Ariston POV
Mabilis nilang dinala si Avie sa emergency room hindi ko aakalain na sa ganitong paraan ko na Naman siya makikita
"Dada Nisaan nipupunta si Nami"buhat buhat ko si Chance na halos magmugto na Ang Mata kakaiyak habang tinatanong Kung saan ba talaga dinala si Avie
"Gagamutin nila si Nami Baby huwag ka nang umiyak please"
Niyakap niya ako Ng mahigpit Alam ko Kung anong nararamdaman Ni Chance ngayon at ganung na ganun din Ng nararamdaman ko
Batang Bata pa siya at Hindi niya alam kung ano ba talagang nangyayari sa paligid niya Ang tanging nasa isip Lang Ng batang ito ay takot
"Tahan na Baby huwag ka nang umiyak ha?"
Nakaihikbi Lang siya at patuloy Lang sa pagluha habang ako pinupunasan Ang bawat pumapatak sa Mata niya
"Chance...anong Sabi Ni Mommy kapag umiyak ka pa ,di ba magagalit siya?"
Tumango tango siya "Opo,pero Nitatakot ako Dada"
Hinimas himas ko Ang likuran niya
"Nandito Lang si Dada hihintayin natin si Nami...magiging okay si Nami mo, Baby"
"Talaga?Ni okay Lang si Nami dun?"
"Oo Chance promise"
Nung mga oras na Yun dumating din ang Mama Ni Avie Hindi nakapunta Ang Papa niya Dahil nasa ibang bansa pa Ito
Dahil bawal magtagal Ang mga Bata sa hospital ay minabuti ko na ipasama si Chance na umuwi sa bahay Nina Tita Olivia para makapagpahinga Ito Alam ko na hanggang ngayon natatakot pa Rin siya
Na kahit ako ay doble Ang nararamdaman ngayon
"Kayo po ba Ang asawa Ng pasyente?"tanong sa akin kaagad Ng doctor na sumuri kay Avie
"Opo ako nga"
May iniabot siyang papel sa akin
"Para saan Po ba ito?"
"Masyado na po kasing napinsala Ang fetus sa loob Ng tiyan Ng asawa niyo Kaya Po kailangan niyo nang mamili Kayo Ang magdedesisyon Kung tatanggalin na po namin Yun sa kanya
Kailangan niyo pong pirmahan niya bilang permiso na pumapayag Kayo mas magandang piliin niyo na tanggalin iyon para mailigtas Ang asawa niyo"
Binasa ko iyon at nilinaw sa sarili ko na dapat pumili ako pipili ako Ng mas makabubuti
Labag man sa loob ko Ang magiging desisyon ko... kinakailangan Kong gawin Yun
Pagkatapos Kong pumirma ay ibinalik ko na Ang papel na yun sa kanya
Ilang oras Ang hinintay ko na halos umiiyak Lang ako sa labas Ng Operating room
Apat na taon na Ang lumipas na ganitong ganito rin Ang sitwasyon ko...noong halos mawala na sa akin si Avie at ngayon nandito ako sa parehong sitwasyon na ako Ang pumili ...na Isa sa kanila ay binitawan ko
"Avie I'm sorry Kung pumili ako...I'm sorry... please ...Sana mapatawad mo ako"
..............
"Sir okay na po siya pwede niyo na pong puntahan Ang asawa niyo"
Inabutan ko si Avie na halos mahimbing na natutulog sa loob
Hinawakan ko Ang kamay niya at mahigpit Kong hinawakan Yun
"Avie..."
Hinihimas himas ko Ang buhok niya at dinadama Ang mukha niya naramdaman ko Yung parte Ng tubig na nanggagaling sa Mata niya
BINABASA MO ANG
Till We Meet...Again(Wounded series No 2)
Roman d'amour"Time flies...halos apat na taon na pala simula Ng mawala siya Ang babaeng minahal ako Ng sobra Nasira ko Ang buong buhay niya nasaktan ko siya ...at hanggang sa huling pagkakataon Hindi pa rin siya Ang pinili ko Pinagsisihan ko Ang lahat ...lahat...