute talaga ng mahal ko. 'wag kang mag-alala mahal. Ikaw lang ang gusto kong loveteam at kakissing scene."
"Talaga? Sampol nga?" Nakangiti ko ng saad.
Luminga linga muna si Carly, bago kinabig ang batok ko para kintalan ng halik sa labi. Mabilis na halik lang ang ginawad nya sakin, pero dahil nabitin ako, mabilis kong hinapit ang bewang nya at binigyan sya ng madiin na halik sa labi.
Naramdaman ko ang pagngiti nya kasabay ng pagpulupot ng mga braso nito sa likod ng ulo ko.
Agad ko namang pinalalim ang halik ko kay Carly, mabilis kong ginagalaw ang labi ko sakanya. Tila ba, nakalimutan na namin na nasa gitna kami ng hallway ng hospital.
"Ehem...." Napitlag kami at napatingin sa babaeng pekeng umubo. "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala at nakikipaglandian." Mataray na saad nya.
Natigilan ako nang makita ko ang pamilyar na mukha ng babaeng na kay Carly lang nakatingin.
Kumunot ang noo nya nang magawi ang mata nya sakin. Tulad ko natigilan rin sya, na para bang inaalala kung nakita na ba nya ko.
"You look familiar? Nagkita na ba tayo?"
Lumunok ako at hinawi pababa ang hood ng cup ko, upang itago ang mukha ko sakanya.
"Ang totoo nya......"
"Ah pasensya na po, Miss Jema. Naexcite lang ako nung sinabi ni Sir. Tolentino, na nandito si Deanna, ang girlfriend ko. Kaya po nagmadali na akong pumunta dito para makita lang po sya. Sorry po."
"Jema?"
"Deanna?"
Sabay naming saad, sabay rin nagtagpo ang aming mga mata. Gumuhit agad ang gulat sa mata ni Diane nang mamukhaan nya ko.
Sabi ko na.... Sabi ko na pamilyar sya. Sabi ko na nakita ko na sya dati... Sabi ko na pamilyar ang halik nya... Kung paano magreak ang katawan nya sakin sobrang pamilyar....
Pero bakit hindi ko manlang napagtanto na si Jema ay si Diane? Bakit hindi ko agad sya narecognized? Samantalang nakilala ko naman sya nung nagpakilala sya sa T.V bilang reporter.
Napalunok ako ng maraming beses... Air con. naman yung ospital pero butil butil ang pawis ko.....
"Teka po magkakilala kayo?" Napitlag ako nang magsalita si Carly.
Muli akong napalunok nung mapalitan ng matalim na tingin ang kaninang gulat na namamayani sa mata ni Jema.
Ngumisi sya tapos tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.
"So police ka narin?" Tapos tumango tango sya. Muli nya kong tinignan ng masama, nagtangis ang bagang nya.
Napayuko ako, hindi ko matagalan ang klase ng pagtingin nya sakin.
"Babae pala ang jowa mo?" Sabi ni Jema kay Carly, "alam mo, kung hindi sya nakauniporme ng police. Aakalain kong lalaki sya," umangat muli ang tingin ko... Ganun parin ang pinupukol nyang tingin sakin... "Ay hindi, aakalain kong binatilyo sya ng walang kamuang muang...." Tapos tumawa sya ng bahagya.
Muli akong napalunok... Mukhang mabubusog ako sa sarili kong laway ah?
"Jema...." Kinakabahang saad ko.
Ngumisi sya. "Bakit parang kinakabahan ka ata, Wong? Pawis na pawis ka."
"Mahal, okay ka lang? Namumutla ka?"
"Aaaayos lang ako, Ma....mahal." utal na saad ko sakanya. Tapos hinawakan nya ang nanginginig kong kamay.
Bakit ba ko kinakabahan? Ano bang meron? Deanna, si Jema lang 'yan.
Si Jema na ginawan mo ng masama. Limang taon na ang nakakalipas....
"Deans, nanginginig ka.... Ayos ka lang ba talaga?" Sabi ni Carly, sapo sapo nito ang leeg ko, chinicheck kong may sakit ba ko.
Pilit ko syang nginitian... Hinawakan ang kamay nyang nasa leeg ko.
"Ayos lang ako... Mahal. Medyo naiinitan lang ako... Siguro hindi pa ko sanay sa uniform na 'to." Pinasigla ko ang boses ko... Kahit pa, parang namamalat na ata ako.
"Mainit ba? Eh naka-air con. naman 'tong hospital?" Nakangising saad ni Jema. Tinapunan nya lang ako ng tingin tapos bumaling sya kay Carly, "Miss. Hernandez. Mauna ka na sa loob, susunod ako." Sabi nya at nginuso ang kwarto kung saan nandun ang biktima ng rape, na binabantayan ko.
Tinignan ako ni Carly na puno ng pag-aalala. Nginitian ko lang sya at tumango, sinasabing ayos lang ako at sundin nya ang utos ng senior researcher nya.
"Babalik ako, ah?" Sabi nya bago tuluyang pumasok sa kwarto ng biktima.
"Wala pa kong ginagawa, Maria Deanna Izabella Wong. Kaya ireserve mo yang takot na nararamdaman mo. Tandaan mo, kung natakasan mo man ang batas noon. Pinapangako kong makukuha ko rin ang nararapat na hustisya sa akin ngayon."
Napahinga ako ng malalim sa mga huling katagang binitawan ni Jema... Bago ito, sumunod kay Carly sa loob ng kwarto ng biktima.
BINABASA MO ANG
Viral Post
Fanfic"Justice will be served?" Paki-basa po muna sa Realismo thanks 😄 SPG Content!!!