Chapter Two
Jema's
"Good Job!" Pumalakpak pa si Gerald. Si Gerald ang Camera man ko at nagsisilbing direktor din. "Mas bagay ka talaga sa harap ng camera. Ang gaganda ng mga shot mo."
"Naku! Nangbola ka pa!" Pinalo ko ang braso nya.
"Hindi ah? Nagsasabi kaya ako ng totoo!"
"Ehem!" Napatingin kami sa babaeng pekeng umubo
Ang sama rin ng tingin nya kay Gerald
Napangiti ako at napailing nalang
Nilapitan ko sya at hinawakan ang kamay nya
Tumingin sya sakin "Ang galing mo!" Tapos ngumiti na sya "Superb para sa baguhan at first timer sa harap ng camera"
"Thank you" pinisil ko ang ilong nya "Kung wala ka, baka hindi ko rin yun nagawa"
"Ano ka ba, ikaw naman yung nagresearch ng binalita mo so alam mo na yan at kayang kaya mo talaga"
"Eh researcher lang naman talaga ako hindi naman ako reporter"
"Wala lang silang choice kasi biglaang umabsent si Miss Ella"
"Ako lang yung nandito at ako naman ang nagresearch ng news kaya ako nalang pinagbalita nila"
"Masyado mo namang minamaliit ang sarili mo! Ang galing mo nga eh, sabi naman ni Gerald diba?"
"Syempre nandyan kayo para alalayan ako. Kaya naging maganda at maayos ang pagbabalita ko"
"Wala naman akong nagawa? Nandito lang ako sa likod oh?"
"Yung presensya mo sobrang laki ng tulong sakin nun"
"Yung makita lang kitang nakasuporta sakin sobrang laking bagay na nun"
Hinawakan at kinurot ko ang magkabilang pisngi nya
Ngumiti sya kaya nginitian ko rin sya
"Ang kati!!! Ang daming langgam!!! Respeto naman sa single dito"
Natawa kami sa pagsingit ni Gerald
"Sige na pack up na" tinapik nya ang balikat ko "Good Job Jema, sigurado akong mauulit pa to"
"Galingan mo pa! Wag lalaki ulo" nginitian ko sya
"Thank you, see you tomorrow" tumango lang sya
Hawak kamay naming syang pinagmamasdan ni Ara habang papalayo samin
"So saan tayo magcecelebrate para sa debut ng girlfriend ko?"
"Baka sa susunod anchor ka na" napailing nalang ako
"Hay naku babe sobrang taas ng pangarap mo"
"Yun naman talaga pangarap ng mga writer at researcher diba?"
"Ang maging reporter at syempre maging anchor"
"Sa ngayon hindi ko pa naiisip yan, ang gusto ko lang ngayon"
"Magbigay ng tamang impormasyon sa mga tao"
"Yung paniniwala nilang hindi napagkakatiwalaan ang media"
"Gusto ko yun baguhin, sa pamamagitan ng tama at totoong balita"
"Wow nakakaproud talaga ang girlfriend ko"
"Sira!" Hinampas ko ang braso nya "Alam mo naman kung bakit 'to ang napili kong profession"
"Para bigyang boses ang mga taong walang boses" napatango ako
BINABASA MO ANG
Viral Post
Fanfic"Justice will be served?" Paki-basa po muna sa Realismo thanks 😄 SPG Content!!!