CHAPTER 11

16 7 0
                                    



Lorie Izorel POV


"Wow! Ang ganda ganda naman talaga dito!" Nasisiyahang bulalas ko.


Pagkuwan ay puno ng pagkamangha na nilibot ko sa buong paligid ang mga mata ko.


Pakiramdam ko ay para bang nasa lugar ako ng mga fairy tale stories na nabasa ko ngayon!


Napaka magical ng buong paligid! Nakakatawa nga eh, dahil para bang ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong klase ng magical things dito.


Samantalang sa isang magical school naman ako nag aral.


Kaso hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko, na hindi hangaan at katuwaan ang lugar na ito!


Ang ganda ganda naman kase talaga ng buong paligid, halos lahat ng mga puno na nagkalat sa lugar na ito ay umiilaw na para bang mayroong mga christmas lights ang nakalagay doon! Kunsabagay, normal naman talaga dito sa kapitolyo ang mga ganitong klase ng puno.


Umiilaw sila na mas lalong nagbibigay sa kanila ng hiwaga at ng buhay.


Nakakatuwang panoorin! Hinding hindi mo talaga pagsasawaan, kase parang ipaparamdam sayo ng lugar na ito, na para bang bumalik ka sa pagkabata mo.


Pero ang ipinagtataka ko lang sa lahat ngayon ng mga nangyayari.


Eh kung bakit hindi ako nakakaramdam ng matinding lamig ngayon?


Samantalang ang lakas lakas naman ng buhos ng niyebe ngayon!


Hindi ba dapat, sobrang lamig dito sa Northernlanders? Pero ano ngayon at parang masarap sa pakiramdam ang niyebe na ito, na bumabagsak saakin ngayon.


Tapos umiilaw ilaw din ang mga butil ng yelo na sinasalo ko, gamit ang isang palad ko.


Tuloy sa tuwa ko, para akong timang na tinaas na pareho ang mga kamay ko, na animo ay mayroon akong inaabot mula sa may kalangitan.


Pumikit pa ako pagkuwan ay natatawang minulat ko ang mga mata ko pagkatapos.


Sabay takbo na para bang isa akong batang makulit. Hindi ko alintana kung lumulubog ang mga paa ko sa makapal na niyebe na ito.


Tapos para lang akong timang na tumatawa-tawa pa dito! Ganoon kasaya ang feeling ko!

The Prodigal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon