CHAPTER 39

17 7 0
                                    



Dyjin Reuz Wulfric POV


"Granny Helya? What are you doing here?" Gulat at masayang tanong ko dito.


Pagkuwan ay mabilis ko itong nilapitan.


"Dyjin." Nakita ko na parang nababahala ang mukha nito ng humarap saakin ng tuluyan."Listen to me Dyjin. She's in danger! She is! And she needs you! Save her!" Dugtong nito.


Nagulumihan ako pero nakaramdam din ako ng takot.


"Sino ang nasa panganib, Granny? Tell me!"


"No time for dilly dally, Dyjin! Kung hindi ka pa kikilos, baka tuluyan na siyang mawala sayo! Save her! Save Lorie! She truly loves you!"


Sukat doon ay bigla akong nagising.


Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang panaginip na iyon?


Pero matagal na panahon na rin ng huling beses na napanaginipan ko si Granny Helya. Hindi ito basta-basta nagpapakita saakin sa panaginip!


Ngunit bakit bigla ay nabangit nito na nasa panganib si Lorie ngayon!


Sukat doon ay bigla akong nilukuban ng matinding takot! Paano kung totoo ngang nasa panganib ito ngayon?


Nagmamadali akong bumangon sa may higaan ko.


"Where are you Lorie?!"


Nag concentrate ako para pakiramdaman kung nasaan ba ito ngayon. Sana lang ay gumana na ang ability ko na ito. Pero sadyang hindi pa talaga bumabalik ang lahat ng kakayahan ko!


"Damn it!" Mariing mura ko.


Pagkuwan ay inabot ko ang cell phone ko para tawagan na lang ito.


Pero nakakailang tawag na ako ay hindi parin ito sumasagot!


Makakahinga na sana ako ng maluwag ng sa wakas ay may sumagot na mula sa may kabilang linya.


Ngunit hindi si Lorie ang sumagot ng tawag ko!


"Is this Prince Dyjin? Please tell me! Kasama mo ba ngayon ang anak ko?!" Natataranta at nag aalalang bungad saakin ng babaeng sumagot sa tawag ko.


Sukat doon ay tuluyan na akong nilamon ng matinding takot.


"No. She's not with me!" Sagot ko pagkuwan ay mabilis ko ng tinapos ang tawag dito.


Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas mula sa loob ng kuwarto ko.

The Prodigal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon