Chapter Six
Jema's
Halos hindi ko mabitawan ang kamay ni Kim. Papasok na kami ngayon sa kwarto, kung saan daw ginaganap ang main event.
Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko magcocollapsed ako sa tindi ng kaba.
Hindi ko narin naiintindihan ang mga sinasabi ni Ara, mula sa headphone na suot ko.
Tanging malakas na pagkabog nalang ng dibdib ko ang namamayani sa akin.
Kanina lang, wala akong ibang iniisip kundi ang kaligtasan ng batang lalaki na kahawak ko ngayon. Ang mga batang nadaanan ko sa mahabang pasilyo.
Buo ang loob ko na matulungan sila at mailigtas. Ngunit natatalo na ng kaba ang lahat ng nasa isip ko.....
"Ano yan? Tanggalin mo yan!" Napukaw ang attention ko sa lalaking nakaturo sa headphone na nakatago sa ilalim ng buhok ko habang nakasuksok ito sa tenga.
"Jema, babe. Huwag kang papayag" tutol ni Ara. Napatango ako. "Nakikinig lang ako ng music" palusot ko.
"Hindi tanggalin mo yan!" May diin na utos ng lalaki. Napatingin ako kay Kim. Tumango sya, tila sinasabi nito, na pumayag lang ako.
Napalunok ako. Bago tinanggal ang headset ko. Hindi ko narin ang narinig ang pagtutol ni Ara doon.
"Music lang ba talaga ang pinapakinggan mo dun?" Muli akong napatingin kay Kim. Malalim ang boses nya. Pero medyo himig babae, siguro kasi bata pa kaya, hindi develop ang boses nito.
Teka ano ulit, tanong nya? Tila may laman ang pagtatanong nyang 'yon
"Oo, naman." Kinakabahang saad ko. Tumango sya, at giniya ako papasok sa kwarto.
Magkasabay naming nilibot ang paningin namin sa buong silid.
Mapapansin ang mga nakapalibot na camera sa lahat ng sulok ng silid na ito. Tapos may malaking screne sa gitna ng kwarto.
"First time mo ba?" Napatingin ulit ako kay Kim. Tinitigan ko sya. Mula sa makapal nitong kilay hanggang sa mapula nyang labi.
May isang imahe talaga akong naaalala sa batang 'to. Pero imposible dahil babae ang walang hiyang 'yon.
Nung senior high school kami, maikli rin ang buhok nya. Gupit lalaki rin sya. Pero hindi naman ganito kaikli katulad ng kay Kim.
Hindi mo nga aakalain na 16 years old lang si...... pinilig ko ang ulo ko. Ayokong banggitin ang pangalan ng demonyong babaeng 'yon.
Oo, hindi mo aakalain na 16 years old na batang babae sya sa boy cut hair style nya. Bukod sa baby face 'to, nakakabata talagang tignan kapag maikli ang buhok.
Hindi ko talaga maintindihan noon, kung bakit ang lakas ng dating nya sa mga babae. Sa totoo lang mukha naman syang tukmol... ang cute kaya
Muli kong pinilig ang ulo ko. Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng panahon na isipin pa ang babaeng 'yon? Sa gitna pa talaga ng panganib...
"Diane. Ayos ka lang ba?" Bahagya lang akong tumango. "Natatakot ka no? First time mo ba talaga? Kung first time mo. Anong dahilan, bakit ka pumasok dito?" Sunod sunod nyang tanong.
Umawang ang bibig ko. Pero walang nais na lumabas doon kahit anong salita.
"Tama na 'yan, mag-uumpisa na tayo!" Napatingin kami sa lalaking nakasandal sa hamba ng pinto. Isa ito sa mga body guards nung pinaka-boss ata ng casang 'to.
Biglang din nawala si Allan, hindi ko na alam kung nasaan na sya.
Lumapit ng bahagya sa akin si Kim. Hinilig nya ang mukha nya sa gawi ng tenga ko.
BINABASA MO ANG
Viral Post
Fanfiction"Justice will be served?" Paki-basa po muna sa Realismo thanks 😄 SPG Content!!!