Daryl: Sorry Zeb...
Zeinab: Ha? Sorry saan Daryl?
Daryl: Sorry kasi ikaw parin
Zeinab: Ayos lang yun balang araw magiging okay din tayo. Malilimutan din natin ang isa't isa.
Daryl: Yun yung ayoko, ayokong kalimutan ka. Ayokong makita ka na nasa kamay ng iba Zeb, gusto ko akin ka lang.
Zeinab: Daryl, dalawang buwan na tayo hiwalay dba? Hayaan mo na kasi ako. Pagod nako, pagod na pagod.
Daryl: Alam ko Zeb, alam kong pagod kana dahil sakin. Sorry kasi nakilala mo ko. Sorry kasi di ko kaya yung kaya nila, Sorry kasi ganto lang ako.
Zeinab: Daryl tama na, please lang. Gusto kong maging masaya tayo pareho.
Daryl: Ikaw yung kasiyahan ko
Zeinab: Sorry Da...
(Agad na pinatay ni Zeinab yung tawag)
Daryl: Zeb.. teka lang. loveee..
Daryl's POV
(Pumasok si Daryl sa kwarto at umiyak)
Najhila: Da, kumain kana anong oras na
Daryl: Ayoko
Najhila: Bakit?
Daryl: Basta ayoko
Najhila: Papasokin moko, mag usap tayo.
(Agad na binuksan ni Daryl yung pinto at pinapasok si Najhila)
Najhila: Hoy Daryl! Anong ginagawa mo? Bakit lasing na lasing ka?
Daryl: Zeinab... Zeinab...
(Puro Zeinab lang yung sinasabi ni Daryl, kasi nga lasing sya)
(Tinawag ni Najhila sina Dadang at Ching sa baba)
Najhila: Dang, Ching tulogan nyo muna ako
Dadang: Bakit?
Ching: Anong nangyare?
Najhila: Si Daryl kasi, lasing na lasing
(Agad na umakyat silang tatlo papunta sa kwarto ni Daryl)
Dadang: Bakit ang daming nainom neto?
Daryl: Zeinab...
Ching: Kunin na natin yung mga alak nya at patulogin na sya, lasing na lasing na yan.
(Kinuha na nila yung mga bote ng alak ni Daryl, at agad etong pinatulog. Hindi na ito makatayo at puro Zeinab lang yung sinasabi nya)
To be continued.
