Lorie Izorel POV
Ano nanaman ba ang binabalak mo ngayon sa sarili mo, Dyjin?!
"SOMEBODY!..... SOMEBODYYYYYYY!!!!!!! MADAME ROSEFINA! KENSHINO! SOMEBODY PLEASEEEEEEEEEE! NASA LABAS SI PRINCE DYJIN! SOMEBODYYYYYYYYY!!!!!!!!"
Malakas na sigaw ko habang tinatakbo ko ang mahabang pasilyo.
Nagbabaka-sakale ako na mayroong makarinig ng mga pagsigaw na ginagawa ko.
Pero dahil masyadong malaki ang kastilyong ito, parang imposible yata na marinig ako ng mga ito!
Isa pa, gabi na! Baka nagpapahinga na ang mga ito! Pero nasaan na yung mga guards at yung mga ibang damaja dito sa kastilyo?
Hindi ba nila ako naririnig? Kahit ba sumisigaw na ako ng malakas dito, wala parin bang silbi iyon? Ganoon ba talaga kahina ang boses ko?!
O baka naman sadyang hindi lang talaga nila pinapansin ang pagtawag ko ng tulong sa kanila? Pero bakit?!
Ganoon ba talaga kalaki ang galit nila para kay Dyjin? To the point na hahayaan nalang nila na mapahamak ang nag iisang anak ng Lady Catalla nila?! Dahil lang sa galit na mayroon sila para dito?!
"HINDI BA NINYO AKO NARIRINIG?! NASA LABAS SI PRINCE DYJIIIIIIIIN!!!!!" Patuloy na sigaw ko.
Pero wala talaga!
Damn them!
Palibhasa, wala dito si Lady Catalla! Oras na mapatunayan ko na sadya nilang pinabayaan si Prince Dyjin! Mananagot sila!
And speaking of Prince Dyjin!
Paano ba nito nagawang makalabas sa loob ng kastilyong ito? Paano nitong nagawa na maibaba ang sarili niya, gayung nasa pinaka mataas na bahagi ng kastilyo ang kuwarto nito!
Mayroon bang tumulong sa kanya? Mayroon ba siyang inutusan? Siya lang ba talaga ang nasa ibaba ng makita ko ito? O baka naman mayroon itong kasama at hindi ko lang napansin iyon?
Pero paano kung wala?!
Dahil kung mayroon man itong kasama, hindi nito hahayaan si Prince Dyjin na makalapit sa may tabi ng tubig! Lalo na at alam naman nilang lahat, na hindi kakayanin ni Prince Dyjin ang lumangoy, oras na mahulog ito sa may tubig dahil nga sa kalagayan nito.
Maliban na lang kung..... Sadya ding pinabayaan si Prince Dyjin na lumapit sa tubig. Di ba nga, galit sa kanya ang mga nilalang dito! No! Think positive, Lorie! Kahit na galit sila kay Dyjin, anak parin siya ni Lady Catalla! Hindi parin nila pababayaan si Dyjin!
Right! And besides, baka naman mababaw lang yung tubig! As along as na mababaw lang yung tubig sa lake..... Hindi naman siguro ito mapapahamak, in case na-----Pero paano kung sa malalim na bahagi ito mag punta?!
BINABASA MO ANG
The Prodigal Prince
SonstigesSimple at tahimik lamang ang buhay ni Lorie. Pero biglang magbabago ang lahat ng iyon sa buhay niya sa pagdating ng isa sa mga pinakamasamang nilalang sa mundo nila. Si Dyjin! Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Lorie na magku-krus ang landas nila ng...