Forever and Always - CHAPTER 7

39 3 0
                                    


I wish I can make you smile like that, bulong ni Alex sa sarili habang pinagmamasdan ang kababata sa hindi kalayuan habang kausap si Lance sa loob ng isang cafe. Tatlong buwan nang ganoon ang set up nila. Siya ang sumusundo sa dalaga kagaya ng nakagawian para ipagpaalam ito sa mga magulang nito at ihahatid niya kay Lance. At hihintayin niyang matapos ang date ng mga ito at ibabalik si Pepper sa bahay nila. And it always left him a mixture of stinging pain and unexplainable happiness seeing Pepper happy each time he takes her home.

Katangahan bang matatawag kung sa paghahangad niyang maging maligaya ang kababata'y hinahayaan niyang makuha ito ng iba? But what else can he do? It is painful as hell when you want someone so bad you know you can never have. What's worse is she is so near but he can never reach her. She is so damn near.

He sighed heavily. He should stop this stupidity. Antoinette was so mad at this set up that she made him choose between her and Pepper. And the stupid side of him won. He just loves Pepper so much. Every single time Pepper beams at her with that bright smile, he forgets his pain. He only wants to make her happy because it makes him happy too. So, tanga na kung tanga. At least siya, masayang tanga.

Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangan ng dalawa na itago ang relasyon. Obvious naman na boto ang mga magulang ni Pepper kay Lance. Well,  Tito Gino may be strict but he's a reasonable man. But they chose to keep their relationship a secret. Nung kinausap niya si Lance tungkol doon, sinabi lang nito na hindi pa tamang panahon. He guessed Lance just had no balls. Nawala ang pagmuni-muni niya nang tumunog bigla ang cellphone.

"Are you s-somewhere n-near?" bungad ni Pepper sa kanya. Kumunot ang noo niya nang gumaralgal ang boses nito. Nang tingnan niya muli ang cafe'y wala na ang dalawa sa loob.

"Yeah. Ano'ng nangyari?" aniya at nagmamadaling lumabas sa kotse. Sinalakay ng kaba bigla ang dibdib niya nang humikbi ito.

"Please p-pick me up."

Tinakbo niya kaagad ang cafe ngunit wala na ang mga ito sa loob. "Nasaan ka ba?" Inilibot niya ang paningin. Saka niya ito nakitang papalabas ng restroom, namumula ang mata halatang umiiyak. Nang mag-angat ito ng tingin at makita siya'y sinugod siya nito ng yakap.

"Please get me out of here," anitong tuluyang pumiyok ang tinig.

"Why the hell are you crying?" aniyang di napigilan ang pagtaas ng boses ngunit hikbi lang ang sagot nito. Inakay niya ito palabas at pinasakay sa kotse. "Sshh, ano ba talaga ang nangyari? Nasaan si Lance?"

"Iniwan niya ako," anito sa pagitan ng hikbi. "He broke up with me." Nakuyom niya ng mahigpit ang kamao. May pait na gumuhit sa dibdib niya habang inaalo ang kababata. That shattered look was more than he could bear. He swears he would break Lance's face.

'That f*ckin' asshole, aniya sa isip habang nagngingitngit ang dibdib.

"He said I am too young for this, that I don't know what I'm feeling... that I don't really love him," anitong tila di maampat ang luhang pumapatak sa pisngi. "I just don't get him. How could he easily give up on me?"

"Don't cry," alo niya habang pinapahid ang luha nito. "He doesn't deserve your tears. Ano nga 'yung sabi mo noon? Na hindi ka iiyak dahil lang sa isang lalaki? You even said, only stupid girls cry. Ano 'yang ginagawa mo?"

"Eh, masakit eh!" anito at mas tumindi pa ang pag-iyak.

He wrapped his arms around her and let her cry.

"Ayoko munang umuwi," anito nang unti-unti itong kumalma.

"Gusto mo sa studio muna?" aniya.

Tumango ito saka biglang napatingin sa kanya. "Bakit ang bilis mo nakarating?"

Forever and Always BOOK 1 ( a sequel to As Long As Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon