1- Cruix

165 14 33
                                    

Frits Yellow Sachi

Imbis na dumiretsyong bahay at sumabay kay Tatay Bert pauwi ay pumunta na lang akong bar. Wala lang, gusto ko lang uminom at makipag daldalan dito.

Ang totoo niyan, ilang araw na rin kasi akong nakahilata sa kama ko sa hindi malaman dahilan. Mabuti na lang at nandyan ang mga kaibigan ko para yayain akong lumabas. Mabuti na nga lang at pumayag ako, kung hindi, makakalimutan kong gwapo ako.

Ang amoy ng alak ang pumasok sa ilong ko at mahihinang boses ng mga tao ang naririnig, may chill na sound trip din para sa mga nagpapa-chill lang dito, kagaya ko.

"Boss! Isa nga," tawag ko sa bartender, ngumisi naman siya at kinuhaan na ako ng isang light beer. Oo umiinom ako, pero 'di batak.

"May problema ba?" nakangising tanong niya, sumimangot naman ako.

Tropa na kami nito, kahit na mas gwapo at mas mukhang pogi ako sa kaniya ay 'di ko siya magawang utos-utosan. Aba, napakalaking tao nito, baka isang hila lang nito sa ulo ko ay matuluyan na ako. Oo, mas may takot pa ako sa kanya kesa sa bouncer.

At isa pa, siya na rin ang naging kausap ko nang matino simula noong pumunta ako rito. Muntik na nga akong mabungi noong nasuntok niya ako dahil sa kalokohan ko noong sobrang lasing ako. Ewan ko ba rito, nakatulog lang naman ako at nasuka sa may stock room nila, eh.

"Wala Boss, boring lang sa bahay," sabi ko 'tsaka ininom ang alak na binigay niya. Boring naman talaga, ubos na ang pang-paint ko at canvas. Ayun lang din kasi ang pinagkakaabalahan ko kapag naisipan kong kumilos.

Trip ko lang talaga pumunta rito.

"Gano'n ba, o sige, maiwan muna kita at marami ang customer," sabi niya at ginulo ang buhok ko bago umalis sa harap ko. Epal talaga minsan ang gurang na 'yon.

Mabuti na lang at gwapo pa rin ako kahit magulo buhok, tsk.

"Hi pogi, wala kang kasama?" palihim akong napangisi dahil sa narinig na maliit na boses ng babae, pero nawala nang makita ko ang may ari no'n.

Anak ng tokwa

"Obviously," tipid na sagot ko at uminom ulit. Tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Tara, pasayahin kita?" malambing na tanong niya habang hinahaplos ang tiyan ko, uh... abs to be exact.

Mahina kong iniwasan ang malikot niyang kamay at mahina rin siyang tinulak, at saka ko siya tinignan mula ulo hanggang paa.

Kumibit-balikat ako at nag labas ng pekeng tawa. Awit, straight ako bro.

"Ah- Aha ha, maganda ka."

"T-Teka... gusto mo ba sa VIP room tayo?" maarteng tanong niya, napabuntong hininga naman ako, hindi ako interesado sa katulad niyang babae.

"Hindi, pwede kang umalis?" nakakunot-noong sabi ko, ngumuso naman siya. I don't mean to be that rude. Ayoko lang talaga.

Hanep, sobrang pera ko na nga lang ginastos ko rito pang-me time, tapos niyaya pa ako sa VIP. Hindi porket gwapo ako, mapera na ako.

Frisky Yellow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon