Forever and Always - CHAPTER 11

35 3 0
                                    

WARNING: For mature audiences only.

Mom, how did you know it was Dad?"
Natigilan ang mommy niya sa ginagawa. Nasa kitchen counter siya gumagawa ng homework habang nagluluto ang mommy niya. It's one of her favorite bonding time with her mom. Inilapag nito ang hawak na sandok at mataman siyang tinignan.

"In love na ba ang baby ko?"

"Mom naman, nagtatanong lang." Nag-init ang mukha niya. Kinakain siya ng konsensiya dahil sa paglilihim niya tungkol sa relasyon nila ni Lance.

Ngumiti ito saka pinisil ang pisngi niya. "I was about your age when I fell in love with your Dad. But it wasn't love at first sight. I even never thought that we will end up together, kasi kahit platonic relationship, wala kami. Para kaming aso't pusa noon. There was never a time na hindi kami nag-aaway dahil inaasar niya ako palagi. I even thought I was in love with somebody else. I just didn't thought of him as someone I could love or somoene who could love me, kasi talagang imposible."

"Kasi nga, ang manhid ng mommy mo," anang Daddy Gino niya na pumasok sa kusina at niyakap ang Mommy niya. "Kahit ano'ng gawin kong pagpapa-cute para lang, mapansin ang pagsintang parurot ko, laging nakasimangot at napakasungit sa akin. Parang araw-araw may dalaw."

"Kasi naman ikaw, ang torpe mo. Kung sinuyo mo ba naman ako at hindi inaasar palagi, malamang nagka-crush ako sa'yo noong bata pa tayo. Kaso hindi. You've made a habit of making fun of me. Malay ko bang nagpapa-cute ka lang no'n. Kung hindi pa ako niligawan ng iba, hindi ka rin mag-eefort na suyuin ako."

"Aba, Aba! At talagang naaalala mo pa ang Amboy na iyon?" anang Daddy niya na nakapameywang, kunwa'y nagseselos. Gusto niyang matawa sa pinagagawa ng Daddy niya. Sa mga bola at pagpapa-cute nito sa Mommy niya na araw-araw nitong ginagawa. He made a habit of making her mom laugh each day and it is always magical when she sees them so in love.

"Kasi tinatanong ng baby natin kung paano ko nalaman na ikaw nga. So dapat may point of comparison, di ba?" nakatawang sagot ng Mommy niya.

Bumaling ng tingin sa kanya ang Daddy niya na nakatikwas ang isang kilay. "In love na ang baby ko?"

Pina-ikot niya ang mata. Gusto niyang magsisi kung bakit nagtanong pa siya. Gusto niyang mapasabunot sa buhok. "I'm just asking. And Mom, Dad, I'm turning seventeen in a few months, no longer a baby, okay?"

Forever and Always BOOK 1 ( a sequel to As Long As Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon