CHAPTER 15

16 6 0
                                    



Lorie Izorel POV


Hay naku Lorie! Lakas tama ka na rin ba? Kailan ka pa naging ganyan katapang? Ni hindi ka talaga masyadong natakot sa kanya kanina? Yung totoo?!


Piping tanong ko sa isip, habang sinisimulan ko ng gamutin yung mga sugat ni Prince Dyjin.


Sa totoo lang, sobra naman talaga akong natakot kanina noong makita ko na sinasaktan nito ang sarili niya.


Tama!


Mas nakakalamang yung takot na naramdaman ko ng makita ko na sinasaktan ni Prince Dyjin ang sarili niya, himbes nong sinisindak niya ako kanina!


Bakit?!


Piping tanong ko ulit sa isip ko.


Sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang tamang sagot doon. Basta, iyon talaga ang naramdaman ko.


At sa totoo lang din niyan, parang nasaktan din ako na makita si Prince Dyjin ng ganoon sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan.


Lalo na ng umiyak ito sa harapan naming lahat......Sobra akong nahabag sa kanya.


Kung tutuusin ay hindi naman iyon ang unang beses na nakita ko na umiyak ito.


Dahil noong nasa ospital pa kami ay umiyak din naman ito ng malaman niyang hindi na siya nakakalakad.


Pero iba kase talaga yung feeling na makita ko na umiyak ito. Para kasing damang dama ko iyon masyado.


Siguro dahil may part na parang nakaka-relate ako sa nararamdaman niya. Yung bang mayroon kang gustong gawin, and yet hindi mo magawa.


Katulad noong bata pa ako, wala akong nagawa para maisalba sila Papa.


At sa kaso naman ni Prince Dyjin......


Wala itong magawa para sa sarili niya.... Kahit gustong-gusto na sana niyang pagalingin ang sarili niya, hindi niya iyon magagawa dahil wala na ang kapangyarihan niya!


Kaya siguro dinadaan na lang nito sa pagwawala ang lahat ng frustrations at galit niya.


And to be honest, may gusto sana akong gawin ng mga oras na iyon habang umiiyak ito. Gustong gusto ko sana siyang yakapin para kahit papaano ay maibsan yung sakit at frustrations na nararamdaman niya.


Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Dahil unang una ay wala akong karapatan para gawin ang bagay na iyon.


Sino lang ba ako sa buhay nito?


Isa lang naman akong hamak na personal nurse na kinuha ng Mama nito, para personal na alagaan ito.

The Prodigal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon