(Pinaikot na ni Angelica ang bote, at kay Daryl ito napunta)
Daryl's POV
"What!? Bakit ako nanaman!?"
"HAHAHAHAHAHA nayss!!" sabi ni Ching.
"HAHAHAHA ito tanong ko Da, mahal mo pa ba si Zeb? Yung totoo ha" Tanong sakin ni Angge.
Wait, hala sasabihin ko ba?
"Sa totoo lang? Oo mahal ko parin sya. Mahal na mahal. Hindi naman magbabago yun eh. Ayaw ko ng humanap ng iba kahit hindi kami okay ngayon. Kahit magkaaway pa kami ngayon. Kahit hindi nya pa ko mapatawad, sya parin. Gusto ko sya lang, kasi sya yung lakas ko. Hindi ako naging ganito ka lakas kung wala si Zeb. Hindi ko maiimagine kung ano ako ngayon kung hindi sya dumating sa buhay ko. Kaya kahit wala na kami umaasa parin ako, umaasa na balang araw kami parin yung tinadhana. Malay natin, di pa para samin yung ihip ng hangin. Lagi ko dinadasal na sana hindi sya mapunta sa iba. Lagi ko hinihiling na sana ako parin, kasi kung ako yung tatanongin? Oo lagi yung sagot ko. Nanghihina ako lagi kapag naaalala kong wala na sya sa tabi ko. Memories nalang yung pinanghahawakan ko. Pictures nalang, videos nalang na masaya kami. Araw-araw kong pinag sisihan kung bakit ko nasayang yung taong tanggap ako kung ano ako, yung suportado nya ko palagi, yung hindi nya hinahanap yung kakulangan ko sa ibang tao, yung kahit andami ng kasalanan na nagawa ko hindi nya ko binibitawan. Pero mali ako, nakuntento kasi ako na nandyan lang sya palagi sa tabi ko e. Pero hindi ko pala kaya, hinding hindi. Hindi ko kayang matulog at gumising ng hindi umiiyak, kasi kada araw na pag laban ko ulit wala na pala yung sandata ko. Pinipilit ko yung sarili kung makalimot, pero alam nyo? Sa huli sya at sya parin naman eh. Hindi ko kayang makita syang hawak sya ng iba, kasi gusto ko akin lang sya. Ayoko may makilala syang mas better sakin, yung mas magaling sakin. Kasi kapag dumating yung panahon na yun? Walang wala ako. Walang wala." Sagot ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Awwww grabe naman yun Da pinapaiyak kami" Sabi sakin ni Zyra.
"Bakit ba ganun yung nangyari?" Tanong ni Jhay.
"Hays, sana talaga maayos pa kayo" Sambit ni Archie.
"Nakakalungkot, kaya ang hirap talaga ng sitwasyon nyo ngayon e" Sabi naman ni Melissa na tila bang naiiyak na.
(Napaluha nalang ang lahat dahil sa sinabi ni Daryl)
"Sorry Da" Nagulat naman ako habang sinasabi yun ni Zeinab.
".... sorry kasi hindi natin naipanalo yung laban natin. Sa totoo lang, ayaw ko rin yung nangyare e. Kasi pag nag stay pa tayo dun pareho tayong masisira. Ayaw ko narin naman kumilala ng bagong tao. Pero salamat, salamat kasi kahit ganto tayo hindi ka nagbago. Salamat kasi lumalaban ka parin. Lagi kong pinapanalangin na sana, balang araw tayo parin talaga."
To be continued...
Naiiyak nako mga loves! :<
