Dyjin Reuz Wulfric POV
Walang duda!
Nagsasaya na siguro ngayon sa mga oras na ito ang mga kapatid ko sa nangyaring ito saakin!
Masayang masaya sila, dahil sa wakas ay nabawasan nanaman ang mga naghahangad sa trono ng ama namin!
Iniisip nila na wala na akong silbi ngayong hindi na ako nakakalakad!...... At higit sa lahat, nawalan pa ng kapangyarihan!
Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko, maisip ko palang kung paano ako pinagtatawanan nila Draken at Danier ngayon!
Dahil sigurado ako na sa kanilang lahat, ang dalawang iyon ang pinaka masaya sa nangyaring kamalasan saakin!
"HUWAG KAYONG MAGPAKA-SIGURO! BABALIKAN KO KAYOOOOOOOO!" Galit na sigaw ko.
Pero sino ba ang niloko ko? Paano ko pa sila mababalikan, kung ganito na ang sitwasyon ko?!
Mas masahol pa ako sa basura ngayong wala na akong kasilbi-silbi!
Isa na lang akong inutil na patuloy paring nabubuhay sa mundong ito!
"AAAAAAAHHHHHHHHH!" Galit na sigaw ko.
Bigla nalang ay para bang nakita ko sa harapan ko sila Draken at Danier, kasama na ang iba ko pang mga kapatid. Pinagtatawanan nila ako habang nakatingin silang lahat saakin!
~"Wala kanang silbi ngayon Dyjin! Ahahaha!"~ Sabi ni Draken.
"Ikaw ang walang silbi! Ikaw ang nakakahiya! Natalo ka lang nila Dirk at Dreyd!" Sabi ko.
Nakita ko na umiling-ilang lang ito sa harap ko habang patuloy parin ako nitong pinagtatawanan!
~"Admit it Dyjin. Talo kana! Wala kanang silbi pa sa mundong ito! Nakakaawa ka naman! Hahahaha!"~
"Tumahimik ka Danier! Hindi ako talunan! Kailanman ay hindi ako magiging talunan! Narinig mo?! Hindi ako magiging talunan katulad ng sinasabi mo!"
Nang pinilit ko ang sarili ko na bumangon mula sa may higaan ko para sugurin sana sila ay nahulog lang ako sa may sahig!
Hindi ako makabangon kahit na anong pilit ko!
Dahil doon....Mas lalo lang lumakas ang mga tawanan nilang lahat! Tuwang tuwa sila habang nakikita nila ako na ganito!
Isang talunan!
~"Ano ngayon ang ipinagkaiba mo kela Dirk at Dreyd? Hindi ba't sinabi mo na hindi ka tutulad sa kanila..... And yet, tumulad ka pa rin! Nang dahil sa isang babae! Nagpakasira ka rin Dyjin!"~ Nanunuyang sabi ni Denver saakin.
BINABASA MO ANG
The Prodigal Prince
RandomSimple at tahimik lamang ang buhay ni Lorie. Pero biglang magbabago ang lahat ng iyon sa buhay niya sa pagdating ng isa sa mga pinakamasamang nilalang sa mundo nila. Si Dyjin! Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Lorie na magku-krus ang landas nila ng...