PROLOGUE

157 4 0
                                    


"Holy, guacamole!" bungad sa kanya ng batang babae na halatang nagulat nang makita siya pagkabukas na pagkabukas nito ng doll house. Bilog na bilog ang mata nitong nakatingin sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito nang makilala siya at kaagad na ngumiti.

"Why are you hiding here?" takang tanong nito.

"Get out, will you?" aniyang hindi napigilan ang pagsusungit.

Biglang namula ang mata nito at saka nanubig. Ang labi nitong kanina lang ay nakangiti ay tumiim at nagsimulang humikbi. Kinabahan siya bigla dahil baka pagalitan na naman siya ng Papa niya.

"Sorry, hindi kita inaaway. Ayaw lang kitang kalaro."

Tuluyang bumagsak ang malalaking butil ng luha nito at lumalakas ang paghikbi. Tinakpan niya agad ang bibig nito. "Wag ka ng umiyak. Makikipaglaro na," napipilitang sambit niya. Kita niyang kumalma ito. niya kung bakit gustung-gusto nitong makipaglaro sa kanya kahit ayaw niya rito. Palagi itong tumatakbo para salubungin siya na tila ba matagal silang hindi nagkikita samantalang araw-araw siyang iniiwan ng magulang niya roon.

Sumisinghot-singhot itong napatingin sa kaniya saka pigil ang hikbing tumango. Tinanggal niya ang kamay sa bibig nito.

She smiled sheepishly as she looked at him. Her eyes were puffed and still in tears and yet they are twinkling with happiness. Nailing siya.

"Can we play now?" excited na tanong nito.

"I don't like dolls." Himutok niya.

Her face beamed at him giving her wide smile. "I don't like dolls, too."

Umangat ang kilay niya.

"Let's go to my room, I have Thor there and Hulk."

Kumunot ang noo niya.

"I also have Captain America, Tony, Spidey and,  and," napatigil ito para mag-isip. " I have all Avengers!" masayang sambit nito.

Inilahad nito ang maliit na kamay nang hindi siya tumayo sa kinauupuan. Napahalukipkip siya. He still doesn't want to play with girls.

"If I don't like playing with you, this will be the last time you'll bug me, okay?"

Tumango ito. Napilitan siyang abutin ang kamay na iyon.

Sa unang pagkakataon ay hinayaan niya ang sariling makipaglaro. He never liked playing with other kids, much more, with a girl. He thought they were morons. But this girl is just different. And he doesn't even remember her name.

He was surprised by the laughter that came out from his own mouth. The little girl definitely knew all the avengers. He was laughing so hard when she tried to sound like Hulk. Gayang-gaya nito ang expression ni Hulk. He finds her funny and undeniably cute.

Napatingin sila sa isa't isa nang marinig nila ang busina ng sasakyan.

"Come down, you two! Alex, you're mom is here."

"Playtime's over," malungkot na sambit nito.

Hindi niya napigilan ang makaramdam ng pagkadismaya.

"Hey," hindi niya alam ang itatawag dito. "I'll see you tomorrow,  uhm.. " She was wearing a shirt with a salt and pepper print on it. "Pepper."

Kumunot ang noo nito. "My name is Erika."

"I don't care," aniya. "I will call you Pepper."

"Okay," anitong ngumiti. "Are we friends now?"

Inumang niya ang kamao. Her face lit up and bumped her knuckles into his and laughed.

Pagkababa nila'y kaagad siyang yumakap sa Mama niya.

"Someone's not grumpy today," pansin ng Mama niya.

"Can I sleepover here, Tita?" aniyang napalingon sa mommy ni Pepper.

"Please, Mom," ani Pepper na pinagdaop ang maliit nitong kamay. "Please Tita Dinah," samo nito sa mama niya. Nagkatinginan ang Mama niya at ang Tita Mushroom at sabay na tumango. Nag-apir sila nang pumayag ang mga mommy nila.

Ganoon sila araw-araw hanggang sa lumaki sila. He almost lived in her room. Halos umiikot ang mundo nila sa isa't isa. To him, Pepper is his happy pill. The only person in the world who understands him. And he intended to keep her by his side forever and always.

Forever and Always BOOK 1 ( a sequel to As Long As Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon