Chapter 5

19 6 0
                                    

NEXT DAY morning, Juliette woke up with a phone call. She was still lying on the bed, she took it under his pillow with his eyes closed.

Due to drowsiness, she did not realize that Wendy was the caller.

"JULIETTE! Nasaan kang babaita ka?! Bibigyan mo ba talaga ng sakit sa puso si tita?! Alalang-alala na kaming lahat sayo! Ano ka ba?! Nasaan ka ng masundo namin. By the way, Good morning!"

Dumilat sya pagkatapos marinig ang mga sinabi ng nag-aalalang kaibigan. Sa totoo lang, hindi nya alam kung kailan sya babalik. Alam nyang padalos-dalos ang desisyon nya sa biglaang pag-alis, pero ito ang sinasabi ng puso nya.

Ang gawin ang mga gusto nya na hindi nya pa nagagawa sa tanang buhay sa natitirang oras nya.

"Huy juliette! Magsalita ka naman!"
Napalayo nya ang phone bigla dahil sa pagsasalita ni Wendy, bumangon sya at huminga ng malalim bago sumagot.

"I'm alright." She said.

"Alright ka dyan?! Nasaan ka ba ha? Bakit ka na lang umalis bigla, kung hindi ko pa pinuntahan ang bahay nyo pagkatapos mong hindi pumasok sa school, hindi ko malalaman kay tita na umalis ka ng hindi nya nalalaman!" Ramdam ni Juliette ang hinanakit sa boses ng matalik na kaibigan.

Si Wendy ang kaibigan nya simula elementary hanggang ngayong high school sila. Sa tagal nilang magkaibigan, kapatid na ang turing nya rito at ganoon rin si wendy sa kanya.

"Tangina mo! kapag hindi ka bumalik dito hindi na kita best friend! Hmp!" Sabi nito.
She chuckled. "As if magagawa mo yun, ako lang ata ang nagmamahal sayo."

"Ang sama mo ah, bumalik ka nga rito ng makatikim ka ng beltok ko!"

Napailing na lang sya. "I can't." she said seriously.

"Why?"

"Just can't."

Wendy took a deep breath. "Sige, sabihin mo na lang nasaan ka."

"Hmm, basta malayo na ako sa sibilisasyon."

"Susmaryosep, san ka napadpad neng?!"
She sighed then stood up to face the mirror and she chuckled when she saw her usual self morning look.

"Basta, pakisabi na lang kay mama na...maayos ako, mag-iingat sya palagi at mahal na mahal ko sya." Mahina nyang sambit.

Natahimik ang kabilang linya na ipinagtaka nya. "Wendy, still there?"

"Bakit pakiramdam ko mawawala ka?" Nag-aalalang sabi nito.

Hindi sya nakasagot at nagbaba na lang tingin ng may tumulo na luha mula sa kanyang mata. Shit! Hold your emotion Juliette!

"I won't duh." She managed to chuckled to avoid the growing sadness in her chest that she could not explain, especially since her best friend was always worried about her even though she was crazy friend.

"Duh? Duhduhduhin kita dyan eh! Oh aalis nako, may pasok pa ako eh. Sinubukan kong tawagin ka ngayong umaga baka sakaling mag himala at salamat sa himala dahil sumagot ka! Hindi kita pipilitin umuwi pero balitaan mo ako sa mga pinaggagagawa mo! Kung hindi hahanapin kita kung nasan ka man at ibabalik dito! Oh sya sya, ibababa ko na! Mag-iingat ka dyan! I love you gaga!" Then ended the line.

Napangiti sya at nagpapasalamat sa panginoon ng may gantong kaibigan ang dumating sa buhay nya. She faced the mirror again and looked at every part of her face. Nothing's changed, thank god.

She took the comb and brush her hair before she get herself a glass of water pagkatapos ay naligo at nag-ayus para sana kumain sa labas kung hindi lang dumating si Rhome na may dala-dalang puting plastik na may lamang pagkain.

Two StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon