Dadang: Anong gagawin natin jan? lasing na lasing
Ching: Hayaan nalang mun natin magpahinga sya. Ano bang nangyari Najh?
Najhila: Tinawag ko kasi sya kanina para kumain, tapos pag ka pasok ko yan lasing na lasing, puro Zeinab lang sinasabi nya.
Dadang: Mahal nya parin talaga si Zeb
Ching: Oo naman, sayang sila nu?
Najhila: Tatawagan ko bukas si Zeb
Ching: Ha? Bakit?
Dadang: Wag, baka magalit
Najhila: Hindi yan, akong bahala
Daryl's POV
Bakit ansakit ng ulo ko? Anong nangyari?
"Naaajjjjhhh!!!"
(Agad namang umakyat si Najhila, dahil sa malakas na pag sigaw ni Daryl)
"Bakit Da? Ang ingay mo!" Tanong ni Najhila
"Anong nangyare sakin? Bat ansakit ng ulo ko?" Tanong ko nman sa kanya.
"Da lasing na lasing ka kagabe, puro Zeinab pa sinasabi mo?" Sagot nya naman sakin.
"Si Zeinab? Miss na miss ko na yun sa totoo lang"
Sabi ko habang naiiyak"Alam ko Da, baba na tayo kumain kana"
"Sige"
(Habang kumakain si Daryl ay agad namang tinawagan ni Najhila si Zeinab ngunit hindi ito sumagot)
Najhila's POV
Hala baka busy to, hmmm try ko kaya si Zyra baka mag kasama sila.
(Agad naman nyang tinawagan si Zyra, at laking pasalamat nya kasi sumagot)
Zyra: Oh be? Bakit ka napatawag?
Najhila: Ano kasii....
Zyra: Ano?
Najhila: Hays...
Zyra: Ano nga? Sabihin mo. May problema ka ba?
Najhila: Ganto kasi, magkasama ba kayo si Zeb?
Zyra: Oo, bakit?
Najhila: Si Daryl kasi kagabi, lasing na lasing tapos puro Zeinab lang sinasabi nya
Zyra: Hala, wait lang be. Tatawagin ko si Zeb
Najhila: Sge be...
-
Zeinab: Ano yun Najh? Anong nangyari kay Daryl?
Najhila: Lasing na lasing kasi sya kagabi Zeb, puro pangalan mo lang binabanggit nya
Zeinab: Ha!? Why? Kausapin ko nga, bigay mo phone mo sakanya
Najhila: Sge, wait lang
-
"Da, kakausapin ka daw ni Zeb" Sabi ko kay Daryl
"Talaga? Akin naa" Sagot naman neto na nakangiti
-
Daryl: Hello Zeb?
Zeinab: Daryl, anong nangyari kagabi? Bakit ka uminom? Dba bawal ka nun? Pag ikaw magkasakit ulit ewan ko sayo.
Daryl: Zeb sorry...
Zeinab: Puro ka nalang sorry, please naman Daryl alagaan mo yung sarili mo.
Daryl: Ikaw yung gusto kong mag alaga sakin
Zeinab: Da, unahin mo naman sarili mo. Ayoko nagkakaganyan ka dahil sakin.
Daryl: Hindi ko kaya Zeb, ang hirap sobrang hirap kasi wala kana sa tabi ko para alagaan ako.
Zeinab: Kaya nga, alagaan mo yung sarili mo. wag ka na mag iinom. Gawin mo yung makakabuti sa sarili mo.
Daryl: Ito lang yung way ko, para mawala yung sakit
Zeinab: Ha? Madaming paraan Da para sumaya ka at mawala yung sakit, sana naman naiintindihan moko.
Daryl: Ansakit parin Zeb, bakit mo ba ko iniwan?
Zeinab: Daryl, hindi naman kita iniwan kasi hindi na kita mahal... napagod ako Da, pasenya na.
Daryl: Pero mahal mo parin ba ko?
Zeinab: Sa totoo lang? Ikaw parin naman e, hindi mag babago yun. Oo, mahal parin kita. Mahal na mahal. Pero ang hirap ng sitwasyon natin ngayon Daryl.
Daryl: Sorry talaga, ako naman yung dahilan kung bakit ka napagod e
Zeinab: Wag mong sisihin yung sarili mo, may rason parin naman yung lahat na nangyari
Daryl: Sana magkaayos na tayo Zeb, sana mapatawad moko. Sana ako parin.
Zeinab: Sana...
To be continued.