❤️chapter 23❤️

5.8K 283 51
                                    

Busted?

Fia pov,

MAY MGA tao talaga na papalit-palit ng mood, pero itong katabi ko, kingina lang, mas bipolar pa sa bipolar. Psycho ang tamang term sa kaniya hindi bipolar. Kahapon ang bait-bait niya sa'kin ta's ngayon tinutupak na naman.

"Gago ka spade, kasalanan ko ba na humarap ka sa'kin kaya nahalikan kita sa labi? Depotaa lang, 'wag mo'kong sisisihin kung baket trending na naman tayo, I mean trending ka na naman, nadamay lang ako sa kagaguhan mong hinayupak ka. Ano 'tong nasa socmed? Huh? The heir of Karizou and falcon, officially dating. Kingina sabi ko na nga ba eh! Wala kang maidudulot na kabutihan sa'kin. Pahamak kang leche ka!"

"Tss, i put the blame on you 'coz you kiss me on my lips, I told you, to kiss me only in cheek---"

"Gago, 'wag mo'kong sisisihin sa katarantaduhan mong hinayupak ka!"

"Fia, spade, tama na muna ang LQ---"

"Hindi kami lover," sabay na sabi namin ni spade kay kev.

"I mean tama na muna ang away, andito tayo ngayon para sa mission natin kay Alex hindi para sa bangayan niyong dalawa."

Ang mission na tinutukoy ni Kev, ay ang panliligaw ni Alex kay kim. Naglalakad kaming lahat ng mga ugok papunta kela Kim, dumaan kami sa bahay nila micco at doon iniwan ang mga sasakyan dahil malapit lang ang bahay niya sa bahay ni kim . Aakyatin lang kasi namin ang bakod ng bahay ni Kim, kasi nga suprise daw.

Naka damit kaming lahat na kulay pink at may tag-iisang letra sa likod neto. WILL YOU BE MY GIRLFRIEND ang nakasulat. Napunta sa'kin F na letra. May dala rin kaming rose petals at bouquet naman ang dala ni Alex.

Inirapan ko si spade ng tumingin siya sa'kin.  Hanggang ngayon naiinis parin ako sa kaniya. Marami na namang babae ang magagalit sa'kin dahil sa kumalat sa socmed na dating daw kami. Paniguradong kumalat na Ito kay Blake at kela kuya. Kanina kasi habang nasa villa  pa kami ni micco, ipinakita sa'kin ni jack ang picture namin ni spade sa mall na nakalapat ang labi. Syempre, hindi alam ng mga ugok na coincidence lang yun, kaya ang rami nilang tanong sa'kin kanina. Akala ko nga magagalit si Lawrence sa nakita niya pero ang ugok tumawa lang.

"Sino mauuna?" Tanong ni Francis na nakatingin sa mataas na pader na kailangan namin akyatin.

"Ikaw,"

"Ayoko nga!"

"Ang duduwag niyo,"

"Ikaw kaya ang mauna Miguel!"

"Kayo nalang muna!"

Napaikot nalang ako ng mata, ang duduwag. Naunang umakyat si Khanz at sinundan ni Alex, Ace, Xharles, Micco, Thor, Francis, Miguel, Mykel, Adones, Jack, Kev, Ram, Glenn, Carl, Jin, Jerry, at Lawrence.  Kami nalang ni Spade ang andito sa labas.

"Ano pang hinihintay mo? Grasya?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tss," umakyat siya at umupo sa pader. Naglahad siya ng kamay sa'kin.

Tinanggihan ko iyon, "kaya ko sarili ko."

Humawak ako sa pader at inangat ang sarili ko, kaso nadulas ang kabilang paa ko at muntik ng mahulog kung hindi lang ako nahawakan ni spade sa beywang.

He smirk, "I thought you can handle your self?"

Inikutan ko lang siya ng mata at tumalon papunta sa mga ugok. Sumunod naman siya. Pumunta kami sa backyard ng mansiyon. Dahan-dahan ang hakbang, baka may makakita samin. Nagsimulang ilagay ni Khanz at Miguel ang petals sa damuhan. Galing sa pinto sa kusina papunta sa gilid ng puno. Nilagay ko naman ang mga arrow na may nakasulat na this way papunta sa puno. Pagkatapos namin mag set up, nag tago kami sa pader.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon