NAPASAPO NA lang sa noo si Juliette dahil sa pananakit ng ulo, huminga sya ng malalim bago tanawin muli ang likod ng binata'ng bastos. Malayo na ito, umiwas na lang sya ng tingin baka lingunin pa sya nito.
She looked at the sea again and it calmed her mind and soul again. Sea is really beautiful as ever. Inayos nya ang gumulong buhok dahil sa hangin at napatingin sa kanang gawi ng may marinig na mga yabag.
She saw it was the young man again earlier.
“Gabi na, bakit nasa labas ka pa?” Tanong ni Rhyme habang tinititigan na naman sya.
“U-uh…meron ba ditong makakainan?”
Ngumiti ito. “Oo naman, sumunod ka sakin.”
Tumalikod ito at naglakad papunta sa gawi kung saan dumaan ang binata'ng bastos kanina. Kahit nalilito, she followed the young man while she wore again her fedora.
Tahimik lang si Juliette at diretso lamang ang tingin sa unahan, habang ang binata ay pasulyap-sulyap dito. Hindi ito umiimik na pinagtataka ng binata. Siguro ayaw nya ng maingay.
Tumikhim sya kaya napabaling ang dalaga.
"Malapit na tayo.” Ngumiti naman si Juliette at tumango.
He smiled too.
Lumiko sila sa dinaanan ng binata’ng bastos kanina, medyo malapit-lapit ito sa malaking bahay kung san sya nag-check in. Isang pathway ang natatapakan nila ngayon na pinagigitnaan ng mga puno na may mga nakasabit na makukulay na ilaw. Wala sa sariling napangiti sya – So simple but Beautiful.
Matunog na ngumiti si Rhyme.
"Nagagandahan ka?”
Bumaling si Juliette na malaki ang ngiti sa labi. “Oo, it’s so beautiful but yet simple.”
Hindi sumagot ang binata bagkus pinakatitigan lang nya ang dalaga na talaga namang kumikislap ang mga mata dahil sa nakikita.
Tumigil si Rhyme sa paglalakad ganoon narin si Juliette na lalo namangha kung ano ang nasa kanyang unahan.
Isang malaking 'carinderia' na bukas na bukas para sa lahat. Iilan lang ang mga kumakain roon, namangha lalo sya ng may makitang maliit na stage sa bandang kaliwa nito pero walang tumutugtog.
May mga nakasabit rin na makukulay na ilaw sa bubong nito at roon nya nakita ang pangalan ng kainan.
Kapayapaan Eatery
Lumakas muli ang simoy ng hangin kaya napahawak sya sa magkabilang braso, Nagulat sya ng maramdaman ang mga kamay na humawak din sa kanyang braso.
“Nilalamig kana, Kumain kana…masarap ang sabaw namin dito.” Sabi nito ng igiya sya papunta sa kainan.
Umupo sila sa mahabang silya, magkaharap sila pero nanatili parin ang mga kamay ni Juliette sa kanyang mga braso. I should wear my cardigan next time.
Inilahad ng binata sa kanya ang menu, ngumiti si Juliette bago kinuha ito. Dahil nakaramdam muli ng gutom, pinili nya ang simpleng hapunan. Isang kanin at ginisang gulay na may kasamang sabaw.
Sinabi nya ito kay Rhyme at agad naman tumayo ang binata para sabihin sa tagapagluto ang order nito.
Sinundan ng tingin ni Juliette ang binata at huminga ng malalim habang hinihintay ito.
Tinanggal nya ang kanyang fedora at inilapag ito sa mahabang mesa bago bumaling ulit kay Rhyme ng may mahagip syang taong nakatingin sa kanyang gawi.Lumingon sya roon sa mga kabilang mesa na medyo malayo sa kanya at roon nakita nya ang binata'ng bastos na nakatitig sa kanya na parang may ginawa syang ikakagalit nito.
BINABASA MO ANG
Two Strangers
Teen FictionWith her remaining time, Juliette a 17 year old teenager decided to leave the city where she lives to do the things she has never tried and also to experience freedom, unexpectedly she is stranded in a place that she does not expect to complete her...