PROLOGUE

198 9 2
                                    


Dyjin Reuz Wulfric POV


Music Background: I. Dream- A word Upon Sadness



Habang binabagtas ko ang mahabang pasilyo ng palasyong ito ay biglang bumalik sa isip ko ang ilan sa mga alaala na mayroon ako sa lugar na ito.


Iyon nga lang ay bilang lang sa mga daliri ko ang magandang alaala na mayroon ako dito.


Dahil halos karamihan sa mga alaalang iyon ay pawang galit at kalungkutan lamang......


Siguro para sa iba ay isa akong masuwerte at pinagpalang nilalang sa mundong ito.


Dahil isa ako sa naging anak ng makapangyarihang nilalang sa mundo na ito na si Diland Reid Wulfric.


Ngunit kahit taglay ko man ang apelyidong Wulfric.


Naging masaya ba ako?


Naging kompleto ba ang buhay ko?


Siguro dahil sa pangalang taglay ko, sa titulong binigay saakin ng ama ko at sa kapangyarihang nanaisin ng kahit na sino.


Pero sapat ba iyon para maging masaya ako?


Hindi!


Dahil simula ng taglayin ko ang apelyido na iyon ay nagbago na ang takbo ng buhay ko!


Mula sa pagiging isang mabuti at masiyahang nilalang ay naging isa akong masama at malupit!


Lumaki ako sa mundong ito na walang hinangad kundi makuha ang lahat ng gusto ko.


To the point na marami akong nasaktan.


Kasama na pati ang Mama ko doon.


Wala akong hinangad kundi ang matupad ang mga mithiin ko,ang mga pangarap ko, at makuha na rin pati ang pagmamahal at atensyon ng ama ko.


Pero hanggang ngayon ay bigo parin akong makuha iyon.


Siguro nga.....


Hindi ko na makukuha pa ang pagmamahal na inaasam ko mula dito.


Kaya minsan naiisip ko noon.


Na baka sadyang malupit lang talaga saakin ang mundong ito.


Dahil lahat ng mga pinaka inaasam ko sa mundong ito ay hindi pwedeng maging saakin porket gusto ko.


Kaya dumating pa ako sa punto na hindi na ako naniniwala na magiging masaya pa ako.


Bukod pa doon.....


Iniisip ko rin dati na wala na ring magmamahal sa isang katulad ko.


Dahil sino nga ba ang magmamahal sa isang katulad ko na ubod ng sama?


Sino nga ba ang tatangap sa katulad ko na isang kasumpa-sumpang nilalang na nabuhay pa sa mundong?


Wala!.....


Pero isang araw.....


Mayroong dumating para baguhin ang lahat ng iyon.


Pero anong ginawa mo? Tinulak mo siya palayo sayo!


Nang maisip ko iyon ay natigilan ako.


Lorie......


Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras.....


Itatama ko ang lahat.....



.............

The Prodigal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon