Napakunot-noo si Miguel ng may i-send na link si Patrick sa kaniya. Through email 'yon kaya binuksan niya ang fb at nang makitang open for chat si Patrick nag-chat siya rito.
Miguel: Wat's wid da link?
Patrick: wat link?
Miguel: da death link?Hindi na nag-reply si Patrick pero biglang tumunog ang cellphone niya. Inaabot niya ito sa side table at nang makitang si Patrick ang caller, agad niya itong sinagot.
"Dude, you should see it. Ang astig at ang cool niyan." Medyo maingay ang background nito kaya hindi maintindihan ni Miguel. Pinahinaan niya muna ang music nito. Ganoon talaga si Patrick, ang gusto pati bahay bumabayo sa musika.
"Baka virus 'to? Or bold kaya? Loko ka hinihiram ni mom 'tong laptop ko," natatawang saad ni Miguel.
Hindi niya pa rin inoopen ang link na sinend ni Patrick. Duda talaga siya, e. Nag-open siya ng mga email sa gmail. Kasalukuyan kasi siyang nag-aaplay sa mga engineering firms. Fresh grad sila, nila Patrick, at kilala naman ang school na pinagtapusan nila. Nagsimula muna siya sa pa-send-send ng resume' through email. Baka lang may sumagot na.
"Loko hindi ako si Dylan, noh! Sige na astig 'yan. Nakapag-register na ko d'yan at malalaman mo kung kelan ka mamamatay! Astig 'di ba?" Narinig niya pang tumawa si Patrick nang malakas.
Anong nakakatawa sa kamatayan?
Hindi na isinatinig iyon ni Miguel, bahala si Patrick sa mga trip nito.
"Ows, meron ba no'n?" Still hoping pa ring nagba-browse ng mga emails si Miguel at baka may nag-reply na. Deadma pa rin sa link ni Patrick.
"Oo nga. Basta before ka magregister, send mo muna sa 3 friends mo. Tapos mao-open mo na 'yong site. Astig 'yan p're, hangga't 'di ka nagse-send sa friends mo, hindi mo mao-open." Hindi na halos naintindihan ni Miguel ang mga pinagsasabi ni Patrick. Nanlumo siya ng wala man lang nag-reply sa mga sinend-dan niya. Meron naman kaso masyadong malayo sa lugar niya sa ngayon.
"Dude ano? Hindi ka naman nakikinig, e. Basta follow the steps. Pati kung paano ka mamamatay at reason behind your death. Oras at petsa kumpleto 'yan."
Paano ba ito? Anim na buwan na pagkatapos nilang grumadweyt pero wala pa rin siyang trabaho? Kawawa naman ang kaniyang ina. Simula kasi nang mawala ang kaniyang ama, kahit hindi nito sabihin, nahihirapan na ito. Bakit kasi ang hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon? Patulan na kaya niya 'yong call center na inaalok ni Mika? Habang nag-aantay pa siya. At para may experience na rin, na karamihang hinahanap sa mga trabaho.
Hay, ano ba ito?
"Ewan ko sa 'yo. Sige na puro buntong-hininga lang ang sagot mo. Bye!" At tuluyang nawala na sa linya si Patrick.
Huh? Oo nga pala, magkausap sila. Ang dami kasi niyang iniisip, nagalit na ata.
Magla-log-out na sana siya nang mapatingin siya sa sinend ni Patrick na link.
Why not? Wala naman mawawala.
He opens the link. First it's all black. Then nag-loading. Malaking thombstone ang lumabas na may R.I.P. sa ibabaw. Nakalagay sa gitna ng thombstone ang registration. Then he registers his email add and password. Afterwards, loading ulit. Then, need to have 2 friends in his behalf.
Huh? Kala niya tatlo? Ops, nakikinig naman siya sa sinasabi ni Patrick kanina kahit paano.
Hindi pa rin siya kumbinsido rito kaya nangingiting naglagay siya ng fake names sa pangalawang blank. Ang una ay si Mika May Suarez. Then, he faked the last name. Nag loading. And, biglang nag-red ang names na pineke nya!
May nag-pop up saying:
"use true names of your friend. This is not your friend. Invalid name."
Huh? He scoffed. Nahulaan niya iyon? Interesting. Nag-isip pa siya saglit at si Patrick na lang ang naisip niyang ilagay.
Patrick James Fillesh.
May nag-pop up na naman saying:
"Name of your friend is already having death day. Invite others."
Imbes na matakot, natatawa pa siya. Bakit ba pinatulan niya pa ito? Tama nga ang hinala niya, walang kwenta ito. Ipinagpatuloy na lang niya, tutal wala naman siyang gagawin bukas. Tambay nga siya 'di ba?
Nag-isip pa siya at inilagay naman niya ang pangalan ng pinsan. Kinaiinisan niya ito simula pagkabata.
Gary Javier.
May nag-pop up na naman. What? Invalid again.
"Friends only. Not relatives nor family."
Napakunot-noo siya. How come na alam niya e, hindi naman sila magkaapelyido? Hmmm, natsa-chalenge na siya rito, a. Astig nga according to Patrick.
Faye Shey Lee.
Loading and sa wakas accept.
Nag-open ang home page na as usual, color black.
Isang malaking ENTER na nasa loob ng kabaong ang kinilik niya. Tapos ipina-enter ang pinaka-wish niya bago siya mamatay.
Ang daming ek-ek naman nito.
Hindi na siya nag-isip. Itinayp niya ang to have a job. After pressing done, lumabas ang resulta.
To you Miguel,
Your death day will be on 3 months after you've got your wishing job. That will be on May 26, 2015 exactly 2:10am. Cigerette is the cause of your death.
We will sent you an invitation for that. Be prepared!
At biglang nag-end kahit hindi naman niya kinilik ang close. Kahit kinilabutan sa nabasa, natawa na lang siya.
Kalokohan! E, hindi nga ako naninigarilyo, paanong cigerette ang cause? At madaling araw pa, huh? Tsk...
Pinatay na niyang tuluyan ang laptop. Matutulog na lang siya. At pilit binalewala ang nangyari kanina lang.
My Death Day
jhavril
2015
BINABASA MO ANG
My Death Day
Gizem / GerilimAlamin ang araw ng iyong kamatayan, ang dahilan at oras... Paghandaan ng hindi ka maunahan! © jhavril All rights reserved 2015 February 05, 2015