SPECIAL CHAPTER

252 5 0
                                    

               

•Ariston Pov•

"Ariston"napalingon ako Kay Avie halos tuwang tuwa siya sa dala dala niyang bulaklak ngayon may kalakihan na Rin Ang tiyan niya Dahil kabuwanan na  pero malakas pa Rin siya na maglakad at ayain ako na lumabas

Hinawakan ko Ang kamay niya at binitbit Ang bag na nakasukbit sa kanya

"Maganda ba,Love?"tanong niya sa akin

"Oo Naman maganda Naman ikaw Ang pumili niyan syempre maganda iyan katulad mo"ngumiti siya Ng malapad halatang gustong gusto niya Kasi iyon

"Si Chance kasama ba siya ngayon Ni Monique?"tanong ko sa kanya

Tumango tango Lang siya Tama nga ako pinahiram na Naman niya Kay Monique Ang anak namin

Sigurado ako na Hindi magandang pag uugali Ang ituturo Ng malditang Yun sa anak ko

"Love...bakit mo naman pinahiram Yung anak natin sa babaeng Yun?"

"Ayaw mo ba?mabait Naman Yung kakambal mo at Isa pa kilala natin siya kaya sigurado akong mapagkakatiwalaan natin si Monique"Saad niya

Napabuntunghininga na Lang ako ano pa bang magagawa ko ayun na eh naipahiram na niya

Medyo napansin ko Yung suot niyang kwintas halos di niya inaalis Yun simula nung nakaraan pa medyo pamilyar din iyon na para bang nakita ko na Kung saan

"Teka?saan galing iyan?"tanong ko sa kanya

Nginitian niya ako"Ito ba?binigay Ng Mommy mo sa akin"

Medyo nagulat ako paano naibigay Ng Mommy ko Yun sa kanya eh Matagal na siyang Wala?

"Love seryoso ako ...huwag mo Naman akong lokohin oh?"

Nagtawa siya "Hmmm sorry si Monique Ang nagbigay nito pinabibigay Ng Mommy mo sa magiging asawa mo?at ako Yun di ba?ayaw mo ba?"

Sumimangot siya at akmang tatanggalin Yung kwintas sa leeg niya

"Tatanggalin ko na Lang"paiyak niyang sagot

Nitong nakaraan sobrang nag iiba talaga Ang mood Ni Avie minsan sobra siyang nagiging sensitive

"Huwag"pigil ko sa kamay niya"bagay sa Iyo iyan"Saad ko

Nakasimangot pa Rin siya

"Siguro gusto mo na si Verah Ang magsuot nito?!"sigaw niya

Medyo nagulat ako sa sinabi niya bakit napasok si Verah sa usapan?Matagal nang Wala sa eksena si Verah pero bakit ngayon ginagawa niya iyong dahilan para pag awayan namin

"Hindi!atsaka di ba sinabi ko na sa Iyo?ikaw Ang Mahal ko "

Bumitaw siya sa kamay ko at Hindi ako pinansin

Dali Dali ko siyang nilapitan at hinawakan Ang kamay niya kahit anong ilag niya ay Hindi ko binitawan Yun

Dinala ko siya sa Jewelry shop at pinapili siya dun Ng mga singsing at alahas na siguradong mas magugustuhan niya

Pampalubag loob ko Kasi sa kanya ay Ang mga singsing na binibili ko mas natutuwa siya Doon Lalo na Kung mas malaking diamond mas okay sa kanya

Kakaiba Kasi Ang pinaglilihian niya mga material na bagay kaysa pagkain

"Pili ka na Love bibilhin ko lahat Ng gusto mo"nakangiti Kong sambit

Nakasimangot pa Rin siya at hinawakan Yung  singsing na may blue diamond

"Iyan ba Ang gusto mo?"

"Mas bagay Kay Verah iyan...siya na Lang Ang bilhan mo"bulong niya habang tinititigan niya Yun

Till We Meet...Again(Wounded series No 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon