Chapter 3
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa sagot saakin ni sir Luke kanina. Nandito na ako sa bahay at hinihintay yung tutulong saakin mag-impaki dahil sabi niya wag ko daw tangkain na tanggihan ang offer niya.
Tok tok
Napatayo ako ng may kumatok. Pagbukas ko ng pinto tumambad saakin ang isang babaeng may edad na nakangiti ito saakin kaya napangiti na din ako.
Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa matandang iyon. Pinapasok ko siya sa apartment ko at pina-upo.
" juice po gusto nyo " umiling naman siya. Kaya umupo ako katapat niya.
" halina louisie magsimula na tayong mag-impaki ng damit mo " nagtaka akong tumingin sakanya. Paano niya nalaman pangalan ko hindi pa ako nagpapakilala sakanya.
" teka po kilala nyo ko ? " tumingin siya saakin ng deretsyo at ngumiti.
" Oo hindi parin pala nagbabago ang iyong ugali louisie inosente kapa rin sa lahat " mas lalo akong nagtaka dahil sa mga pinagsasabi niya kilala niya ako ? Paano ?
" paano nyo po ako nakilala " tumayo siya at lumapit sa lamesa at kinuha ang isang picture na kasama ko ang kababata ko.
" malalaman mo din sa susunod louisie dahil kailangan na nating mag-impaki tiyak akong naghihintay na si luke ang kababata mo" binitawan niya ang picture, hindi ko narinig ang huling sinabi niya pero alam kong may gusto siyang sabihin saakin pero hindi niya masabi.
Kaya kahit nagtataka ay nag-impaki na ako tinulungan naman ako ni nanay Lucile nagpakilala siya saakin kanina habang nag-iimpaki kaming dalawa. Siya pala ang yaya ni Sir luke mula pagkabata kaya parang apo na niya si Sir luke.
Kinuha ko din ang picture namin ng kababata ko nakalimutan ko ang pangalan niya dahil bata palang kami ng magkahiwalay kami dahil kinuha ko ng tita ko at dinala sa probinsya niya. Ang natandaan ko lang na letter sa umpisa ng pangalan niya ay L yun lang at wala na akong matandaan.
Palagi kong iniisip siya kung kamusta naba siya, may pamilya na kaya siya, sana magkita na kaming dalawa miss na miss ko na siya.
Pagtapos naming mag-impaki lumabas na ako sa apartment naghihintay saakin si nanay lucile sa kotse dadaan muna ako kay aling marites para ibayad ang nakuha kong pera kay Sir Luke at ang susi ng bahay wala naman akong gamit doon dahil lahat yun kay Aling marites mga damit ko lang kinuha ko at laptop.
Pagkarating namin sa bahay ni Sir Luke nadatnang wala si Sir Luke may pinuntahan daw. Tinuro na saakin ni nanay Lucile ang magiging kwarto ko katabi lang ng kwarto ni Sir Luke ay mali pala katapat ng kwarto ni Sir Luke sa Third floor.
Nag-aayos na ako ng mga damit ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya tumakbo ako palabas ng walk in closet. Pagbukas ko ng pinto tumambad sa harap ko si Sir Luke na hingal na hingal.
" Niloko ako ni nanay lucile sabi niya wala ka daw dito dahil tumanggi ka sa offer ko " natawa naman ako sa sinabi ni Sir luke paano mukhang nagtatampong bata.
" why are you laughing ?" Umiling ako at napangiti nalang dahil baka hindi ko mapigilan na tumawa nanaman.
" may sasabihin pa kayo sir kasi po nag-aayos ako ng damit ko" umiling naman ito at nagpaalam na maliligo daw.
Napahiga ako sa kama dahil ang daming nangyari sa buong araw. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Sir luke kung bakit pinatira niya ako sa bahay niya. Paano kung malaman ng mga ka-officemate ko na nakatira ako sa bahay ni Sir luke iisipin nilang magka-live in kami ni Sir.
Kumatok ako sa kwarto ni Sir luke may gusto lang akong sabihin sakanya tungkol sa pagtira ko dito. Pagpasok ko nakita ko siyang tutok sa laptop pero nung napansin niyang nakatayo ako sa pinto tumingin siya saakin.
Sinara ko ang pinto at lumapit sakanya " sir may favor lang po ako " hindi siya sumagot naghihintay lang sa sasabihin ko, huminga ako ng malalim.
" Sir luke pwede po bang wala pong maka-alam na nakatira po ako sainyo baka po kasi isipin nila na mag-live in tayo " tumango naman siya kaya tumango ako at ngumiti.
" bakit iniisip mo bang magka live in tayo" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni sir luke gosh bakit feeling ko nag-blush ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin umatras ng kaunti.
"Sige sir goodnight po " tumalikod na ako at dumeretsyo sa kwarto ko. At sumandal sa pinto ko feeling ko magkakaroon ako ng mini heart attack kay sir luke gosh ano bang iniisip niya ? Na iniisip ko bang magka live in kami ? Aba sinabi ko lang naman yun dahil baka yun ang isipin ng mga ka officemate ko yun lang yun.
Luke Martinez
Live in ? Kanina ko pa naiisip yung sinabi ni louisie kanina para daw kaming magka-live in hahaha fvck bakit ako kinikilig. And why I'm smiling like idiot , fuck louisie you driving me crazy.
Tumingin ako sa orasan ng laptop ko 11:33 na pala tulog na kaya siya ? Siguro nakita ko kasi ang mata niya parang pagod na pagod.
Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni louisie. Pagpasok ko sa kwarto niya mahimbing na natutulog lumapit ako sa kama niya at inayos ang kumot niya.
Hindi parin nagbabago ang kagandahan mo kahit noon pa man kung alam ko lang na mangyayari sakanya yun 10 years ago sana naligtas kita at nailayo sa nanakit sayo.
Flashback...
" luke aalis na kami ng tita ko mag iingat ka dito ah babalikan kita kapag malaki na ako " naiiyak na tumingin ako sa batang louisie dahil aalis na siya kasama ang tita niya.
" louie babalik ka kapag malaki na tayo papakasalan kita kaya babalik ka " naiiyak na sinabi ko habang hawak ang kanyang kamay.
Nakita kong lumuluha na rin siya kaya pinunasan ko ang luha niya.
" promise ko sayo luke babalik ako "
" louise tara na aalis na tayo baka maiwan tayo ng bus " tumingin naman siya tumawag sakanya ang tita niya
Kaya lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit" paalam luke babalik ako"
End of flashback....
Pero bakit hindi kana bumalik louisie sabi mo babalik ka hinintay kita dumating louisie hinintay kita sa bukid malapit saamin pero walang louisie ang dumating.
Kaya nung nalaman ko ang nangyari sayo noon kasama ang tita mo galit na galit ako sa sarili ko dahil wala ako nung kailangan moko.
Pinunasan ko ang luha ko at hinalikan siya sa noo at inayos ang higaan niya.
Pagpasok ko sa kwarto ko nagpalit ako ng pajama at white shirt pagkuha ko ng white shirt nakita ko ang isang box. Kinuha ko at umupo sa kama at binuksan ang box.
Pagbukas ko nakita ko ang drawing ko kay louisie at ang bracelate na binili saakin ni louisie nasa kanya pa kaya yung isa. At ang picture naming dalawa na magka-akbay at ang huli ang binigay niya saakin nung birthday ko isang teddy bear na maliit. Itinabi ko to kasi ito nalang naiwan niya saakin.
Dahil ang tagal niyang hindi nagparamdam saakin. Nawalan ako ng balita sakanya dahil bata pa kami nyun. Kaya nung nasa tamang edad na ako sinubukan kong ipahanap siya sa mga tauhan namin.
At doon ko nalaman ang kanyang naging buhay noon sa kamay ng kanyang tita na halos pinagsisihan ko na sana hindi ko siya hinayaan siyang umalis sa tabi ko.
Kinuha ko ang picture namin noon at tinititigan ng mabuti.
Sana sa isang araw maalala mo ang lahat louisie maghihintay ako.
Author's note:
Sana magustuhan nyo ang aking story sorry kung may pagka boring ang story ko pero I try my best para hindi kayo maboring yun lang keep reading guysue
YOU ARE READING
Living With My CEO Boss ( ON-HOLD)
RomanceKinakailangan ni louisie ng pera para may pagbayad sa upa pero sinabi ng kanyang boss na bibigyan siya ng pera pero sa isang kundisiyon. Titira siya sa bahay nito. Anong gagawin ni louisie ? Halinang tuklasin ang kwento ni Louisie at Luke