Forever and Always - CHAPTER 8

36 3 0
                                    

Gotcha! Alex blurted triumphantly when he was able to track down Lance through common friends' social media accounts. His fist is ready to punch that scumbag’s face. Kuyom ang kamaong pumasok siya sa bar na kinaroroonan ng mga ito. Tuluyang nagdilim ang paningin niya nang makita itong may kasamang mga  babae. He just broke up with Pepper and here he is flirting with other girls. Tuluyang nagdilim ang paningin niya. Mabilis ang hakbang na sinugod niya ito at walang babalang sinuntok ang mukha ng binata. Hindi ito nakapaghanda kaya sumadsad ito sa sahig. Napasigaw ang mga babaeng naroroon. Dagli naman siyang inawat ng mga kaibigan nito ngunit nagpumiglas siya’t lumapit sa binatang nagtatangkang bumangon.

"Ano'ng problema mo?!" galit na turan ni Lance ngunit kaagad niyang dinaluhong at inundayan ng suntok.

"Gago ka! Sa susunod, pipili ka ng taong sasaktan!" aniya at nagpakawala ng malakas na suntok. Binigwasan niya lahat ng nagtatangkang umawat sa kanya. Napamura ito at akmang gaganti ngunit biglang natigilan nang mapagsino siya. Tumawa ito ng mapakla. "So, you're here for revenge?" anito.

Nag-init lalo ang ulo niya kaya muli niya itong dinaluhong ng sinuntok. Hindi man lang umiwas ang binata at tinanggap bawat suntok niya. Sinenyasan din nito ang mga kaibigan na huwag makialam sa kanila. Hindi rin ito nanlaban. Kung hindi pa sila inawat ng bouncer, tiyak na basag ang pagmumukha nito.

Itinapon sila nga bouncer sa labas ng club. Kung hindi pa niya naitukod ang kamay ay sumubsob na ang mukha niya sa daan.

"I didn't mean to hurt her," anito nang sa wakas ay makabangon, pa-inot-inot ito hanggang sa makasandal sa pader. 

"It didn't matter! You still hurt her!" gigil na sambit niya. Bibigwasan pa sana niya ang kaharap kung hindi niya nakitang duguan ang pagmumukha nito. Not that he took pity on him because he does not deserve it, it just doesn’t feel gratifying because this jerk doesn’t fight back.

"Did you even know why we broke up?"

"It's because you have no balls."

Ganoon na lang ang tawa nito. "Aren't you referring to yourself?"

Nakuyom niya ang kamao. Nanginginig ang kamay niya sa pagpipigil na suntukin itong muli.

"Did I hit a nerve? Until when do you plan on pretending? Hindi ako manhid para hindi malaman na higit pa sa kaibigan ang tingin mo sa kanya!"

"So what?" gigil na sigaw niya. "What I feel has nothing to do with you, f*ckin' asshole!"

Tumawa ito ng mapakla. "It has everything to do with you because you were the reason we broke up!"

Naguguluhang napatingin siya rito.

"Why do you look surprised? There was never a time that Erika did not speak of you. Kahit magkasama kami, ikaw palagi niyang bukambibig, ikaw palagi ang magaling,  ikaw palagi ang bida. Sa tuwina'y may sarili kayong mundo. Kahit anong pilit kong makapasok, palagi akong naiiwan. It's like you are part of everything she does. She was even heartbroken when Antoinette broke up with you. She probably cried more than Antoinette cried. And it felt crazy. It didn't feel right. I cannot compete with that," anitong umiiling. "I can never compete with what you both have. If that's not love, I'll be damned."

"She loves you, asshole!" aniyang gumuhit ang pait sa dibdib. "And if you can't understand the bond that I and Pepper have, then you don't deserve her!"

Forever and Always BOOK 1 ( a sequel to As Long As Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon