❤️chapter 21❤️

6.2K 265 66
                                    

Fidget-clown plan

Fia pov,

"Ayun yung pusa!"

Tumakbo ako papuntang gymnasium dahil doon nanggagaling ang sigaw.  Kailangan ko makuha ang bagay na yun!

Pagpasok ko sa loob may mga estudyante na naghahabol sa pusa, sobrang dami nila pero 'ni isa walang naka dakip sa pusa. Dumaan Ito sa mga bleachers, hinabol ko rin Ito, potaa! Sobrang bilis.

Tumakbo ang pusa palabas ng gym kaya lumabas rin ako, luminga linga ako kung saan iyon dumaan pero hindi ko na nakita.

"Sayang, malapit na sana yun."

"Akala ko talaga madadakip ko yun."

"Ang bilis nung pusa may lahing kabayo siguro."

"Muntik na eh!"

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap, napadpad ako sa likod ng building. Ako lang ang andito. Hindi ko talaga nakita yung pusa. Aalis na sana ako ng may narinig ako.

"Meow."

Tumingin ako sa paligid pero wala talaga, inikutan ko rin yung puno kung saan kami nagkausap ni jin dati.

"Meow."

Wala naman siguro portal ang puno na'to. Tumingin ako sa taas ng puno. Namilog ang bibig ko. Sa wakas nasa taas ang pusa. Ang kailangan ko nalang gawin umakyat sa sanga.

"Stay, there kitty-kitty."  Mahinang sabi ko.

"Gotcha!"

Makukuha ko na sana kaso naunahan ako ng hari ng mga ugok.

"Akin na!" Sigaw ko.

"I'm not stupid to give you this," kinuha niya ang pen at book at binigay sa'kin ang pusa.

Nilagay ko ang pusa sa damuhan at mabilis itong tumakbo.

Naka buntot lang ako sa hari ng mga ugok, tumigil siya sa paglalakad ng makita si Thor at adones sa bleach nakaupo habang umiinom ng shake.

"Tss," binigay ng hari ng mga ugok sa kanilang dalawa ang porn book at lucky-blue-pen.

"Ang galing mo spade," Thor.

"Salamat," tumayo si adones sa bleacher at sumigaw ng, "The game is over, may nakahanap na!"  Winagayway niya pa ang book at pen.

"Aahhh!"

"Akala ko ako na ang makaka kuha nun."

Dumating si fidget-clown na nakataas ang pekeng kilay. "Sino ang nakahanap?"

"Si spade," tumingin si Thor kay spade. "Bumalik na kayo sa klase niyo," dagdag niya pa.

"Mamaya na, gusto namin malaman kung anong premyo na gusto niya."

"Oo nga,"

"Malay mo, ayain niya samin ang Isa na makipag date."

Pag kami ng mga ugok ang makahanap ng pen at book, may premyo depende sa kung anong gusto ng nakakuha pero kapag Ibang ang section naman ang nakahanap, means, Isa samin nang mga ugok ang e-de-date.

Tumingin si Thor kay spade, "interesado ka ba sa premyo? Ano gusto mo?"

"Tss, I would never get that thing from the cat if I don't want some price,"

"Ano ba gusto mo?" Hindi ko na mapigilan maki sabat, pinapatagal pa kasi. Premyo lang yun kaya dapat sabihin niya na.

Spade smirk at me, "You."

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon