MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Pepper habang nakatitig sa orasan. Nag-text si Alex na imbes sa studio nito ay sa school publication office gaganapin ang photo shoot. Mas pabor iyon sa kanya dahil may pasok pala siya ng hapong iyon. Kung bakit kasi nakalimutan niyang hanggang 4PM ang Chemistry subject nila. Naiinis siya sa sarili. Kung pwede lang niyang hilahin iyon gagawin niya. One minute to 4 o'clock. Baka ma-late siya sa photo shoot, or worse, baka wala na siyang maabutan. Parati pa namang on-time si Alex at lalo na si Lance. Napabuntong-hininga siya. Ang layo pa naman ng school pub office sa classroom nila.
Pagka-dismiss ng klase ay kaagad siyang napatayo at kumaripas ng takbo. Nagulat ang kaklase niya ngunit hindi na niya pinansin ang pagtawag ng mga ito sa kanya. Nakasalalay ang kinabukasan ng puso sa pagtakbo niya. Napangiti siya nang maalala ang guwapong mukha ni Lance at mas binilisan ang pagtakbo.
Hinihingal siya at pawis na pawis nang marating ang office. Ganoon na lang ang pagngingitngit niya nang makitang maraming estudyanteng nakaabang sa labas. Nakabusangot ang mukha niya dahil hindi naman siya katangkaran kaya't hindi siya makasilip man lang. Gusto niyang maiyak.
Biglang nag-ring ang phone niya. Si Alex iyon.
"Ano ba ang 4PM sa'yo? Malapit na kaming matapos."
"Paano ako makakapasok eh, andaming asungot!"
"Nasa labas ka na?"
"Kanina pa!" pagsisinungaling niya.
Wala isang segundo ay biglang nahawi ang estudyanteng nakaharang sa kanya.
"Eh, bakit hindi mo ako tinawagan?" ani Alex na kausap pa rin siya sa cellphone habang papalapit sa kanya.
"Kasi naiinis ako. Bakit andaming tao?" aniyang nakatingin rito habang kausap pa rin sa phone. Ibinaba niya iyon nang mahawakan nito ang kamay niya.
"Nakalimutan mo bang celebrity ang bestfriend mo?" bulong nito sabay ngiti sa mga babaeng naroroon.
"I love you, Alex!" sigaw ng babae sa likuran niya na sinuklian naman ng matamis na ngiti ng kaibigan.
Hindi niya napigilan ang sariling lingunin ito at sinimangutan.
"Akala ko ba kanina ka pa? Eh, hingal ka pa o. Saka pawis ka pa. Hindi na bagay sa'yo ang Pepper dahil amoy suka ka na."
Na-conscious siya sa amoy kaya lalong nadagdagan ang inis niya. "Ang layo naman kasi nitong office n'yo," himutok niya.
Pagpasok niya sa office ay tila tumigil ang mundo nang magpang-abot ang mata nila ni Lance. She could feel butterflies in her stomach, swirling around making her feel sick. Pero nagawa niyang ngumiti rito kahit nanginginig ang labi.
Toughen up, aniya sa sarili nang bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Ginusto mo 'to, di ba? Plano mo 'to kaya pakatatag ka! Kulang na lang ay batukan niya ang sarili.
Kausap ni Lance si Hannah, ang editor-in-chief nila na parang tangang nakangiti habang ini-interview ito. Pero si Lance, nakatingin sa kanya. Sinuklian nito ang ngiti niya. Naparalisa siya bigla. Bumilis bigla ang tahip nga dibdib niya. Ohemgee! Aatakihin yata siya sa puso!
"Okay ka lang?" untag ni Alex. Hindi siya makasagot at hindi siya makakilos dahil nakita niyang nagpaalam si Lance kay Hannah at lumapit sa kanila. Napaatras bigla ang isang paa niya.
"Hello, Erika," ani Lance sa baritonong tinig. "Nice to see you again."
Nalulon yata niya ang dila niya. Mas mukha na siyang tanga kesa kay Hannah ngayon. Say something! Sigaw niya sa sarili.
"T-Tumakbo ako," bigla niyang sabi. Pero huli na para mapigilan niya ang sarili. "para makita ka ulit."
Narinig niyang biglang napa-ubo si Alex. Dagli niyang sinipa ang paa nito. Tumalikod ito at yumuyugyog ang balikat. Namula ang buong mukha niya. Ano ba ang sinabi niya?
BINABASA MO ANG
Forever and Always BOOK 1 ( a sequel to As Long As Forever)
RomansaAlex and Erika were inseparable since childhood. They were best of friends, allies, best buddies who promised to be there for each other until their very last breath. But things changed when Erika met Lance. She fell in love and she fell hard. When...