Chapter 32

79 3 0
                                    

~Thorn~

After I did what my tito Ryan want, kuya immediately drove us back home. My eyes are swollen and my nose keeps singhot-singhot my sipon. Tagal naman mag-drive to si kuya. Gusto ko na makita si Papa at sakanyang dibdib na naman ako iiyak.

Muntik ko na talaga nakawin si Lucifer, ang puting pusa ni Zeid. Napamahal na kasi sa akin ang gwapong pusa na iyon. Second reason kung bakit ko jinowa si Zeid. Awit. Bat ko siya iniisip mas lalo ko lang pinapahirapan sarili ko  sa paglimot sakanya.

"You sure you don't want to stop by sa Mcdo to cheer you up?" Tanong sa akin ni Kuya. Umiling ako. Ayaw ko na ng Mcdo. Si Zeid ang nakikita ko kapag makakahawak ako ng fried chicken ng mcdo, pareho silang yummy nakakaiyak.

"Bilisan mo na lang, kya. Miss ko na si papa." Mahinang sabi ko at niyakap si Belat.

Hindi na ako kinausap ni kuya sa buong biyahe. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Ah. Hindi siguro ganito kasakit kung nag-break kami ni Zeid kung dahil nagsawa na siya sa akin o nambabae siya, pero nagbreak kami dahil sa hindi maintindihan na rason. Alam mo yun feeling? Walang problema sa inyong dalawa pero may mga epal talaga na magsisira ng relasyon niyo.

Nakarating na kami sa bahay at nakita kong nakaupo sa labas si Papa, mukhang hinihintay niya kami ni kuya. Pagkababa ko ng sasakyan binigyan ako ni papa ng isang malungkot na ngiti. Hindi ako nag-salita at niyakap na lang si papa pagkalapit ko sakanya. Sabi ko iiyakan ko si papa pero hindi ko na magawang umiyak. Ubos na ata ang mga luha ko at napapagod na ako sa kakasinghot ng sipon.

Wala akong ginawa buong araw, nakahiga lang ako sa kama ko at nakatitig sa kesame. Blanko ang isipan ko at parang patay na buhay ang pakiramdam ko. 

"Hoy." Biglang may tumalon sa kama ko at humiga sa tabi ko. "Sinabihan ako ng papa mo na pumunta dito to check up on you. Mukhang buhay ka pa naman." Humiga siya sa gilid niya at itinukod ang siko niya sa kama para isandal ang ang ulo niya sa kamay niya. 

"Pwede rin ako mamatay if you want." Wala sa sarili kong sabi sakanya. 

"Oy joke lang. Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Seven. Sumulyap ako saglit sakanya at binalik rin agad ang tuon ko sa kesame. "Hoy. kinakausap kita. "

"Mukha ba akong may mood na kausapin ka?" I said flatly. "Ayos lang ako. Lalabas lang ako ng kwarto next week. I need some time alone." Sabi ko sakanya. 

"Okay. Tell me if you need something. One shout away lang ako." Ginulo niya muna ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. Pesteng yawa na Seven. Walang hiya talaga. 

Hayys. Sabi nila Time heals the pain. Maybe I'll forget a part of you but it's hard to forget good memories. The only bad memory I have with you is the day you and I broke up. Awit, why did you have to be so perfect. 

--

Nakalipas ang ilang buwan parang timang parin ako. I can't think straight meaning zigzag ang isipan ko.Lumalabas na ako sa kwarto at nakatambay lang sa likod ng bahay sa ilalim ng puno. Hina-hayaan lang ako ni papa, naiintindihan niya naman kung bakit ako nagkakaganito. Parang lumabas ang kaluluwa ko at paulit-ulit lang ang ginagawa ko buong araw.

Gigising ako sa umaga tapos lalabas para magpasubo ng almusal kay papa tapos pupunta sa likod ng bahay tapos papasok na naman sa bahay para magpasubo kay papa ng tanghalian at babalik na naman sa likod tapos papasok naman ako ulit para magpasubo kay papa ng haponan tapos papasok na ako sa kwarto at matulog. 

Oo nakakapagod ang ginagawa ko, pero ilang linggo palang siyempre hindi pa ako nakakamove-on. I have thoughts na puntahan siya upang makipagbalikan. I want to be back in his arms so bad. Without him my bed feels cold, I feel cold. 

The Prince and The ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon