Zeinab's POV
Kaya ko to, tama nga sila aalis narin naman ako next week kaya hindi ko na ipagdadamot yung time na to para kay Daryl.
Daryl's POV
Kinakabahan ako, pero no choice tayo. Aalis na sya e. Kung hindi ko to lalabanan walang mangyayare. Bahala na yung tadhana.
(Nakarating na sina Zeinab at Daryl kung saan silang dalawa mag uusap)
"Zeb, sure kana ba next week?" Tanong ko sakanya.
"Oo naman Da, naayos na lahat. Kukunin nadin ni Jhay yung ticket ko bukas"
"Hays, bat ba kailangan maging ganito? Akala ko talaga maaayos na tayo e"
"Hindi naman yun handlang para hindi tayo magkaayos" Sagot ni Zeinab sakin.
"Hays, sorry talaga sa lahat Zeb. Pinagsisihan ko to lagi kasi nasayang kita, kasi nawala ka sakin."
"Ano ka ba, okay lang yun. Hindi lang kita mapatawad ngayon kasi hindi ko pa kaya. Kasi nandyan parin yung sakit Da."
"Kayanga, alam ko naman na mahirap din sayo yun. Alam ko naman na hindi lang ako yung nagdudusa, hindi lang ako yung nasasaktan, hindi lang ako yung umiiyak, at higit sa lahat hindi lang ako yung nalulungkot pati rin pala ikaw. Akala ko kasi okay lang sayo yung nangyari dati Zeb, pero hindi pala. Sorry kasi dati sarili ko lang yung iniisip ko. Sorry kasi dati hindi ko iniisip yung nararamdaman mo."
"Hays, sabi ko nga rin dati sa sarili ko na baka sasaya ka kung nawala nako pero hindi pala Da. Mas lalo ko palang pinalala yung sitwasyon mo. Kaya salamat kasi kahit ganun yung nangyari dati, lumalaban ka parin. Gumagawa ka parin ng way para mag kaayos tayo. Gumagawa ka parin ng dahilan para mabuo ulit tayo." Sabi sakin ni Zeinab.
"Deserve mo kasi yun, deserve mong ipaglaban kaya hindi ako susuko sayo. Kaya pinapanalangin ko na sana hindi ka makahanap ng iba, na sana hindi ka makakita ng taong mas higit sakin."
"Ayaw ko na Da, ayaw ko na kumilala ng bagong tao. Ayaw ko na bumalik ulit sa umpisa, ayaw ko na humanap ng mas better sayo kasi para sakin the best ka! Kaya kung may darating man na iba, sana hindi tayo matukso."
"Kung hindi lang rin ikaw, hindi nalang ako mag mamahal ulit."
"Kaya lagi mong tandaan na hindi lang tayo yung nasasaktan, pati yung mga nakapaligid satin, yung mga sumusuporta satin, lalong lalo na yung mga pamilya natin sure ako nahihirapan din yan sila. Kaya isipin mo lagi na maraming nag mamahal sayo. Wag na wag mong papabayaan yung sarili mo ha. Pagpatuloy mo yung mga pangarap natin. Wag na wag kang susuko sa buhay. Nandito lang ako palagi oag kinakailangan moko. Alam ni God kung gaano natin ka mahal yung isa't isa kaya sya na yung bahala. Hayaan na natin na sya yung mag plano para sating dalawa" Sabi ni Zeinab.
"Tatandaan ko yun palagi Zeb, kaya ikaw rin pag nasa Japan kana wag mo din mapabayaan yung sarili mo. Salamat kasi tinuruan mo akong maging malakas sa lahat ng bagay. Mag ingat ka dun Zebyang ko. At sana pagbalik mo ako parin." Agad ko namang sabi sa kanya.
"Wag kang mag alaala, hindi ko papabayaan yung sarili ko. Kahit hindi pa tayo okay ngayon salamat Da. Salamat kasi nandyan ka parin nakasupporta sa lahat ng ginagawa at gagawin ko palang. Thankful ako kasi nakilala kita, kasi nakasama kita, at mas lalong thankful ako kasi dumating ka sa buhay ko. Darating din yung araw na mapapatawad na kita at magiging okay tayong dalawa. Basta lagi mo tong tandaan Da kung tayo, tayo"
"Opo, panghahawakan ko lagi yan hanggang sa pagbalik mo. Kung tayo, tayo."
(Hindi na namin na mamalayan na nag iiyakan na pala kami kaya nagdesisyon na kaming bumalik dun)
"Balik na tayo dun Da" Pag aaya nya sakin.
"Arat"
To be continued...