KINABUKASAN, pagdating nila sa university na pinapasukan ni Lance ay sinalubong sila ng isang seksing babae. Muntik na siyang mapangiwi dahil halos lumabas ang dibdib nito sa sikip at liit ng tube dress na suot. Ito ba ang access na sinasabi ni Alex kanina? Nanlaki ang mata niya nang bigla nitong hinalikan si Alex sa gilid ng labi. Such a flirt! Bigla'y gusto niyang hablutin ang buhok nito.
Relax, aniya sa sarili at umiwas na lang ng tingin.
"Let's go to my office," bulong ng babae na nakahawak sa braso ng kababata. Nangati ang kamay niyang baklasin iyon.
Nilapitan siya ni Alex at binigyan ng mapa ng school. "Nandito ka, dito yung library."
"Marunong din akong magtanong, Alex. Ikaw, saan ka pupunta? Huwag mong sabihing sasama ka sa babaeng iyan?"
Ginulo nito ang buhok niya. "I'll be fine. Tawagan mo ako kapag gusto mo ng umuwi."
Tumango siya. Tinapunan niya ng tingin ang babaeng pumulupot kay Alex. Halatang isinandal nito ang namumutok na dibdib sa braso ni Alex. Masyado bang mabigat iyon para isandal nito sa kababata? Talagang nanggigigil siya. Mabilis siyang tumalikod bago pa man niya mahila ang buhok ng babaeng iyon at makalimutan ang ipinunta niya rito.
Focus, Erika! aniya sa sarili.
Kaagad niyang tinungo ang library kung saan alam niyang madalas ang dating nobyo. Tila may kumurot sa puso niya nang makita ito. She missed him. Ilang sandali muna niya itong pinagmasdan dahil baka ipagtabuyan siya nito kaagad. Paunti-unti ang paglapit niya. Nagkunwa siyang kumukuha ng libro para ipantakip sa mukha. Hanggang sa makita niya ito ng malapitan. Kumunot ang noo niya nang makitang may pasa ito sa mukha. Ilang beses niya munang tinitigan ito hanggang sa magkaroon siya ng lakas ng loob na kausapin ito.
He was busy reading. Maingat siyang naupo sa harapan nito. Napatikhim siya para mapansin nito.
Kita niya ang pagkagulat nito nang mag-angat ito ng tingin. "What are you doing here?"
"I just want to see you," aniyang tila may bumikig sa lalamunan. "I missed you, Lance."
Napakuyom ito ng kamao. "We're done, Erika," matigas na sabi nito. "Ayokong pinupuntahan mo ako dito o sinusundan kahit saan."
She flinched. Humapdi ang sulok ng mga mata niya. "Alam ko. Gusto lang kitang makita."
Tiningnan siya nito saka napabuntong-hininga. "Ngayong nakita mo na ako, pwede ka ng umalis. If you'll excuse me, marami pa akong gagawin."
"Sinong may gawa niyan?" tanong niya. Hahawakan niya sana ang mukha nito ngunit kaagad na umiwas ang kaharap. Masakit ang mga salitang binitiwan nito ngunit mas masakit pala kapag iniwasan ka ng harapan.
Hindi ito sumagot. Naalala niya bigla ang naka-bandage na kamay ng kababata.
"Si Alex ba?""It's no longer your business, Erika." Tumayo ito. "I'd appreciate it if this will be the last time you'd come here."
"I still love you," aniya rito. Natigilan ito.
"More than you love Alex?"
Hindi siya makasagot. "What I feel for him is not the same as what I feel for you."
"It was just a yes or no Erika. And your hesitation is more than enough."
Niligpit nito ang mga libro at kaagad na tumayo. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Am I not worth a second chance, Lance?" aniyang hindi napigil ang pagpiyok ng boses. Parang hinihiwa ang dibdib niya sa sakit. "Do we not deserve a second chance?"
BINABASA MO ANG
Forever and Always BOOK 1 ( a sequel to As Long As Forever)
RomanceAlex and Erika were inseparable since childhood. They were best of friends, allies, best buddies who promised to be there for each other until their very last breath. But things changed when Erika met Lance. She fell in love and she fell hard. When...