Zeinab's POV
Akala ko kaya ko, pero hindi. Nanghihina ako. Ayokong makita syang nalulungkot, kasi mas malulungkot ako.
"Babee!!"
"Bakit babe?" Sagot ni Zyra.
"Ang hirap" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko yung mga luha ko.
"Ha? Bakit?" Tanong nya sakin na tila bang nagugulohan.
"Akala ko kaya kong wala si Da, pero hindi. Kada gising ko naiiyak ako, kasi wala na yung rason kung bakit ako lumalaban. Wala na yung taong inspirasyon ko para abotin yung mga pangarap ko" Sagot ko.
Hindi ko namamalayan na naiiyak na pala ako.
"Hindi ko alam yung gagawin ko kasi hindi naman kita mapigilang mahalin si Da"
"Kaya nga eh, sya parin yung hinahanap ng tanga kong puso"
"Babe alam mo, hindi naman talaga masakit yung break up eh" Sabi ni Zyra sakin
"Ha?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo yung masakit? Yung gigising ka na wala ka ng matatanggap na chat or tawag mula sa paborito mong tao. Yung matutulala ka nalang, tapos ipipilit mong sabihin sa sarili mo na, dapat kayanin mo, pero sa totoo lang hindi mo naman talaga kaya"
"Gusto ko sya lang babe, ayaw ko sa iba. Gusto ko balang araw, sa tamang panahon kami parin. Gusto ko gigising ako at matutulog na magkatabi kami" Sabi ko at mas lalo akong naiyak.
"Kapit lang babe, hindi natin alam kung ano yung plano ng tadhana"
"Oo nga e, hala nakalimutan kong tawagan si ate Jelai kagabi"
"Tawagan mo muna sya, may gagawin lang ako" Sambit ni Zyra.
"Sge babe, thankyouu!!"
Tatawagan ko na muna si ate Jelai, nakalimutan ko palang tumawag kagabi kasi sobrang pagod sa pag iyak.
-*kriiiingg*
-
Zeinab: Ate Jelai
Jelai: Oh baby ko, kamusta araw mo?
To be continued.