LUNES na ng hapon nang makabalik ang Tiya Elvie niya. Nagtaka siya dahil kasama rin nito si Babes. Ang inaasahan niya, paiiwan ito sa
San Vicente. "Aba'y gustong sumama pabalik, e," sabi ng Tiya Elvie niya nang isatinig niya ang pagtataka. "Nag-aalala raw na wala kang kasama rito."
Na-touch siya sa sinabi ng tiyahin. Nakangiting tumingin siya sa pinsan.
Para namang napapahiya si Babes pero ginanti ang ngiti niya. "Me pasalubong kami sa 'yong mga sweets, Ate Irish," ang sabi. "Saka mga suman, padala ni Tiya Ligaya." Natigilan siya sa narinig. Siya,
padadalhan ng ina ni Maricel? How come? "Òy, me good news ako sa 'yo," waring nagmamalaking sabi ni Babes.
"Tapos e susundan mo naman ng bad news? Alam ko nàyan," natatawang sabi niya.
"Hindi," pakli ng Tiya Elvie niya. "Maganda nga'ng balitang dala niyan." Curious na napatitig siya sa pinsan. "Alam mo, itinatanong ka ni Ate Maricel." Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Totoo. Maski tanungin mo'ng Tiyang." Tumingin siya sa tiyahin.
Ngumiti si Aling Elvie. "Oo nga, Irish.
Ang akala pa nga raw niya, isasama ka namin."
"Paano ho akong sasama...hindi naman
ako kasali sa inimbita."
"Nahihiya raw siya, e. Baka galit ka pa sa kanya. Akala nga niya, kapag nalaman mong uuwi kami, sasama ka. O isasama kita."
"Wala namang problema sa galit ko sa
kanya. Ang matindi ay ang feeling niya sa akin."
"Palagay ko, Ate Irish, hindi na galit sa
'yo si Ate Maricel."
Nabaling ang tingin niya kay Babes.
"Me galit bang kinakamusta? Saka dinig
ko, ipinasasabi pa sa Tiyang na kung gusto mo, doon ka sa kanila magbakasyon ngayong darating na Mahal na Araw."
"Huwag mo nga akong biruin nang ganyan, Babes."
"Ikaw talaga...walang bilib sa 'kin.
Tiyang, kayo na nga'ng magsabi ke Ate Irish." "Ang totoo, hindi naman direkta ang pagkakasabi ni Maricel sa 'kin," ani Aling Elvie. "Parang pahiwatig lang. Ano raw kaya, pumayag kang doon magbakasyon sa kanila ngayong Holy Week. Hindi niya sinabing direktang siya pero ang sabi'y nami-miss ka na ang mga pinsan n'yo. Àla na raw 'yong nakaraan."
"T-talaga ho?" hindi makapaniwalang
sabi niya. "Sinabi niya iyon?"
"Oo. Para pa ngang nag-aalala na baka
ikaw ang me sama ng loob sa kanya kaya matagal kang hindi man lamang sumilip sa San Vicente."
"Paano ho kaya niya malalaman ang
sagot ko, Tiyang?" nabibikig sa emosyong sabi niya.
"Aba'y di itatawag ng long distance sa
trabaho ni Kuya Miling. Me telepono sa NIA sa atin. Bakit, ano'ng sasabihin mo?" "Sasabihin ko ho ke Maricel na payag
akong doon sa kanila mag-Holy Week. Wala na rin 'ika n'yo sa akin ang nakaraan. Saka—" "Saka ano?" halatang natutuwang sabi ni Aling Elvie.
Ang balak sana niya ay ibalita kay
Maricel na talagang wala na silang kaugnayan ni Fort. Na nagkaintindihan na silang wala ito talagang maasahan sa kanya. Pero naisip niyang iyon ay isang bagay na dapat niyang ibalita nang personal sa pinsan.
"Pakisabi na lang din ho," dagdag na
lamang niya, "nami-miss ko na rin silang lahat doon. Lalo na siya, si Maricel."
"ME hula ako kung bakit biglang-biglang naalis na ang galit sa 'yo ni Ate Maricel, Ate Irish."
Napatingin siya kay Babes na
nagpupunas ng mga plato bago ilagay sa dish tray. Siya ang naghuhugas at iniaabot lamang niya rito ang bawat platong mahugasan. "Bakit?" interesadong tanonong niya. "Dahil ke Jake."
"Sino naman 'yong Jake?"
"'Yong nakatira sa kanila ngayon."
"Me nakatira sa kanilang iba?"
"Ano yata 'yon...project coordinator daw
sa NIA. Bale sandali lang maa-assign sa San Vicente dahil sa ipinagagawa roong dam. Dam bàyon o irrigation system." Napakamot si Babes sa batok. "Hindi ko alam. Basta alam ko, pansamantala lang nakikipanuluyan do'n si Jake dahil na rin sa kagustuhan ni Tiyo Miling. Magkasundung-magkasundo ang dalawa, e. Parang magkaedad lang kung magtratuhan."
"Bakit ilang taon na ba 'yong Jake?"
"Mga thirty-four siguro, humigit- kumulang."
"Bakit mo naman nasabing dahil sa kanya kaya naalis ang galit sa akin ni Maricel?" "Teka muna," natatawang sabi ni Babes.
"Ni hindi mo pa itinatanong sa 'kin kung anong itsura ni Jake, e."
"Bakit, me koneksyion ba ang itsura?" "Ba, malaki. Kaya nga siguro dead na dead do'n si Ate Maricel, e. At maski ako, nagka-crush nang lihim."
"Ibig sabihin, guwapo 'yung Jake?"
nakatawa na ring sabi niya.
"Hinid lang guwapo. Super-guwapo.
'Yong pagkaguwapong ano—" tumingin muna si Babes sa pinto na parang sinisigurong hindi sila maririnig ng Tiya Elvie nila, "— makalaglag-panty ba." Binuntutan nito ng paghagikgik ang sinabi.
"Ang bastos mo," natatawa-naiiling na
sabi niya.
"Natutuhan ko lang 'yon sa mga kaklase
ko, ha? Gano'n ang deskripsyon nila kay Richard Gomez." Pumormal si Babes. "Hindi, sa totoo lang lang, hindi ko mai-describe ang klase ng kaguwapuhan ni Jake, e. 'Yon bang klase na pag natitigan ka pa lang e parang matutunaw ka na."
Umirap siya. "Wala namang lalaking
gano'n. Sabi lamang iyon ng mga writer." "Meron. Si Jake nga. Ang naiiba pa,
sreyoso siya. Parang hindi marunong ngumiti. Parang pag tinitingnan ka, ini-scrutinize mabuti ang lahat sa 'yo at sa paraan niya, parang lalo kang kikiligin, gano'n ba."
"Ang OA mo naman."
"Mapapatunayan mo rin pag na-meet mo siya."
"At tandaan mo naman na hindi ko mararanasan 'yang naranasan mo."
"That remains to be seen."
"Ano na nga 'yong sinasabi mo tungkol
ke Maricel at do'n sa Jake na 'yon?"
"Ang ibig kong sabihin, tingin ko'y nagkakagusto si Ate Maricel ke Jake kaya naalis na'ng galit sa 'yo. Siguro, napalitan na si Fort ni Jake sa puso niya."
"Di maganda kung gano'n. Para ganap
na niyang malimutan ang nagyari sa amin. E, tingin mo ba naman do'n sa Jake, me gusto rin ke Maricel?"
"Parang. Sila lagi ang magkasama, e.
Saka, masaya sila. Parang iba ang pagtingin ni Jake ke Ate Maricel. Saka, madali nang magkatuluyan ang mga 'yon. Magkasama sila sa iisang bahay, boto si Tiyo Miling kay Jake, okey na."
Sana nga ay magkatuluyan ang dalawa,
naisip niya. Para ganap nang gumaling ang sugat na nilikha ni Fort sa puso ng pinsan niya. At para mabalik na rin ang dati nilang pagtitinginan.
Sa sarili ay sinabi niya na may dapat pala siyang ipagpasalamat sa pagdating ng isang Jake sa buhay ng pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Kung Nalalaman Mo Lamang
RomanceAnim na taon na ang nakararaan, nagkaraoon ng gap ang dati'y magandang pagtitinginan ng magpinsang Irish at Maricel. Inakusahan ni Maricel si Irish na mang-aagaw ng nobyo. Nagkasundo lamang silang muili nang mabaling ang pansin ni Maricel kay Jake...