Chapter 13

161 8 0
                                    

"YOU mean, dito ka nang Huwebes Santo at Biyernes Santo?" hindi makapaniwalang tanong ni Babes.
"Baka nga hanggang Linggo pa. Baka
di#o na ako manggaling kapag pabalik tayo sa
Maynila. Bakit, ayaw mo ba?"
"Anong ayaw? Gustung-gusto ko nga. Nagtataka lang ako."
"Masyado kasing maraming tao ro'n kina Tiyo Miling. Palaging may nagdadatingan. Naguguluhan ako," pagkakaila niya habang iniaayos sa lalagyan ang ilang damit na dala niya.
"E mabuti't pinayagan ka ni Tiya Elvie." Nakiayus-ayos si Babes sa mga dala niya. "Alam naman niyon na hindi talaga tayo maghihiwalay. Gusto nga sanang sumama rito pero ayaw payagan ng Tiya Ligaya. Wala raw siyang kadaldalan."
"O, e, mabuti pinayagan ka rin ng mga Tiya Ligaya?"
"Parang ayaw nga. Bisita raw nila ako ro'n e kung saan-saan ako pupunta. Si Tiyo Miling lamang ang nakakumbinsing payagan ako at baka naman daw magselos na'ng mga Itay mo."
"Talaga. Nagsiselos na nga. Pero ngayon, natutuwa sila sa desisyon mo. Pinabibili na nga ng Itay si Inay ng malalaking isda, e. Iihawin daw natin tutal e bawal ang karne ngayon."
"Kahit hindi bawal. Kung inihaw na
isda'ng ihahain nila sa 'kin, 'yon ang uupakan ko," pagbibiro niya.
Sumeryoso si Babes. "Pero wala talagang hassle do'n, ha?"
"Anong hassle?"
"Halimbawa'y sa pagitan n'yo ni Ate
Maricel. Baka naman—"
"Wala. Gusto ko lang na dito naman." Naniwala naman si Babes. Nang
tanghaling iyon, katulong ang mga kapatid nito at ang mga tiyahin, sama-sama silang nag- ihaw ng malalaking bangus na siyang iniulam nila sa tanghalian.
Naisip ni Irish habang pinagmamasdan
ang nasisyahang mukha ng mga kasama, heto ang isang pamilyang welcome ako talaga. Kahit paano, natutuwa siyang 'itinaboy' siya ni Maricel. Dito ay napapnatag ang kalooban niya.. Wala siyang maraming inaalala.
Nang papagabi na ay nagyaya si Babes patungo sa bisita pero tumanggi siya. Sinabi niyang mas gusto niyang matulog nang maaga kaysa mamasyal. Hindi naman nagpilit si babes. Nakitabi na rin sa kanya sa higaan. Hindi naman sila talaga nakatulog nang maaga dahil inabot sila ng hatinggabi sa pagkukuwentuhan at paghahagikhikan.
BIYERNES maghapon ay ginugol nila sa tahimik na paraan. Kabawal-bawalan ng mag- asawang Mario at Loreta na walang mag- iingay sa mga anak dahil panahon na diumano ng paghihirap ng Diyos. Maging ang pakikinig sa radio ng panganay na si Roming ay ipinatigil. Sa halip diumanong musika ang pakinggan nito ay Siyete Palabras na lamang ang subaybayan.
Sila naman nina Babes, kasama sina
Milagring at Toti, ay nagkasya na lamang palaru-laro ng sungka. Nang magsawa siya sa pakikipaglaro sa mga pinsan, nagbasa siya ng pocketbook na dala niya buhat Maynila. "Ano'ng gusto mong ulam mamaya?"
tanong ng Tiya Loreta niya. Nagmemeryenda sila ng minatamis na kamoteng-kahoy nang hapong iyon.
"Ang Tiyang," natatawang sabi niya, "kumakain pa nga lang tayo e pagkain na uli ang itinatanong."
"Gusto mo ng pinakbet na ang sahog e inihaw na isda?"
"Sarap no'n, Tiyang. Palagay ko, tataba ako nang husto kapag nagtagal ako rito." "Dapat naman e tumaba ka nang kaunti." Sinipat ni Aling Loreta ang katawan niya. "Payat sa 'kin ang ganyan."
"Hindi payat, 'Nay," tutol ni Babes.
"Slim. Ang dami ngang gustung-gusto ng katawan ni Ate Irish, e. Mga babae, ha? Naiinggit sila."
"Basta, sa tingin ko, kailangang magpataba nang kaunti ang Ate Irish mo." "O, sige na ho, Tiyang. Para tumaba ako
e lutuin na nga ninyo 'yong sinasabi n'yo. Ngayon pa lang e ginugutom na 'ko." "Hindi ba't gusto mo noon sa pinakbet na me kasamang sigarilyas?"
"Hindi lang ho basta me kasamang sigarilyas. Ang gusto ko'y maraming  sigarilyas."
"Titingin nga ako mamaya sa gulayan ko
sa likod. Baka me mga naliligaw pang bunga ng sigarilyas."
"Ako na ho mamaya. Pagkakain namin." Pagkameryenda nga nila ay tinungo niya ang papunta sa gulayan sa likod. Dala niya ang isang maliit na plastic para paglagyan ng mga nakukuhang bunga ng sigarilyas. Naraanan niya si Roming sa tabing-ilog. Naakit siyang tabihan ang namimingwit na pinsan.
"Anong hinuhuli mo?" tanong niya.
"Ano pa...di isda," natatawang sabi ng 21 taong gulang na binata. "Isasahog dawn g Inay sa lulutuin niyang gulay."
"Talagang me nahuhuli ka?"
"Natural naman, 'no?" lalong lumuwang ang pagkakangiting sabi ni Roming. "Ayan nga, o...me kumakagat na yata sa pain ko." Iniangat ni Roming ang pisi buhat sa pagkakalubog sa tubig.
Isang malaking isda na papasag-pasag ang nakakawit sa dulo niyon.
"Ang galling!" tuwang-tuwang sabi ni Irish.
Inalis ni Roming sa pagkakakawit ang
bibig ng isda, inilagay sa isang maliit na buslo. Ibinalik nito sa tubig ang pamingwit.
"Ako nga, pasubok," tuwang sabi ni Irish
saby kuha sa pinsan ng mahabng patpat. Pinagbigyan naman siya ni Roming. Mayamaya ay bigla siyang natigilan.
"Parang me nahuli na'ng pain mo," halos pabulong pang sabi niya.
"Sige, angatan natin." Tumulong si
Roming sa pag-aangat ng pisi, dahan-dahan pa mandin.
Ang nakita nila sa dulo ng pisi ay
mahabang sanga ng kahoy na nahuli ng pangawit sa dulo niyon. Ang lakas ng
tawanan nilang magpinsan.
"Ang galling mo, Ate Irsih," kantiyaw ni Roming. "Mas masarap isahog 'yang nahuli mo."
"Sira!" natatawang sabi niya habang
aktong hahampasin ang pinsan.
"Kaya naman pala enjoy na enjoy ka rito,
e," anang tinig buhat sa kanilang likuran. Paglingon nila ay nakita nila si jake, nakatayo at amused na nanonood sa knaila. Bigla ang bilis ng pagpintig ng puso Irish pagkakita sa binata na preskung-presko sa suot na murang dilaw na t-shirt at itim na pantaloon. Parang lalong gumuwapo si Jake sa tingin niya.
"Kanina ka pa, Jake?" magiliw na tanong ni Roming.
"Sapat lang para makita ko ang
kakaibang huli ng Ate Irish mo." Lumapit si Jake sa harap nila.
"Ipinasusundo na ba kina Tiya Ligaya si Ate Irish?"
"Hindi naman." Kinuha ni Jake ang pamingwit kay Roming at ito ang nag-itsa ng pisi sa tubig. "Ipinakukumusta lamang siya ng TIya elvie niya kung ano na'ng lagay niya rito."
"Dito ka na maghapunan, Jake," alok ni Roming.
"Pinipilit nga rin ako ng mga Itay mo." "Ano'ng sabi mo?"
Tumingin muna si Jake kay Irish na
waring kinokunsulta ito sa opinion naman nito. Nang matiyak ng binata na hindi maririnig buhat kay Irish ang pag-anyayang ini-expect ay ibinaling uli nito ang tingin kay Roming. "Ang sabi ko, baka maging kalabisan ako dahil unexpected akong bisita."
"Kow, kalokohan 'yon. Kung gusto mo'y tulong pa tayong manghuli ng isda para maraming mailuto ang Inay."
"A-ako naman e mangunguha na ng sigarilyas," paiwas na sabi ni Irish. "Sige..." Tumalikod na siya para tunguhin ang gulayan.
KAKAUNTI lang naman ang nakuha niyang bunga ng sigarilyas. Ang hula niya ay nakuhanan na iyon at mga huling bunga na lamang ang inabutan niya. Naghahanap- hanap siya sa mga tagong lugar na ikibukubli ng malalagong dahon nang muntik na siyang mapalundag dahil sa pagsasalita ni Jake buhat sa kanyang likuran:
"Mag-ingat ka sa gawi riyan at baka may ahas."
"Talaga bang ganyan ka?" waring nais magalit na sabi niya nang lingunin ang lalaki. "Lagi ka na lang nanggugulat kapag sumusulpot ka."
Sa halip sagutin iyon, hinawi ni Jake ang
ilang dahon ng sigarilyas na malapit dito. May pinitas itong isang katamtaman ang laki ng bunga niyon.
Bakit hindi ko nakita iyon? Naisp niya
habng tinatanggap sa lalagyan ang sigarilyas na inilagay doon ni Jake.
"Pumayag akong dito kumain," waring pagbabalita ni Jake habang nakatingin sa mukha niya, "kahit hindi ka nag-iimbita." "Hindi naman ako ang maybahay,"
paiwas na sabi niya. Itinaas niya ang isang kamay para hawiin ang ilang dahon sa ulunan niya.
Pinigil ni Jake ang kamay niya.
Gulat na napatitig siya rito. Pakiramdam
niya ay nagdagsaan ang dugo sa kamay na hawak ng lalaki. "B-bitiwan mo nga ako. Baka may makakita at—"
"Puro ibang tao ang iniisip mo. BAkit
hindi naman ang sarili mo ang isipin mo paminsan-minsan?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam ko namang mahal mo rin ako,
pinipigil mo lang ang sarili mo."
"Ano?" manghang sabi niya.
"Ikakaila mo pa ba? Mahal mo ako paris
ng mahal kita."
May suwabeng ligaya iyong inihatid sa
dibdib niya. Mahal siya ni Jake? Pero kasabay ng ligayang naramdaman niya ang pag- usbong ng takot sa dibdib niya. Paano na si Maricel?
"N-nag-iilusyon ka," aniyang iniiwas ang tingin. Binyaan niyang pigilin pa rin ni Jake ang kamay niya gayong ayaw nito iyong pawalan.
"Nag-iilusyon?" Ilusyon din ba ang
tugon mo sa halik ko noon?" waring galit na sabi ni Jake.
"Hindi ko—" Ibinaling niya ang tingin
kay Jake.
Kinabig siya ng binata, pinatahimik ang
mga labi niya sa pamamagitan ng paghalik doon.
Waring nanghina si Irish, hindi na halos namalayan ang pagkabitiw niya sa lalagyan ng sigarilyas.
Kaparis nang naganap noong birthday ni
Jake, naulit ang pagkatunaw niya sa mga bisig ng lalaki. Natagpuan niya ang sariling tumutugon na naman sa paghalik nito.
Mahal nga niya si Jake, pag-amin niya sa
isip. Wala mang katagang namamgitan sa kanila, naroon naman ang mapuwersang damdaming iyon para sa isa't-isa. Sabihin nang matinding atraksiyon lang muna noong una na nauwi sa pag-ibig. Alam na niya ngayon kung ano ang kahulugan ng salitang iyon ngayong nakayakap siya sa binata. Matagal bago siya pinawalan ni jake.
Inalis lamang nito sa pagkahinang ang mga labi nila pero hindi siya binitiwan. Sa halip, masuyo siya nitong hinaplos sa mukha.
"I love you," anitong halos bulong. "I
think I loved you the first time I set my eyes on you." "P-pero si Maricel—"
"Wala kang dapat ipag-alala sa kanya
dahil wala naman kaming unawaan. Ni hindi
ko nga sinabi kailan man na mahal ko siya." "Pero siya—"
"Alam ko. At wala kang kasalanan doon. Kasalanan mo bang nagkagusto siya sa akin pero ikaw ang minahal ko?"
"Mauulit ang hindi naming pagkakaunawaan. Ayoko nang mangyari  iyon."
"Hindi. Kakausapin ko siya.
Ipapaliwanag ko ang mga pangyayari." Pero sa wari ay hindi na kailangang
gawin iyon ni jake. Dahil kanina pa pala nanonood sa kanila si MAricel.
Maypait sa tono nito nang sabihin, "Kaya naman pala napanghal na sa kahihintay ang Tiya Loreta. Hindi naman pangunguha ng sigarilyas ang hinaharap n'yo."
Pagkasabi niyon ay nagmamadali nang tumalikod si Maricel, halos patakbo. Waring nais takasan ang eksenang alam ni Irish na malabis na nakasakit sa kalooban nito.

Kung Nalalaman Mo LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon