3- Paint

61 13 5
                                    

Frits Yellow Sachi

Ilang minuto na ako rito sa harap niya pero hindi pa rin niya ako napapansin, pero ako, pansin na pansin ko siya. Seryoso ang mukha niya habang nagbabasa at sobrang focus ng mga mata niya sa kung ano man ang binabasa niya. May mga pagkakataon din na kumukunot ang noo niya at tumatango-tango ang ulo.

Maya-maya ay humikab siya at tinakpan ng isa niyang kamay ang kaniyang bibig, at doon ko nakita ang title, at pati na rin ang author ng binabasa niyang libro.

'Procedure: How to make a guy know me? (and love me afterwards) written by: ME'

Humalakhak ako pagkatapos ko iyon mabasa. Naaalala ko pa kung ano ang ekspresyon ng mukha habang nagbabasa at mas lalo akong natatawa.

"Pfft— seryoso ka talaga?" tumatawang tanong ko sa kaniya. Huminga ako nang malalim at pilit na ikinalma ang sarili.

Nakangisi akong tumingin sa gulat niyang mukha.

"H-Huh?" bigla niyang saad. Tiniklop niya ang libro atsaka unti-unting namula ang kaniyang mukha.

"Written by me? Ikaw pa nagsulat niyan? Hanep," dagdag ko pa. Tumitig siya sa akin at tila ba may lungkot sa mata niya.

Eh?

Bago pa ako mag salita ay tumulo ang luha niya at mahinang tumango.

"Sinubukan ko lang naman magsulat. At saka, sabi rin nila mas maganda sumulat kapag galing iyon sa damdamin," mahinang sabi niya. Unti-unting nawala ang ngiti ko at napatikhim.

Nadale na.

"Uy, sorry! Nagbibiro lang ako, oo tama ang sinabi nila. Sige, ituloy mo iyan, sulat ka lang—" mahinahon na sabi ko. Ngumiti lamang ito nang kaunti at saka tumayo.

"Well, thank you. However, your joke is not funny."

Magsasalita pa sana ako nang umalis na siya. Napabuntong-hininga ako habang tinititigan siya palayo.

But I am really sorry.

"Kumusta ang na-kick out sa room?" Biglang sulpot ng tinig sa gilid ko, boses ni Ryle. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang braso sa balikat ko.

"Nakita namin iyon dude, pina-iyak mo ah, lagot."

Sasagot na sana ako kay Sven nang umupo si Yohan sa harap ko at nakipagtitigan sa akin. Umupo na rin si Ryle sa tabi ko, at si Sven naman sa tabi ni Yohan.

"If you see someone reading a book, don't even try to interrupt if it is not necessary. I mean, look, you made that new girl cry," saad ni Yohan na tinanungan ng dalawa. Ginulo ni Sven ang buhok niya.

"Aba, mentally present ang alaga ko ngayon ah," pang-aasar niya. Humikab lang si Yohan bilang sagot.

"Bakit ba kayo nandito?" tanong ko sa kanila. Kumibit balikat lang si Sven.

"You ruined our professor's mood, kaya kaunti lang ang naturo niya at hindi na tinuloy ang iba. She said we can have our time," paliwanag ni Ryle na tinanguan ko lang.

Frisky Yellow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon