Malakas na tawanan ang maririnig sa loob ng bahay nila Miguel. Madaling nakahulihan nila ng loob si Jimmy na galante pala pagdating sa inuman at pulutan. Kumpleto rin ang mga kaibigan n'ya. Na-late nga lang si Mika pero nakahabol din. Nakilala nila ni Jimmy ang isa't isa. Nagtanguan lang.
Nag-text ang mama ni Miguel na sa pinsan na lang matutulog nang malamang may mga bisita s'ya kaya solo nila ang bahay. Buti na lang linggo kinabukasan.
"Hoy ikaw Patrick, hindi ko pa nakakalimutan 'yong ginawa mo, akala mo!" Nakaturo pa ang kamay ni Dylan na may hawak na baso kay Patrick. Natatawa lang sila sa reaksyon nito.
"Bakit LQ kayo?" sabad naman ni Faye. May katabaan ito pero maputi. Kaya puro pulutan lang tinitira nito sa inuman, malakas kumain.
"Mas malala pa do'n! Itong walanghiyang ito, nag-send ng walang kakuwenta kuwentang link na pinagmamalaki pa, e spam lang naman. Hik!" Namumungay pa ang mga mata nito sa kalasingan. Ito naman ang lakas sa inuman pero madaling malasing.
"Anong link?" Nakakunot noong sabad ni Jimmy.
"Dude, astig 'yon. Nakapag-register ka na ba Miguel?" Baling ni Patrick kay Miguel. Tumango lang ang huli bago pumasok ng kwarto. Kinuha nya ang digicam ni Jimmy. Picture-picture s'yempre.
"May nag-send lang sa akin no'n, e. Pero ang galing ha? Malalaman no'n kung kailan ka mamamatay. Oras, petsa at dahilan name it ibibigay n'ya." Natatawang sabi ni Patrick.
"Talaga? Nakakatakot naman iyon. Ire-register mo lang name mo? Eh paano kung may kapangalan ka? Pareho kayo ng kamatayan, oras petsa at dahilan?" Nakakunot-noong tanong ni Faye.
"Hindi siguro kasi maglalagay ka ng birthdate at iba pang info basta i-try n'yo." sabi ni Patrick bago kumuha ng sisig.
"Meron pa bang gano'n? Spam 'yan ang daming gano'n ngayon." Sabad naman ni Mika na galing kusina at may dalang yelo sa bowl. Umupo ito sa tabi ni Faye.
"'Yon nga...ang sabi ko sa gagong... ito eh. Hik! Nagpapaniwala...sa ganoon. Buti hindi...ako mapagpatol sa gano'n...mga bagay. Ano ako bale?" Napailing-iling siya dahil lasing na talaga itong si Dylan. Kumuha muna si Miguel ng ilang mga picture bago nilapitan si Dylan.
"Dude, do'n ka na lang sa kuwarto. Para makapagpahinga ka na." Tinulungan din s'ya ni Patrick sa paghatid kay Dylan. Malaking tao kasi ito. Mataba na, matangkad pa. Kaya mahihirapan ang isang tao sa pag-alalay rito.

BINABASA MO ANG
My Death Day
מתח / מותחןAlamin ang araw ng iyong kamatayan, ang dahilan at oras... Paghandaan ng hindi ka maunahan! © jhavril All rights reserved 2015 February 05, 2015