"Miguel, gising. Aalis na ako. May pagkain sa ref ha, ikaw na bahala rito." Tango lang ang iginanti n'ya sa ina at tuluyan na itong lumabas ng kuwarto n'ya. Nakapikit pa ang isang matang tiningnan n'ya ang oras sa alarm clock. Alas singko pa lang pala. Natulog na lang ulit s'ya.
Naalimpungatan si Miguel sa sunud-sunod na tunog ng message alert tone n'ya. Hindi na sana n'ya iyon papansinin, kaso ringing tone naman ang pumalit. Napilitan s'yang sagutin ang tawag.
Napakunot-noo s'ya dahil new number ang tumatawag. Sinagot na rin n'ya dahil baka importante.
"Hello?" paos pang sabi n'ya, boses na halata mong kagigising lang.
"Wow dude bedroom voice, a. 'Yan ba ang ginagamit mo para makabingwit ng chicks?" Napahalakhak s'ya nang marinig ang boses ni Jimmy sa kabilang linya.
"Putcha naman Jimmy. Hindi mo naman sinabi na ngayon ang araw ng dating mo. Kailan ka magpapainom?"
"Gago, buksan mo na 'yong pinto at kanina pa ako doorbell ng doorbell wala naman nagbubukas. Buti pa 'yong kapitbahay n'yo gising na ikaw humihilik pa." Napabalikwas ng bangon si Miguel nang marinig na nasa labas lang si Jimmy. Mabilis niyang kinuha ang tuwalya at itinapis. Sanay kasi siyang naka-boxer shorts lang. Pagkatapos niyang sabihin ang wait dito ay agad na ibinababa ang cellphone at patakbong binuksan ang pinto.
Naiiling pa si Jimmy nang pagbuksan niya ng pinto.
"Naku kahit kailan ka talaga lagi kang tanghali gumising. Paano ka susuwertihin n'yan?" Naka-coat and tie pa ito at may bitbit na 2 maleta.
"Huh-uh... kararating mo lang?"
Pasalampak na naupo si Jimmy na halata mong pagod na pagod.
"Fresh from Singapore. Bahay mo lang ang pinaka malapit sa airport kaya dito muna ako dumeretso. Tawag ako nang tawag at text nang text bago pumunta rito kaso plakda ka pa pala."
Dumeretso si Miguel ng kusina at naghalungkat ng puwedeng ipakain sa bisita. Kurtina lang ang pagitan kaya nagkakarinigan sila. Nakita n'ya ang sinangag at pritong isda. Nagsalang na lang s'ya ng tubig para sa kape.
"Nakaalis na ba mommy mo?"
"Oo. Kaninang 5 pa." Inilapag n'ya sa lamesang nasa may sala ang mga pagkain. Nakapikit na si Jimmy, subalit alam mong gising pa rin naman.
"Kumain ka muna. Timplahan na rin kita ng kape, saglit lang." Pumasok ulit s'ya sa kusina para magtimpla. Narinig n'ya ang tunog ng plato at kubyertos kaya alam n'yang nagsisimula nang kumain ito.
Inilapag n'ya ang tasa ng kape sa lamesa at bitbit ang sariling tasa ay umupo s'ya sa harap nito.
"Mukhang hindi ka nakakain sa biyahe" humigop s'ya ng kape at sumandal. Napangiti si Jimmy at humigop muna ng kape bago sumagot.
"Ang mamahal ng pagkain sa eroplano." Natawa s'ya sa sinabi nito. Kahit noon pa man kuripot na ito. Buddies na sila since high school. Sa states na ito nag-aral ng college dahil kinuha ng inang nurse doon. Nurse din ang kinuha nito. Hindi sila nawalan ng komunikasyon at kaya halos limang taon ngayon lang ulit sila nagkita.
"Kamusta ka naman? Mukhang career ang pagiging mayaman, a?" Aaminin ni Miguel, medyo naiinggit s'ya kay Jimmy. Guwapo na mapera pa. Madiskarte kasi ito at 'yon nga kuripot. Hindi pala, matipid lang ika nga nito.
"Kung mayaman ako wala ako rito, nasa hotel." natatawang sabi nito. Natawa na din s'ya.
"Buti alam mo pa itong sa amin. Anyway, dito ka ba mag-i-stay?" Tumayo ito at binuksan ang isang maleta. May inaabot sa kan'yang may kalakihang plastic. Dalawa iyon, para sa mommy n'ya ang isa.
"E, 'di ginulo ka ni tita pag hindi ako umuwi do'n? Baka bukas na ako umuwi. Pa C.R. nga"
Hindi pa s'ya sumasagot pumasok na ito sa banyo.
Nakangiting tsinek n'ya ang laman ng plastic. Ayos ito, may pangporma naman s'ya.
"Tawagan ko barkada ko ha? Pakilala kita. Oo nga pala, si Mika rito na rin malapit sa atin. "
"Mika? 'Yong classmate natin na crush mo pero basted ka?" Natatawang sabi nito habang naghahalungkat ng damit para pampalit.
"Ulol! Wala na iyon may syota 'yon ngayon. Oo s'ya nga. Ano? Dito na lang sa bahay para hindi masyadong pagod."
"Ikaw ang bahala. Palit lang ako" at pumasok na ulit ito ng banyo.
Nangingiting nag-send s'ya ng group message sa barkada including Mika.
Having party @ home later... be der guys! :)
My Death Day
jhavril
2015

BINABASA MO ANG
My Death Day
Mystery / ThrillerAlamin ang araw ng iyong kamatayan, ang dahilan at oras... Paghandaan ng hindi ka maunahan! © jhavril All rights reserved 2015 February 05, 2015