Chapter 5

153 9 0
                                    

Thorn~

Izzy and I had already settled in to our new environment. Almost two weeks na since the classes started. I learned new places na rin from Mason and Princey. Also. It really pains my heart to say this pero magiging Bffs na nga kami ni Princey. Tapos mas naging close na sila Izzy. Pwede na ngang mapagkamalan na sila na.

Of course I reported all of this kay Tito Ryan. At first galit na galit siya sa akin na kung bakit ko hinayaan lang si Izzy na magka-relasyon na naman sa lalaki. I explained to him na wala pa sila jan. Nasa getting to know each other level pa sila. Medyo napakalma ko si Tito Ryan then he just asked about the details kung sino si Princey. I answered him naman.

Weird though, pagkabanggit ko ng pangalan ni Princey parang nagulat siya tapos nagpaalam agad. Bigla siyang tumahimik pagkatapos niyang magulat. It was so weird. Pero wala akong pake so hinayaan ko na lang.

I asked Izzy kung tumawag daddy niya sa kanya. She answered me no. Then I realized, it is really effin weird. Pero sabi ko nga wala akong pake so. Hayaan ko na lang. Problema na nila yun hindi akin. Taga Chismis at taga bantay lang ako ng anak niya. Duh. Hindi kasali sa kontrata ko na pakelaman ang issue nila.

"Izzy! Pake gawa ng assignment ko sa research." Sigaw ko sa may sala nang maalala ko na may assignment pala ako sa research. Di ko pa nakakalimutan ang pinagkasundoan namin na siyang gagawa ng assignments ko this 1st sem. Todohin ko na.

"Later!" Rineg kong sigaw niya pabalik sa akin. Nasa kwarto niya kasi siya.

Linggo ngayon at nakatambay lang kami sa bahay. Ewan ko ba kung bakit di pa lumalabas sa kwarto niya ang pinsan kong maharot. Lumabas lang siya kanina para kumain. Naknang ano na nangyayare dun sakanya.

Kinuha ko ang libro ko at yung notebook ko sa research at umakyat na sa hagdan.

"Ngayon na lang baka makalimutan mo pa." Sabi ko pagkabukas ko ng pinto sa kwarto ni Izzy.

"Kaiden!" Iritang sigaw ni Izzy sa akin sa pagbigla kong pagpasok.

"Is that Thorn?" Naka-upo si Izzy sa harap ng desk niya. Nakaopen ang Laptop at mukhang nagvi-videocall sila ng one true love niya. Peste cringey.

"Yes, who just rudely interrupted us." Sinamaan ako ng tingin ni Izzy. Ngumisi lang ako. Malay ko ba na nagvi-videocall sila. I'm innocent.

"Oops. Sarreh." Ngiting sabi ko. Izzy just rolled her eyes at me at bumalik sa pagkakaharap sa camera ng laptop niya.

"Iwan ko na lang dito." Sabi ko sakanya. She just waved her hand without looking at me.

"Bye Thorn!" I heard Princey said before I close the door. They're really getting close na.

Si Zeid lang pala katapat ni Izzy. I don't see her entertaining other guys na eh. Usually she likes three timing.
*wipes tears. Nagiging matured na ang maharot kong pinsan. Kung si Zeid lang ang magiging boyfriend niya payag na ako. Di ko na siya kailangan bantayan  dahil may Boyfriend/alalay/tagabantay na siya. I'm Free!

Bumalik na ako sa sala para I-continue ang pinapanood kong Sabrina the witch sa Netflix. Malapit na akong matapos at malapit na rin akong ma-convert na satanist. No shit. Kapag mapanood mo to feel mo parang magiging demonyo ka na. Pwera na lang kung demonyo ka talaga wa-epek to sayo.

"Kady!" Nasa ending na ako na part na biglang sumigaw si Izzy sa may hagdan. Pinause ko muna at tumingin sa sexy kong pinsan na naka-tayo sa hagdan. Inuulit ko hindi po ako tomboy. Slight lang.

"Oh?" Bored kong sabi sakanya.

"Magbihis ka. May pupuntahan tayo." Sabi niya sa akin at umakyat na ulit sa taas. No daw? Di man lang sinabi kung saan pupunta. Di ko siya pinansin at bumalik sa pinapanood ko.

The Prince and The ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon