2- Girl

94 19 33
                                    

Frits Yellow Sachi

"Ha, tiba-tiba," pabulong na sabi ko habang papasok ng bahay.

Nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad, kahit tahimik dito at madilim, alam kong may kababalaghang nangyayari sa kwarto ng mga kapatid ko.

Napatitig ako sa may balcony na tanaw rito sa sala. Maya-maya'y napalingon ako sa likod ko dahil may kumaluskos.

"Meow."

Napabuntong-hininga ako sa narinig. Si Flag lang pala, ang alaga naming pusa na hindi na masyadong umuuwi rito simula noong umalis sila Mom. Actually, umuuwi lang 'to sa bahay kapag kakain at matutulog, eh.

Hinarap ko ulit ang balcony pero wala nang tao roon, tsk. Akala niya siguro hindi ko siya naaninag. Siguro ay may ginagawa na namang trabaho iyon si Asul at kumuha ng energizer drink sa refrigerator. Tsk, tsk.

Si Asul ay panganay sa aming magkakapatid, sa totoo lang, masipag siya magtrabaho. Ang tindig niya ay parang kay Azineth, seryoso at business-minded, hindi ko nga alam kung nakakatulog pa ba ito, eh.

Actually, ako ang bunso, at nasabi ko na bang mag kasabay na araw lang kaming apat ipinanganak?

Angas ni Mommy 'no?

Dumiretsyo na ako ng pag lalakad at pagpasok ko sa kwarto ay dahan-dahan kong binagsak ang mga painting materials na binili ko kasama si Ryle at Sven.

Hindi muna ako pinauwi ng mga baliw na 'yon dahil iinom daw muna kami saglit. Ayon, tinawag nila ang isa naming kaibigan na si Yohan. Matalino 'yon pero lutang.

Perfect definition ng 'physically present but mentally absent.' Pero ayos naman siya pa minsan-minsan.

Nagpunas na ako at nagbihis para matulog.

Kumusta na kaya ang mga panget kong kapatid?

Ipinikit ko na ang mata ko bago ko pa mabalibag ang gamit ko sa pag-aaral.

Hanep, pasok na naman.

***

Noong araw na 'yon ay maaga akong bumangon dahil dito sa Pinas, kapag tanghali ka nagising ay anak mayaman kana.

Eh, required naman siguro sa mga gwapong kagaya ko. Heh, dapat lang.

Agad akong pumunta ng kusina at naabutan na nagluluto pa si Manang ng ulam namin.

Medyo nahihilo rin ako. Gusto ko sana magsabi kay Manang na baka anemic na ako kaso baka mahiya si Manang, aba, hanggang ngayon nakakaya pa kami.

"Good morning, Manang!" Inaantok pa ako pero siniglahan ko na boses ko. Ngumiti naman siya sa akin 'tsaka ako nagmano.

"Magandang umaga, ijo," bati niya pabalik. Nakita kong hindi pa nakahanda ang ibang ingredients sa lulutuin niyang mala-chaoking. Hindi niyo siguro alam ang sinasabi ko, dito sa amin, si Manang ang gumagawa ng paborito kong chaofan.

"Uy, chaofan!" sabi ko at lumapit kay Manang na ngayon ay nakangiti. "Tulungan na po kita Manang," pag-volunteer ko pero umiling lang siya.

Frisky Yellow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon