❤️ chapter 22❤️

5.9K 297 48
                                    

The date

Fia pov,

ALAS DYES na ng gabi pero 'di parin ako makatulog, iniisip ko yung date kuno namin ni spade. Ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala kalokohan ang alam niya. Masaya siyang kasama kahit minsan tatanga-tanga.

Napahawak ako sa sariling labi ng naka ngiti, nababaliw na'ko! Depotaa! Bakit may pa ngiti-ngiti pa'kong nalalaman? Huh?

FLASHBACK

"I d-don't ex-exactly kn-know," Nauutal niyang saad sa maliit na boses.

Hindi ako nakasagot. Depotaa! Yung puso ko lumulundag sa kaba. Tinatanong ko lang naman siya kung may gusto siya sa'kin pero I don't know ang sagot niya. Alam ko namang panget ako, walang talent, may pagka tanga minsan I mean all the time tanga naman talaga ako, salbahi rin. Kaya wala siyang dahilan para magustuhan ako.

Nag-iwas ako ng tingin ng tumingin siya sa'kin, "I don't exactly know, what's the size of my shoes."

Nangangalaiti naman ako sa galit. Tinatanong ng maayos ta's gago kung sumagot. Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya?

"Wala akong pake kung anong size ng sapotos mo. Gago! Hindi iyon ang tinatanong ko," umirap ako sa kaniya.

"My bad! Anyway, let's go to the mall, can we?"

Tumango nalang ako, "ok."

"You sure?"

"Depotaa ang kulet!"

pinarada niya ang kotse sa parking lot ng mall at lumabas na kami. Pagpasok namin sa loob binati siya ng guard at iba pang staff.

"Good afternoon Mr, falcon."

Tumingin naman ako kay spade, "kilala ka dito?"

"Tss, my family own this mall."

Yaman.

Namilog ang bibig ko ng hinawakan niya ang beywang ko, "Kingina! Bitawan mo'ko." Pagbabata ko.

Ngumuso naman siya, "This is my first date and I want it to be realistic." Nahihiyang sabi niya.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya, yung hindi nakakunot ang noo, yung hindi parating magagalitin at hindi halos mag dikit ang kilay. Ngayon, kalmado ang boses niya at maaliwalas ang mukha.

"Fine," pagbigyan first date niya daw, kaya kailangan realistic hanep!

Ngumiti lang siya sa'kin, tumaas lang naman ang gilid ng labi niya pero nagulat parin ako.

"Doon tayo!" Turo ko sa Blue's ice cream shop.

Lahat blue sa loob, pati upuan lamesa, color ng wall, uniform ng waitress, janitor, waiter at iba pa.

"Kung andito si adones, siguradong matutuwa siya." Fav. color niya kasi ang blue.

"Tss, adones own this ice cream shop."

Kahit na gulat, tumango ako.

Nag iba ang ihip ng hangin ng tumingin siya sa'kin na umiigting ang panga at seryosong seryoso, napalunok nalang ako ng laway.

"Do you miss adones? That's why you mentioned him on our date," Diniin niya ang huling salita at umiwas ng tingin.

"Hindi ah!" Pagtanggi ko.

Teka lang ha! Bakit ba siya nagkakaganiyan? Eh, napilitan lang naman ako sa date na'to. Pag bigyan, first date niya daw.

Napansin kung marahan siyang pumikit habang naka igting ang panga, kinalma ang sarili. Feel ko tuloy kasalanan ko pa ang nangyari, nasira ko ang mood niya. Kailangan ko ba bumawi? Haiyst, hindi na nga ako mag babanggit ng pangalan kahit sila kuya pa.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon