Chapter 2

3.2K 165 11
                                    

Pagkababa ni Patrick ng cellphone, nilakasan niya kaagad ang music. Frustrated song writer siya. Madami na siyang nagawang kanta na para sa kaniya maganda naman. Subalit, pagdating sa pagpapasa sa mga recording company laging reject. Engineering ang course niya dahil iyon ang gusto ng ama. Pero musika lang talaga ang nagpapasaya sa kanya.

Six months ago pa sila grumadweyt. Pero wala pa siyang balak magtrabaho. Puro pagsusulat ng liriko ng musika ang inaatupag niya. Kahit ang mga song writing contest ay pinapatulan niya kaso bokya talaga. Wala siyang suwerte kumbaga sa larangan na gusto niya.

Napasulyap siya sa laptop na nasa kama. Nakabukas ito sa email niya dahil nagpapasa rin siya online. Kahapon nga biglang may nag-send sa kanya ng email na 'yong ipinasa niya nga kay Miguel at sa dalawa pa nilang barkada. Anonymous ang sender kaya hindi niya alam kung kanino galing. Akala niya spam pero ng buksan niya na-curious siya. Astig kasi.

Pero nang lumabas ang resulta, nangilabot din siya. Nakakakilabot din palang ipaalam sa 'yo kung kailan ang takdang oras at petsa ng kamatayan mo. Pero sa era nila ngayon, imposible nang mangyari ang mga ganiyang bagay. Kaya ipinagkibit-balikat na lang niya ang mga nabasa. Marami talagang sira ulo at walang magawa sa buhay kaya pati kamatayan pinakikialaman na.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama. Mag-isa siya sa bahay na iyon. Actually, dalawa na lang sila ng ama. Simula ng mamatay sa aksidente ang ina at kapatid sa plane crash papuntang cebu, subsob na sa trabaho ang ama. May engineering firm ito sa may bandang Paco, Manila. Kaya nga kinukuha na siya kaagad nito para makapagtrabaho na doon.

Ano siya? He's only 21 years old for god sake! Gusto niya munang mag-enjoy.

Lumabas siya ng kwarto at naghanap ng makakain. Wala silang katulong. Dahil naging mainitin ang ulo at palasigaw ang ama nang mangyari nga 'yon sa pamilya nila, kaya ayon nag-alisan na silang lahat.

Hindi pa pala siya nakakapag-grocery. Walang laman ang ref at cupboards.

Nagugutom na siya. Lalabas na lang s'ya tutal 11pm pa lang naman. Madaming bukas na convenience store na malapit lang. Bumalik siya sa kuwarto at kinuha ang susi ng motor sa drawer.

"Hay, nakakapagod talaga ang walang katulong" naiinis na sabi niya na pagkatapos ilabas ang motor ay bumalik para naman isarado ang gate. Nang masigurong naka-lock na ay in-start na niya ang motor, subalit biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Hindi na sana niya papansinin kaso tumatawag ata kaya kinuha niya mula sa bulsa ng pantalon.

Incoming Call: Dylan

Nangingiting sinagot niya ito.

"Wazup dude!" Mabilis na inilayo niya ang speaker ng cellphone nang sigawan siya nito. Sabi na nga ba dahil din sa link kung bakit galit na galit ito. Masyadong mainitin talaga ang ulo nito. Natatawang kinausap niya ito kahit alam niyang umuusok na ang bumbunan nito.

"Dude, hindi spam 'yan. Try mo wala naman mawawala," at sinabayan niya ng tawa. Subalit, matinding mura lang ang inabot niya rito at mayamaya pa nawala na ito sa linya. Naiiling na nakangiting ibinulsa niya ang cellphone. Ayaw kasi nitong sine-send-an ng kung ano-anong walang kuwentang site. Bold lang ang alam nitong panoorin kasi. Napahalakhak tuloy siya sa naisip.

In-start niya na ang motor at pinaharurot palabas ng subdivision.

My Death Day
jhavril
2015

My Death DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon