❤️chapter 10❤️

7.8K 361 32
                                    

Yuwence

Fia pov,

"Bye. Fia." Kumaway muna sa'kin si Rhea bago sinara ang bintana ng kotse. Kumaway ako pabalik.

Niyaya ko sila muna na pumasok sa bahay kaso ayaw nila. Wag pilitin ang ayaw.

Pagpasok ko sa bahay, tinulungan agad ako ng mga kasambahay sa bitbit ko. "Paki lagay nalang sa kwarto ko." Paalala ko sa kanila.

I scan the whole house pero wala sila lolo at kuya. Andon siguro sila sa company. Pumunta muna ako sa backyard sa may swimming pool malapit. Naging makintab ang kulay blue nitong tubig dahil sa light. Inilapag ko ang cellphone sa gilig ng pool para hindi mabasa. Mag swimming muna ako. Mamaya pa naman ang party.

Tinanggal ko ang t shirt at jeans ko. Tumalon ako sa pool. Ramdam ko ang lamig ng tubig sa buong katawan ko lalo na at undergarments nalang ang natira sa suot ko.

Lumangoy langoy muna ako bago umahon.

"Sasabay ka sa'kin ngayon papuntang RIHS sabi ng lolo mo---" nabitin sa ere ang sasabihin niya ng natingnan ang suot ko, mula ulo hanggang paa. Bastos.

"Bakit ikaw ang susundo sa'kin?" Lumunok muna ito bago tiningnan ulit ang katawan ko. Bastos kang hayop ka.

"Tss. Dahil yun ang sabi ng lolo mo."

"Gago. Wag kang tumingin sa katawan ko kung hindi ihahampas ko sayo itong cellphone. Talikod."

Mabilis naman na tumalikod ang hari ng mga ugok. "Doon lang ako sa loob." Nagmarcha na siya palayo.

Ngayon ko lang napansin na naka checkered na polo shirt siya at tinirnuhan ng denim na jeans. Btw, he look hot.

Kinuha ko sa gilid yung bathrobe na nilagay sa bench ng isang kasambahay namin. Isinuot ko yun sa katawan ko.

Pagpasok ko sa kwarto nilagay ko sa coffee table ang phone at pumunta sa banyo para maligo.

Paglabas ko sa bathroom agad along nag suot ng undergarments pagkatapos sinuot ko ang binili na dress nila Althea. Color red ito. Backless at above the knees. Black long sleeve sa right arm na manipis ang tela kaya kita ng kaunti ang braso ko habang sleeveless naman sa kabila. May glitters rin sa hulihan ng skirt. Sinuot ko na rin ang heels na 4 inches.  Red color rin Ito. May mga maninipis na bilog na parang bracelate ito na hanggang sa half sa ilalim ng tuhod ang abot.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko, tinawagan ko si tita. "Hello, tita. Pupunta ka ba dito samin?"

["Hi sweetie. Uhm. Yes, on the way na'ko. Bakit?"]

"Gusto ko sanang mag patirintas. Kung puwede lang naman."

["Sure sweetie. I'll hang up it now. Bye."]

Pagkatpos ko tawagan si tita tinext ko naman sila althea na hindi ako sasabay sa kanila dahil sa hari ng mga ugok ako pinasabay ni lolo.

*Tok tok

"Sweetie I'm here." Binuksan ko naman ang pinto. Nakipagbeso beso siya. "You look stunning on your outfit." Iginaya niya ako sa silya na nasa harap ng salamin.

"Tita, nasan pala sila lolo?" Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko.

"Nasa bahay pa. Pati ang mga kuya mo. May pinag uusapan sila sa library." Ahh. Masyado sigurong confident ito. "Btw, may nakita akong sport car sa labas. Kanino yun?"

Sa hari ng mga ugok. "Kay spade siguro."

"Ang gwapo namn ng batang yun. Manliligaw mo ba?" Nakangiti siya. Ay mali, naka ngisi pala.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon