Forever and Always - CHAPTER 3

57 3 0
                                    

HABANG papalayo si Alex ay pabigat ng pabigat ang dibdib niya. Gusto niya itong balikan at bigyan ng suntok o kaya malakas na sipa o kahit sigawan niya ito hanggang mabingi. Ang sakit ng dibdib niya sa sinabi nito at hindi man lang siya nakaganti.



Napatigil siya sa paglalakad nang mapansing malapit na siya sa gate ng bahay nila. Dinukot niya ang panyo sa bulsa at mabilis na pinunasan niya ang magkabilang pisngi. Natigilan siya at napatitig sa panyong hawak. Kay Lance iyon.



Mapait siyang ngumiti saka tumulo ulit ang luha. It's been a long time since she cried. She just can't believe that her heart is at its saddest form when she's supposed to enjoy her happiest moment with Lance.



"I hate you..." bulong niya patungkol kay Alex. "I hate you!" aniyang muling napahikbi.



"Are you okay?"



Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Huli na para itago niya ang pag-iyak. Umawang ang bibig niya pero wala siyang maapuhap na salita. Para ulit siyang tanga sa harap ni Lance. Umiiyak na tanga.


Nagulat siya ng bigla siya nitong ipinaloob sa bisig nito.



"Did you know that a hug can induce happy hormones?"



Pinigilan niya ang sariling mapahikbi ulit. Why does Lance have to see her like this? Gusto niyang mapapadyak. This night is supposed to be nothing but happy. Why does Alex have to be so difficult? But Lance's hug made her feel better. It was warm and nice. Marahan nitong tinapik-tapik ang likod niya. Matagal sila sa ganoong posisyon. Erika felt she's on a safe place.



"Thank you, Lance."



His hand gently touched her left cheek. Namilog ang mga mata niya sabay pag-iinit ng pisngi. Yumuko siya para itago ang pamumula ng mukha. Her heart is beginning to pound hard.



"Feeling better now?" anitong hinawakan ang baba niya para i-angat ang kanyang mukha.



Kahit na malungkot siya'y hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. "Effective yung hug."



"Yan, ganyan dapat. You are so much beautiful when you smile," anito na ikinapamula ng husto ng mukha niya. "Tara na sa loob at kanina pa sila naghihintay."



Tumango siya. "I'm sorry."



Ngumiti ito. "What for? You don't have to be sorry." Hindi niya napigilan ang sariling kiligin nang hinawakan nito ang siko niya at iginiya papasok sa bakuran.



"Because tonight is supposed to be just happy." Hindi niya naitago ang frustration sa tinig. Si Alex kasi! Grrr! Himutok niya sa sarili.



Lance stared at her looking amused. "I'm happy... especially that you are here with me."



Nahawa siya sa ngiti nito. Kahit na parang mabibingi na siya sa tibok ng dibdib at tila titiklop ang tuhod niya. Bakit ba kasi ang guwapo ni Lance bigla? Dati naman niya itong nakikita noong mga bata pa sila. Puberty must have been good to him. He has grown tall and lean and really handsome. Nakakaturete. Hindi siya makapag-focus. Nakakalimutan pa niyang huminga.



"About our date," anito na ikinasikdo ng dibdib niya. "I already asked your dad and mom's permission about it."

Napatigil siya sa paghakabang at kinakabahang napatingin dito.



Napangiti ito. "Don't worry. They are okay with it. I just need to bring you home before 10PM."



Nakahinga siya ng maluwag. "I hope mom wasn't hysterical."



Tumawa ito. "Almost. But your dad was cool about it. So, it was okay."



Nahawa siya sa tawa nito kahit nininerbyos siya sa sasabihin ng Mommy at Daddy niya mamaya. She is only sixteen and Lance is twenty.

Forever and Always BOOK 1 ( a sequel to As Long As Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon