Chapter 3

24 6 0
                                    

MABILIS ANG KILOS ni Juliette papuntang sa carinderia, iniisip nya na baka nagsara na ito dahil medyo natagalan sya. Napahinga sya ng maluwang ng makitang bukas pa ito kaso nag-aayos na ang mga crew ng mga upuan at mesa.

Namataan nya ang nakaupong si Rhyme sa lamesa, nakalumbaba ito habang nakatingin sa fedora nya. Lumapit si Juliette, sakto naman ang paglingon ni Rhyme sa gawi nya. He smiled.

“Akala ko hindi kana babalik.” He said.

“Bakit naman, may babalikan ako dito eh.” She looked at the counter and was about to go when rhyme stood up. “Ako ba?” He said.

“Hindi, yung bayad.” Then go to the counter to pay for what she ate pagkatapos ay bumalik na sa lamesa para kunin ang fedorang hawak-hawak ni Rhyme.

“Thank you.” She said.

“S-saan?”

She smiled. “Para sa pagbabantay ng fedora ko.”

Rhyme chuckled. “Walang anuman.”

Akala ko, dahil hinintay ko sya. Rhyme thought but shook his head afterwards, Bakit naman nya iisipin na hinihintay ko sya?! Ano ka ba naman Rhyme!

“A-ano…tara na.” Sabi ng binata at nauna ng maglakad. Sumunod naman si Juliette na isinuot muli ang kanyang fedora, tahimik ang ilang sandaling lumipas, nagtataka si Juliette bakit tahimik ang binata kaya tinabihan nya ito sa paglalakad.

“Psst, anong problema?” Sabi nya.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. “W-wala, inaantok na ako siguro.”

“Ah ganon ba? Bilisan na natin.” Binilisan ni Juliette ang paglalakad malapit na sila sa malaking bahay nang tumigil si Rhyme sa tapat non.

Bumaling si Juliette sa binata at tumingin saglit sa bahay, “Dito ka ba nakatira?”

Rhyme nod while smiling and took a deep breath. “Gusto ko sana ihatid ka pero pakiramdam ko, nagsasawa ka na sa pagmumukha ko.” He laughed.

Kumunot ang noo ni Juliette. “Bakit naman? Hindi naman nakakasawa ang mukha mo ah.”

“Alam ko, binibiro lang kita.”

Natawa na rin si Juliette at itinuro ang way kung san sya paroroon. “Mauuna na ako, Goodnight!” Then she turned around and walked away.

“G-goodnight…” Rhyme whispered then was about to get inside the house when he saw his brother 'Rhome' leaning on a coconut tree beside the house. He blows a breath bago nilapitan ang kapatid, nang makalapit bineltokan nya agad ito na ikinasigaw ni Rhome.

“Aray!” Hawak-hawak ang likurang parte ng ulo habang masama ang titig sa nakatatandang-kapatid.

“Tigilan mo ang pangungulit kay Juliette.” Seryosong sabi nito.

Rhome chuckled menacingly. “Napaka-bilis naman nya magpakilala sa taong hindi katiwa-tiwala ang mukha.”

Dahil sa narinig, aambang susuntukin ni Rhyme ang kapatid ng isangga nito ang parehong kamay na tila pinoprotektahan ang sarili.

“Biro lang kuya! Eto naman!”

Rhyme sighed. Napakakulit talagang bata. “Pumasok kana sa loob.” Ngumuso lang ito at inirapan sya. “Grabe ka naman sakin kuya, magagawa mo talaga ako saktan dahil lang sa babaeng maarte na yon?” Rhome fold his arms and looked at his brother’s eyes intently.

“Huwag mong sabihi–.”

“Ano ba Rhome! Pumasok ka na sabi sa loob!”. He pointed the house.

Two StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon