Chapter 2

148 4 0
                                    

LALO niyang damang-dama ang kalungkutan ng pag-iisa sa bahay nang sinundang araw na kaalis ng Tiya Elvie niya at ni Babes.
Sabado iyon at wala silang pasok sa
opisina. Limang araw lamang ang working days nila sa Binley, Philipppines, isang pharmaceutical firm kung saan siya assistant supervisor sa credit and collection department. Sa loob lamang ng dalawang taon ay narrating niya ang posisyong iyon dahil naman bukod sa isa siyang CPA, may ekstra pa siyang MBA units at may kaalaman siya sa computerized A/R System, mga bagay na nagpaungos sa kanya sa mga kalaban.
Pagkakain at pagka-shower nang
umaagang iyon ay wala na siyang maisipang gawin. Hindi naman niya gustong magbasa ng pocketbooks. Wala siya sa mood para gawin iyon. Lalong hindi niya gusting magkulong na lamang sa silid at magpalipas ng oras sa panonood ng tv. Kaya nang makapaglinis-linis sa bahay ay nagbihis siya at ipinasyang mamasyal.
Sa Landmark sa Makati niya naisipang magpunta. Magwi-window shopping siya. Kung may magugustuhan siya, bibili siya ng ilang items na pansarili. Matagal na ring wala siyang nabibiling bago para sa sarili. Mas malamang pa ngang ang Tiya Elvie niya at si Babes ang naiisip niyang ipamili kung sumusuweldo siya o kaya'y nagagawi sa shopping centers. Kasi nama'y may uniporme sila sa opisina. Linggo lamamng kung nagbibihis siya nang maayus-ayos. Kapag nagsisimba sila. Kung minsan, lumalalabas din sila ng mga tiyahin. Kung minsan naman, sila ng mga kasamahan sa opisina. Pero mabibilang halos sa daliri ang mga ganoon kaya bihira siyang makaalalang bumili ng bagong damit o mga gamit na pampaganda. Hindi naman siya likas na sociable lalo pa nga't kaparis noong tinedyer siya ay wala siyang gaanong kalapitang-loob dito sa Maynila. Ni wala siyang matawag na talagang kaibigan niya sa opisina.
Iniisip na lamang niya ang sinabi noon ng namayapa niyang ina. Hindi siya ang may problema kung bakit walang gaanong makipagkaibigan sa kanya. Ang mga taong ayaw makipaglapit sa kanya ang may suliranin.
Insecurity.
At iyon na lamang ang iisipin niyang pangungonsola sa sarili para hindi masyadong sumakit ang loob niya.
Sa kaiikot sa Landmark na siya inabot ng lunchtime. Nananghalian siya sa fastfood sa ibaba. Chicken barbecue at halu-halo. Mas nasiyahan pa siya sa halu-halo kaysa kinain niyang tanghalian. Kahit naman kasi malakas ang aircon sa paligid ay waring naiinitan pa rin siya. Kakaiba ang summer na ito, naisip niya. Parang sobra ang init. Naalala tuloy
niya ang malinaw na ilog sa San Vicente na madalas nila noong paliguan kapag ganitong summer. Kay-sarap sanang magbabad lamang doon kahit maghapon.
Inialis niya iyon sa isip nang
maramdamang nasasaktan lamang ang loob niya. Binilisan niya ang pag-ubos sa halu-halo at mayamaya lamang ay nag-iikot na siyang muli sa iba't-ibang section ng malaking tindahan.
Sa summer wear collection ay may nakita siyang guhitang asul at puting bathing suit na maganda ang disenyo. Malalim nga lamang ang pagkaka-V shaped sa likuran na tinampukan ng maliit na ribbon na asul sa pinakatusok. Gayon man ay gandang-ganda talaga siya sa naturang swimsuit kaya on impulse ay binili niya iyon katerno ng isang pulang roba na kung itinatali sa beywang ay lampas-balakang lamang ang haba.
Saan ko naman kaya isusuot ito,
natatawang naisip niya habang pinapanood ang saleslady sa paglalagay ng mga napamili niya sa isang supot. So what kung hindi ko maisuot? sagot din ng isip niya. Ang importante ay nabili niya dahil gusto niya. Puwede namang itabi lamang niya iyon at maghintay ng angkop na panahong maisusuot iyon.
On impulse din, nakabili pa siya ng isang ternong manipis na pantulog, ilang bikini panties na iba't-ibang kulay at isang bestidang soen na may katernong guhitang blazer. Nagandahan siya sa bestida dahil maaring gamitan ng blazer at maari rin namang hindi. Sleeveless iyon at hanggang tuhod ang haba bagamat sa kaunting paggalaw ng magsusuot ay umaakyat iyon kaya nagmimistulang above the knee. Hindi sana siya talaga desididong bilhin iyon pero nang makita ng saleslady na naka-fit sa kanya ay sinabing, "Bagay na bagay naman sa inyo, ma'am. Para kayong buhay na manikin."
Napilitan na siyang bilhin ang nasabing damit.
Mag-aalas-singko na nang makauwi siya
sa kanila sa Pandacan. Pakiramdam niya ay pagod siya pero gusto lamang niya ang ganoong pagod para makatulog siya agad mamaya. Iniayos niya sa locker ang mga pinamili at parang nagpapahinga lamang na nanood ng tv. Balak niyang maligo mayamaya at tuloy tulog na. Hindi na siya magluluto ng hapunan dahil may uwi siyang pizza na balak niyang gawing dinner komo nag-iisa lamang naman siya.
Dakong alas-siyete ay pinatay na niya ang tv at kumuha siya ng mga gagamitin sa paliligo. Pagkaligo ay naghapunan siya ng pizza at pagkasepilyo ay nagtuloy na ng sariling silid.
Patutuyuin na lamang niya ang buhok sa bentilador at maari na siyang matulog, naisip niya. Masarap ang magiging tulog niya komo pagod siya at kaliligo.
Pero nadismaya siya nang patuyo na ang buhok niya at may dumating na panauhin. Ang taong lagi na lamang nakasisira sa araw niya. Si Fort na kuntodo may pa-red roses-red roses pang dala!
NAWALA ang pagkakangiti niya pagkasipat sa panauhing nasa labas ng screen door. "Good evening," nakangiting sabi ni Fort
na bahagya pang inilapit ang mukha sa screen. Pormal ang ayos nito sa suot na striped
polo at itim na pantaloon. Kahit inis siya sa lalaki, aaminin niyang guwapo ito. Hindi kataka-takang mapaibig nito ang pinsan niyang si Maricel.
Sa pagkaalala sa pinsan at sa nangyari sa kanila dahil sa lalaking ngayon ay bisita niya, lalong nadagdagan ang pagkainis niya kay Fort.
"Bakit?" malamig na tanong niya.
Pinanatili niya ang kamay sa kawit sa screen door. Kung kanina ay balak niyang pagbuksan ang kung sinumang dumating, ngayon ay waring tinitiyak ng kamay niya na nakakawit ang pinto at hindi maaring basta-basta pumasok si Fort.
"Anong bakit?" waring na-offend na sabi
ng binata. "Dinadalaw kita."
"Kaya nga tinatanong ko kung bakit.
Ang tanda ko, noon pa kita sinabihang tigilan mo na'ng pagpunta rito."
"Irish naman..." nakikiusap ang tonong
sabi ni Fort,
"Tigilan mo na 'ko, puwede ba?" lalong naiinis na sabi niya. "Saka hindi kita puwedeng patuluyin dito ngayon."
Bumadha ang pagtataka sa anyo ni Fort. "Wala akong kasama rito ngayon. Umalis
ang Tiya Elvie at si Babes. Gusto mong malaman kung saan nagpunta at bakit hindi ako kasama?"
"Bakit nga?" natitilihang tanong ni Fort. "Dahil—" idiniin niya ang susunod na sasabihin, "—sa San Vicente sila pupunta. Silver anniversary ngayon ng mga magulang ni Maricel at hindi ako imbitado. Gusto mo pa ring malaman kung bakit?"
Natigilan si Fort, bumakas ang guilt sa
anyo. Saglit na inalis nito ang pagkakatingin
sa kanya pagkuwa'y muling itinutok sa mukha niya ang tingin kahit nakapagitan sa kanila ang screen ng pinto.
"Hindi mo na ba 'ko talaga mapapatawad
sa kasalanan ko?" hirap ang loob na sabi nito. "Halos six years na ang nakararaan."
"'Pag napatawad ka ng pinsan ko,
patatawarin na rin kita," pang-iinsulto niya kay Fort.
Saglit na napayuko si Fort pagkuwa'y tumingin uli sa kanya, malungkot. "Kung ayaw mo akong patuluyin, at least, bayaan mo man lang ibigay ko sa 'yo 'tong mga bulaklak." Tumingin siya sa three red roses sa
plastic na dala nito. Nag-alanganin siya sa isasagot.
"Hindi ako aalis d#o hanggang hindi mo tinatanggap ito. Abutin mo man lang at aalis na ako."
Gusto niyang mapailing sa kakulitan ng binata pero nang maisip na matatahimik na siya kapag pinagbigyan ang gusto nito ay inalis niya sa pagkakawit ang screen door. "Akina," aniya sa tonong nilangkapan ng inis. Inilahad niya ang isang kamay.
Doon siya nagkamali. Dahil pag-awang
ng pinto at paglapit ng kamay niya patungo sa mga bulaklak, hinila siyang payakap ni Fort. Hindi siya nakahuma nang kabigin nito at halikan sa mga labi.
Nang makabawi siya sa kabiglaanan,
pinilit niyang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap nito. Bahagyang nagkaroon ng puwang sa pagkakalapat ng mga labi nila. "Fort...ano bang—hmp!"
Kinuyumos uli ng halik ni Fort ang mga
labi niya, ngayon ay higit na mainit, mas insistent. Nalaglag sa paanan nila ang mga roses na dala nito. Natapakan pa nga niya nang paurong siyang iusod ni Fort patungo sa loob ng bahay.
Nag-panic ang isip niya nang matiyak ang binabalak ng binata.
Kumilos ang mga kamay niyang inipit ni Fort sa tagiliran. Binayo niya ng suntok ang likuran ng lalaki. Parang hindi iyon ininda ni Fort, lalo pang idiniin ang paghalik sa kanya. Ginamit niya ang lahat ng lakas para makapagwala hanggang matumba sila sa lapag.
"Fort...walanghiya ka!" mura niya nang makawala ang mga labi sa paghalik ni Fort. Pilit ibinibiling ng binata ang mukha niya. Ipinakaiwas-iwas niya ang mukha. Pakiramdam niya ay nanindig lahat ng balahibo niya nang dumako ang mga labi ni Fort sa ibaba ng leeg niya, patungo sa ibabaw ng dibdib niya.
Naisip niya, kung sisigaw siya ay
maaring mag-panic si Fort at gumamit ng dahas para mapatahimik siya. Kayang-kaya iyong gawin ng lalaki. At mas nakakatakot isipin kung ano ang mangyayari kapag wala na siyang malay.
Kaya naisip niya, ang kailangan sa sitwasyong ito ay diplomasya. Mga tamang salita na makapagpapabalik sa katinuan ng isip ni Fort.
"Sige..." sabi niya sa pinagaralgal na
tinig. "Kunin mo'ng gusto mo nang puwersahan. Pero kung inaaakala mong magpapakasal ako sa 'yo kapag may nangyari sa atin ay nagkakamali ka. Lalo lang kitang kasusuklaman habambuhay. Kung hindi kita magantihan, titiyakin ko namang masisira ang buhay mo dahil ipapakulong kita nang habambuhay."
Natigilan si Fort, bahagyang nag-angat ng tingin sa mukha niya.
"Huwag mong patunayang tama ang
hinala naming lahat tungkol sa iyo, Fort," nakikiusap na sabi niya. "Kung talagang mahal mo ako, igagalang mo ako."
Saglit na waring nagtalo ang isip ni Fort pagkuwa'y marahang kumalas sa pagkakadagan sa kanya. Naiiling na isinuklay nito ang kamay sa buhok habang patungo sa pinto. Pagdating doon ay nilingon siya nito. Tumayo siya pero iniwasan niyang magmadali at ipakita kay Fort na matindi pa rin ang takot niya.
"Wala talaga akong aasahan sa iyon,
hindi ba?" malungkot na sabi ni Fort. "F-Fort..." Hindi niya malaman ang
isasagot. Natatakot siyang prangkahin ang lalaki at muling magdilim ang isip nito. Kung sana'y nakalabas na ito sa pinto.
"Huwag mo nang sagutin. Alam ko na." Lumakad si Fort palabas ng pinto. Lumingon ito sa kanya habang hawak ang screen door. "I'm sorry sa nangyari. Hindi ko naman binalak 'yon. Naisip ko lang, huling paraan na siguro 'yon para maging akin ka. Pero nakita kong hindi puwede. Ayoko namang masuklam ka sa akin habambuhay. Tanggap ko na ngayon ang pasiya mo. Hindi na uli kita guguluhin. I'm sorry."
Tumalikod na si Fort.
Ikinawit niya ang sarahan ng screen door. Hindi na siya nagmamadali. Alam niyang wala nang panganib na babalikan siya ni Fort. Naniniwala siya sa sinabi nito na hindi na siya uli guguluhin.
Kahit paano, may bigat din sa dibdib niya nang ganap na isara ang pinto. For six years ay matiyagang nanligaw sa kanya si Fort. Parang nakakalungkot ding ngayon ay titigil na ito gayong iyon ang ipinakikiusap niya sa binata noon pa.
Hindi niya maintindihan kung bakit naligo siya uli. Gusto niyang maalis ang imprint ni Fort sa kanyang katawan. Ang paghalik sa kanya. Ang pagbaba ng halik patungo sa kanyang dibdib.
Hindi excitement ang naramdaman niya nang gawin iyon ng lalaki. Repulsion. Kaya tiyak na tiyak niya, hindi niya magugustuhan si Fort bilang mangingibig kahit kailan.
Ang alam niya sa dalawang nagkakagustuhan, ang haplos at halik ng isa ay magdudulot ng pananabik ng kapareha. Hindi pangingilag o pangungunti.
Once and for all, masaya siyang natapos
na ang kaugnayan niya sa binata.
Nagtapi lamang siya ng malaking
tuwalya at nagtungo na sa silid niya. Pagharap niya sa tokador ay tinitigan niya ang mukha sa salamin.
Ano ba'ng kulang sa buhay mo, Irish Milandre? tanong ng isip niya. Maganda ka pero hindi ka masaya. Bakit hindi ka masaya? Dahil kulang ng pag-ibig ang buhay mo, sagot ng isip niya. Kung gayo'y bakit hindi na lamang niya sinagot si Fort? Tutal naman ay galit din sa kanya si Maricel kahit iwasan niya ang lalaki. Masasabing good catch na si Fort. Guwapo ito at may pinag-aralan. May matatag na ring trabaho sa isang kilalang kumpanya na gumagawa ng mga household appliances. Ang pinakamalaki lang flaw sa katauhan nito ay yaon ngang pagtalikod sa pinsan niya at panliligaw sa kanya.
O kung ayaw niya kay Fort, bakit hindi
na lamang niya pinansin ang marami rin
namang nanligaw sa kanya? Bakit isa-isa
niyang binasted ang mga iyon?
Dahil hindi niya maramdamang mahal
niya isa man sa mga iyon, naisip niya. Dahil
hindi niya maramdamang may pag-ibig sa
puso niya.
Napabuntunghininga siya nang alisin ang
tuwalya sa pagkakabalot sa kanyang katawan. Tinungo niya ang closet para makapaglabs ng bagong bihisan.
Kailan kaya darating sa kanya ang pag-
ibig? naisip niya. At 26, she's not getting any younger.

Kung Nalalaman Mo LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon